Chapter #30

84 3 2
                                    


                    Rhexyl's P.O.V

Hindi ko sinabi kay Cally ang tungkol sa trabahong mayr'on ako sa kaniya. Pagkamatay ng kaniyang magulang ay saka ako nagpakita sa kaniya.

Kinuha ko ang kaniyang loob para mapalapit ako sa kaniya at matulungan siya. Sinabi ko ang totoong nangyari sa pamilya niya. Pinagbawalan ko siyang makipagkita at sinabi kong ang alam ng kaniyang kapatid ay patay na siya.

I trained her until she become stronger. Siya mismo ang pumatay sa nag-utos para pasukin ang kanilang mansion. Pinatay niya rin ang mga kaaway ng kaniyang magulang. Ang lahat ng kayamanan na mayr'on ang Forester ay sa kaniya iniwan lahat.

"You have to be kidding me. Don't joke around." saad ni Cally.

Isang ngisi lamang ang aking tinugon sa kaniya.

"Kaibigan ni Grandma ang iyong mga magulang. Binayaran nila ako para maging bodyguard mo. Since ayokong makisalamuha, ginagawa ko ang aking trabaho sa lihim na paraan." ani ko,

"I've got curious about you," Bumaling ang tingin ko kay Fhinn. "Dahil sa aking curiosity ay nalaman ko rin ang tungkol sa iyong kapatid na si Fhinn." I stated.

"What the hell!" Rinig kong komento ni Yhoquin.

"Nang malaman kong balak kang patayin ay kumilos agad ako. Ginamit ko ang kapatid ng kambal. Pinapalitan ko ang mukha niya, at ang mukhang aking ipinalit ay ang mukha mo." pagkukuwento ko.

"Kasabay ng pag-alis mo patungong Italy ay siya ring pagpasok ng pekeng Cally. Hindi alam ng Forester na ang kasama nilang Cally ay isang peke lamang." dagdag ko.

"I am sorry, I was too late to save your parents. Nang dumating ako ay wala na sila. Ang tanging naabutan ko na lamang ay ang Kuya mong nagmamakaawa sa harapan ng pekeng Cally." tuloy ko.

"In short, ang pinatay ng kambal ay ang sarili nilang kapatid, hindi ikaw." saad ko pa.

Isang ngisi muli ang aking pinakawalan.

"Ginamit ko ang galit ni Fhinn para siya na ang pumatay sa kambal." Tumingin muli ako kay Cally. "At ginamit ko rin ang galit na mayr'on ka para mapatay mo rin ang isa sa kambal." pagtuloy ko.

Sanabi ko kay Cally ang pumatay sa kaniyang magulang ay isa sa kambal. Dahilan para siya ay magalit dito.

"Ginamit ko rin ang galit na iyon para muli ko kayong mapagtagpo muli." I said.

"Nangako ako kay Fhinn na ibabalik ko ang kaniyang kapatid na buhay na buhay. It's a good thing dahil nanatili siyang buhay hanggang sa araw na ito." ani ko pa.

Dahil kung hindi siya lumaban walang chance na makita pa ni Fhinn ang kaniyang kapatid.

"Naunang pumasok si Cally sa loob ng Der Mord. She is my spy here." pag-amin ko.

Bago ako pumasok ay alam ko na kung ano ang nasa loob ng University of Der Mord.

"Don't worry, hindi siya pumunta rito para alamin kung anong mayr'on sa paaralan na ito. Narito siya para bantayan si Cathalina. Iyon lang din naman ang dahilan kung bakit ako pumasok dito." I stated.

Yes, pumasok si Cally dito sa Der Mord para kompirmahin kung narito ba talaga ang apo ng Heackler. Hindi lang ako ang kaaway ng Heackler kaya ang ginawa niya ipinasok ng Heackler si Cathalina sa Der Mord para rito itago at ng hindi magalaw ng mga kaaway.

I yawned,

Bumalik na ang antok ko.

"That's it! That's all I know. Malinaw na ba ang lahat? May tanong pa ba?  Gusto ko ng matulog, e." saad ko,

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon