Chapter 23

72 2 0
                                    

Chapter 23

Naalimpungatan si Alarik ng marinig ang malakas na sigaw ni Tamar. Matapos kasi niya itong mapakain kaninang madaling araw ay nakaramdam ito ng antok kaya hinayaan niyang matulog ang dalaga.

Habang pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha ay hindi niya napansin na nakatulog na pala siya sa tabi nito.

"A-Alarik!"  nauutal na sigaw ni Tamar habang nanginginig ang boses.

"What happened? Babe," ani Alarik na hindi malaman ang gagawin dahil sa gulat.

Hawak ni Tamar ang ulo na halos masabunutan na ng dalaga ang sarili. Hindi naman makakilos si Alarik sa nakikita niyang nangyayari kay Tamar.

"Oh sh*t Alarik! Tangna anong ginagawa mo at nakatulala ka lang dyan!" sigaw ni Harry na hindi niya napansin na nakapasok na ng kwartong iyon.

"Tumawag ka ng doktor Arnold!" utos ni Lindon na siyang naglapag ng dalang kape sa table na nandon bago pinuntahan si Alarik.

"Pare relax. Pagnagkakaganyan si Tamar tatawag ka ng doktor at hindi iyong tutulala ka lang," ani Lindon ng makalapit kay Alarik.

Napaatras naman si Alarik ng biglang dumating ang dalawang nurse at may itinurok kay Tamar. Napansin niya ang pamumutla nito ng humupa pananakit ng ulo ni Tamar at nawalan rin ito ng malay dahil sa itinurok dito na pampakalma.

"Tinawagan na po namin si Dra. Samaniego. May emergency lang po sa ibang ospital pero dito na po siya magtutungo pagkatapos doon," paliwanag ng isang nurse bago lumabas ang mga ito.

Lumapit naman si Alarik kay Tamar at hinaplos ang pisngi nito. Inalis din niya ang mga nakaharang na buhok sa mukha nito.

"Babe, kaya mo yan. Lumaban ka. Hmm," ani Alarik tapos ay hinalikan pa sa noo at labi ang dalaga.

"Anong meron? Umalis lang kami kagabi, ngayon may halik at babe na?" curious na tanong ni Arnold na ikinabuntong hininga ni Alarik.

"Oh kape. Tapos ay magkwento ka na. Makikinig kami," wika pa ni Lindon.

Sinimulang ikwento ni Alarik sa tatlong kaibigan kung paano sila nagkakilala talaga ni Tamar, pati ang pagtatrabaho ng dalaga sa club.

"Wait pakiexplain ng maayos. Sabi mo nagtatrabaho siya sa club? Paano? Isa pa hindi ko naman siya nakikita doon?"

Nagtataka talaga ang tatlo sa kwentong iyon ni Alarik. Kaya naman kahit hindi pa tapos magkwento ito ay napapatanong na sila.

"Don't judge my girl. Isa siyang stripper sa Solteria," pag-amin niya.

"Wait! Solteria? Sa club? Stripper? Sino s'ya doon?" sabay-sabay na tanong ng tatlo ng makatanggap ng pambabatok mula kay Alarik.

"Sinabi ko bang lakasan ninyo ang boses ninyo. Magigising si Tamar sa kaingayan ninyo eh."

"Oo na ituloy mo na kwento mo. Sorry," si Arnold.

"Si Simmon."

"What!?" gulat pang wika ng tatlo, kaya sinamaan ng tingin ni Alarik ang mga ito.

"Wait. Mabenta si Simmon kaya hindi namin siya makuha, kasi paunahan talaga kay Simmon. Noong magkasama lang ba tayo na natyempuhan mo siya, noon mo lang siya nakilala?" tanong pa ni Lindon.

"Yes. May kakaiba kasi kay Tamar, I mean Simmon noong panahon na iyon na hindi ko maipaliwanag. Tapos ay ng makita ko siya ng personal, pakiramdam ko matagal ko na siyang kakilala. Hanggang sa bigla ko na lang siyang inalok ng pera, kapalit ng katawan niya. Noong una hindi siya pumayag kaya binigyan ko ng panahon para makapag-isip. At ayon na nga pumayag din siya," paliwanag ni Alarik sa tatlo.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Where stories live. Discover now