Chapter #7

125 5 1
                                    

This chapter is dedicated to those who are patiently waiting for the update.

            ********************

                RHEXYL'S   P.O.V

"You what? Warming up? You gotta be kidding me. Don't play around with me dahil hindi ako nakikipaglaro sa taong katulad mong lapastangan at kasing rumi ng lupa. Hindi na ako magtataka kung bakit inabandona ka ng iyong angkan." sambit ni Alkaline.

Umarko ang dulo ng aking kilay sa kaniyang mga sinabi. Pakisabi nga sa'kin kung ano ang ginawa ko para kainisan niya ako nang husto.

At saka ano 'to? Paulit-ulit lang? Paulit-ulit na ipamumukha sa'kin na ako ay isang abandonadong anak? Wala na ba silang ibang ibabato sa'kin? Ang luma naman.

Weak,

Dapat kung magsasalita sila tungkol sa'kin ay 'yong tipong tatagos sa'kin. Ni hindi nga bumaon sa'kin ang sinabi niya. Tapos, dapat 'yong iiyak at matitriger akong patayin siya.

"Sino ba may sabing nakikipaglaro ako sa'yo? Ikaw itong mainit ang dugo sa'kin at hinamon ako. Ikaw itong gustong patayin ako na hanggang ngayon ay hindi naman magawa. At saka, kung kasing rumi ko ang lupa. Kay ganda ko namang maruming lupa." bagot kong wika.

Bumuntong hininga ako.

"At kung puwede lang, kung manglalait ka ng pagkatao ng isang tao. Puwede bang,,, 'yong bago naman? Iyong bago sa pandinig." suggestions ko.

Umayos ako ng tayo.

"Look at me," Itinaas ko ang mga kamay ko sa kalagitnaan, kapantay ng aking baywang. Ipinakita ko ang aking sarili.

"Hindi ako pinagpawisan sa mga ginawa mo. Ni hindi nga ako napagod, e. At wala rin akong pakialam kung insultuhin mo pa ako. Tawagin mo ako sa kahit anong gusto mo kung iyon ang magpapasaya sa'yo. Ikumpara mo man ako sa pinakamasamang tao sa mundo. Basura man ang tingin mo sa'kin. Wala akong pakialam. Mayr'on bang mababago kapag pinatulan kita? Hindi ako mabubura sa mundo kung pang-iinsulto lamang sa'king pagkatao at pinagmulan ang gagawin mo." mayr'ong ngising sambit ko.

Nakakabit na sa pagkatao ko ang mga insulto mula sa mga taong nasa paligid ko. At sa buong buhay ko, 'yan ang aking kasama. Malapit na nga akong maging palamuti sa daming nakakabit sa'king buhay.

"I was testing you to see how far you could go, and you disappointed me. Nag-expect ako sa'yo 'cause you are a Connel. Inisip kong katulad ka rin ni Sylvester, pero hindi pala. Napakalayo at napakahina mo para tawagin at ituring kang Connel." saad ko na mayr'ong puno ng pagkadismaya habang umiiling na nakatingin sa kaniya.

Nakita kong mas lalo siyang naasar.

"You slut!" Tumakbo siya palapit sa'kin. Bagot kong iniiwasan ang kan'yang mga mabagal na atake.

Wala na bang bibilis ang galaw niya?

"Love, Is it really acceptable to have a duel outside of the battle field?" I asked to Sylvester.

"We have permission from Dean, but it's just for today." he answered.

Permission? Himala! Ano naman kaya ang nasa utak ng gurang na 'yon? Ano naman kaya ang pakulo niya? Tiyak akong alam niyang mangyayari ang ganitong situation oras na magtagpo ang landas ng dal'wang grupo. Kaya siguro pumayag siya sa ganitong set-up.

Kung sabagay, kung sa battle field nga naman maglalaban. Maaaring isa sa kanilang mga member ay mawawala nang maaga at magpapaalam kaaagad.

Sayang lang kasi mas exciting kapag nasa loob ng battle field.

TAD BOOK II: Caught and Die Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin