Chapter #28

48 2 2
                                    

 
                        Fhinn's P.O.V

Kasalukuyan kaming narito sa Lighthouse. Pagkaalis ni Leader at Rhexyl ay umalis na rin kami at dito sa lighthouse kaagad kami pumunta.

"Psst! Fhinn," ani ni Yhoquin saka marahang lumapit sa akin.

"Kapatid mo ba talaga 'yan?" tanong sabay baling sa babaeng kasama namin.

Tumingin din ako sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na buhay ang kapatid ko. Na nasa harapan ko siya ngayon.

Pero paano?

Nakita ko siya ng gabing iyon. Kita kong namatay siya, hindi naman sa hindi ko gustong makita siyang buhay pero kasi -----

"Dude! Baka naman bumangon siya mula sa hukay." mahinang bulong naman sa akin ni Acer.

"Tapos minumulto ka dahil mayr'on kang unfinished business or baka mayr'on siyang gustong sabihin sa'yo." segunda naman ni Briel.

Nanatili lamang akong tahimik at hindi tumutugon sa mga sinasabi nila dahil maging ako ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Are you really Cally? Iyong kapatid ni Fhinn." tanong ni Yhoquin.

Bumaling sa kaniya ang tingin ng sinasabing siya ang kapatid kong inakala kong patay na.

"Hindi ba talaga kapani-paniwala na ako si Cally?" taas kilay niyang tanong.

Mabilis na tumango sina Yhoquin, samantalang ako ay hindi mawala ang tingin ko sa kaniya.

Malaki ang pinagbago niya mula ng huli ko siyang makita.

"Mukha ba akong multo? Hindi naman ako maputla, ah. Nakalutang ba ako sa harapan ni'yo? Mukha ba akong hindi normal?" sunod-sunod niyang tanong habang sinusuri rin ang kaniyang sarili.

"You can't blame us for not easily believing you." simpleng tugon ni Phixier.

"The Fhinn's sister we know is dead, and suddenly, you just appeared in front of him. Of course, it was a big surprise for us, especially for Fhinn." singit ni Lopeh.

"It's hard to believe it." Lopeh added.

Bumuntong hininga siya at lihim na napakamot sa kaniyang ulo.

"Paano ba ito? Ang tagal naman kasi ni Rhexyl, e." Rinig kong bulong niya, hindi rin nakaligtas sa akin ang pagkasimangot niya.

Oo mahirap para sa akin paniwalaan na nasa harapan ko siya. Mahal ko ang kapatid ko. Walang araw na hiniling ko na sana balang araw ay makita ko siya ulit.

Dahil sa buhay na mayr'on kami noon ay halos hindi ko siya na kasama at nasubaybayan. Kaya hindi ko maitatangging halos wala akong alam tungkol sa kaniya.

Hindi ko na rin iyon inalam pa dahil ang makita kong nasa maayos na kalagayan siya ay sapat na para sa akin. Iyon lang din naman ang tanging gusto ko sa kaniya, ang mabigyan siya ng magandang buhay kahit pa sa masakit na paraan.

"Sige nga," ani ni Yhoquin.

"Kung ikaw talaga ang kapatid ni Fhinn. Paano mo mapatutunayan na ikaw nga si Cally, at hindi ikaw ang siyang namatay years ago." seryosong tanong ni Yhoquin.

Dumako ang tingin niya sa akin. Pabagsak siyang naupo sa couch. Hinintay ko ang kaniyang sasabihin.

"Fine," pagsuko niya.

"I was five years old at that time, iyon ang panahon na iniwan kami ni Kuya Callyp ng aming ina sa isang bus station." simula niya na siyang nakahuli ng atensiyon ko.

TAD BOOK II: Caught and Die Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz