Chapter 26

67 4 0
                                    

Chapter 26

Dalawang linggo ang nakalipas, at halos puro pagsama ng pakiramdam lang ang nararanasan ni Tamar. Babangon siya ng umaga para lang sumuka ng sumuka. Minsan gawa pa ng pagsakit ng ulo niya, minsan gawa ng pagbubuntis niya.

"Babe!" sigaw ni Alarik ng maabutan nito si Tamar na nakasubsob sa may toilet bowl  sa banyo.

Pinagpapawisan ng malamig si Tamar. Nagsabay kasi ang pananakit ng ulo niya at ang kanyang morning sickness.

Habang hinahaplos ni Alarik ang likurang bahagi ni Tamar ay nakaalalay ito sa dalaga. Namumutla si Tamar sa mga oras na iyon, kaya naman nilamon na naman siya ng kaba.

"Babe kumusta ang pakiramdam mo? Ano na ang nararamdaman mo ngayon?" Nag-aalang tanong ni Alarik pero hindi sinasagot ni Tamar.

Laylay ang balikat na tumango si Tamar sa tanong na iyon ni Alarik. Pero walang salitang sinabi ang dalaga.

Wala ng maisuka si Tamar kaya binuhat na ito ni Alarik pabalik sa kama.

"Babe. Please naman, bumalik na tayo sa ospital," pakiusap ni Alarik na tinalikuran lang ni Tamar.

"Paano ka gagaling kung hindi tayo babalik ng ospital? Paano ka magagamot ng maayos?"

"Ospital? Tapos ano? Mapipilitan akong alisin ang anak ko sa sinapupunan ko. Tapos ano pa? Para magpaopera para mabuhay. Sa palagay mo, mabubuhay ako ng masaya kung wala na ang anak ko? Anak ko lang ang natitirang magiging kadugo ko. Mula ng iniwan ako ng mga magulang ko at kapatid ko. Hindi ko kayang mawala ang anak ko. Hindi ko kaya," umiiyak na wika ni Tamar na ikinabuntong hininga ni Alarik.

Kahit naman siya ay ayaw niyang mawala ang kanilang anak. Mahal na mahal niya si Tamar ganoon din ang kanyang anak. Pero hindi niya kayang makita na unti-unting kinukuha ng sakit nito si Tamar sa kanya.

"Babe ayaw ko ding mawala ang anak natin at alam mong mahal na mahal ko kayo. Pero intindihin mo ako. Tamar, halos nasa dalawang linggo na mula ng hayaan kitang pag-isipan ang pagpapagamot mo. Sana naman may sagot ka na ngayon. Babe tumatakbo ang oras. Kalagayan ninyo ng anak natin ang inaalala ko." paliwanag ni Alarik habang wala pa ring tigil sa pag-iyak si Tamar.

Ilang sandali pa ay nakarinig si Alarik ng pagkatok mula sa labas. Pumasok mula doon ang mommy niya at si Caroline.

Mabilis na lumapit si Dayes kay Tamar at inalo ang umiiyak na dalaga. Si Caroline naman ay mabilis na lumapit kay Alarik at hinalikan ito sa pisngi.

Mula ng dumating doon sina Caroline ay wala pa ring alam si Tamar na sa pinag-usapan ni Alarik at Caroline na hayaan lang ni Alarik na magpanggap na meron pang sila sa durasyon ng pagstay ng dalaga sa bahay ni Alarik. Kaya ang alam pa rin ni Tamar ay magkasintahan ang dalawa at mabait lang si Caroline sa kanya.

"Anong nangyari Tamar?" malabing na tanong ng mommy ni Alarik na ikinatitig ng dalaga dito. Nakangiti sa kanya ang ginang at hinaplos pa ang kanyang pisngi.

"Hon. Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari kay Tamar?" tanong ni Caroline na ikinabuntong hininga ni Alarik.

"Narinig ko siyang sumusuka kaya pumasok ako dito sa loob." ani Alarik na ikinatango ni Caroline.

"Aalis na muna ako. Papasok na ako sa trabaho," paalam pa ni Alarik at hindi na tumingin kay Tamar. Inihatid naman siya ni Caroline palabas ng bahay.

Naiwan ang mommy ni Alarik sa kwarto ni Tamar at inaalo ang dalaga. Hanggang sa kumalma ang pakiramdam nito.

Bumalik naman si Caroline sa kwarto ni Tamar, matapos makaalis si Alarik ng bahay.

Sa durasyon ng panahon na nanatili ang mga magulang ni Alarik at si Caroline sa bahay ng binata ay walang ipinakitang masama ang mga ito sa kanya. Kaya naman naging magaan lang ang pagtira niya doon. Siya ang gumagawa ng gawing bahay pag kaya niya. Pero mas malimit siyang pinagpapahinga ng mga ito. Lalo na si Caroline.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora