Chapter #27

52 3 2
                                    


                 = Rhexyl's P.O.V =

Nang makabalik na sa dati ang battle field ay agad kong inalis ang lahat ng mga katanungan ko sa aking isipan.

Dumako ang tingin ko sa sugat ni Sylvester. Patuloy pa rin itong dumurugo. Hinanap ng aking paningin si Aljhune.

"Hey! Cheater!" malakas na agaw pansin ko kay Aljhune na hindi naman ako nabigong makuha ang atensiyon niya.

Hindi lang nga siya ang lumingon, e.

"Rhexyl?" Rinig kong sambit ni Yhoquin.

Agad akong lumapit kay Aljhune na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"Cheater? Sino ang tinawag mong cheater?" tanong niya.

"You," blangkong sagot ko.

Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya.

"Key," malamig kong hingi sa kaniya.

"Key?" ulit niya sa aking sinabi.

Malamig ko siyang tiningnan.

"Ah! wait!" ani niya saka mayr'ong hinanap sa kaniyang bulsa.

Nang makita ko ang susi sa kamay niya agad kong inagaw ito sa kaniya.

"T-Teka! Rhexyl?" habol niyang saad sa akin.

Tinalikuran ko siya agad at mabilis akong bumalik kung nasaan si Sylvester. Kinuha ko ang kamay ni Sylvester saka hinila siya.

"Baby,"  Rinig kong saad ni Sylvester.

I secretly press the button on the key that I am holding.

"We are going to Der Mord Hospital to remove the bullet." seryosong sambit ko.

"Baby, it's okay. No need. I can remove it myself." tugon niya sa akin.

"No!" mariin kong saad.

Nakita ko na ang kotse ni Aljhune.

"Get in," utos ko.

Mabuti at sinunod naman niya ako. Pagkasakay namin ay pinaandar ko ang sasakyan. Full speed kong pinaandar ang kotse kaya mabilis kaming nakarating sa Der Mord Hospital.

Agad akong bumaba at binuksan ang pinto ng kabilang kotse. Pagkalabas ni Sylvester ay agad kong chineck ulit ang sugat niya.

"It's still bleeding." nag-aalalang saad ko.

Hinila ko siya papasok ng Der Mord Hospital. Pagkapasok ko ay agad akong naghanap ng doktor na siyang makatutulong kay Sylvester.

Hindi naman nagtagal ay nakahanap kaagad ako. Agad naman na inasikaso si Sylvester. Pinili ko na lang na hintayin siya sa labas kung saan siya dinala ng doktor.

Hindi ko alam kung bakit labis ang pag-aalala ko. Alam ko namang daplis lang iyon at malayo sa bituka.

At sigurado akong hindi siya roon mamamatay but still hindi ako sanay na makitaan siya ng sugat or sa ganoong situation. Mabuti kung ako ay walang problema. Sanay ako sa ganoong situation.

Pabalik-balik ang naging paglakad ko dito sa labas. Hindi ako mapakali. Nanatili sa aking isipan iyong sugat ni Sylvester.

Base sa bilis ng agos ng dugo sa sugat niya ay mukhang malalim ang naging pagbaon ng bala sa tagiliran niya.

"Ms. Daxzon," Mabilis na lumingon ako sa boses na narinig ko.

"Mr. Con---" Hindi ko na tinapos ang kaniyang sasabihin. Agad na akong pumasok sa loob.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon