Chapter #16

88 4 0
                                    


                  Rhexyl's P.O.V

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng makalabas ako sa Der Mord pero hanggang ngayon ay still monitor pa rin ako ni Sylvester. Pero lagi naman, e. Basta galing akong Der Mord Hospital.

Asahan mong super higpit niya sa'kin. Hirap pa rin akong makalusot sa kaniya. Mahirap din palang boyfriend mo ay doktor. Nag-o-offer na nga ako na gusto ko ng pumasok sa klase kahit ayoko talaga, pero hindi 'yon umepekto sa kaniya.

Okay na rin ako, bumalik na sa dati ang lakas ko at wala na akong lagnat. Joke lang pala, pabalik-balik kasi ang lagnat ko pero sinat na lang siya.

Boring na boring na ako sa dorm niya buti pumayag siyang dito naman kami sa lighthouse.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang lugar na 'yon. Mas pinili kong huwag na lang itong ipaalam kay Sylvester or kahit kanino man. Baka pagkamalan pa akong baliw. Dahil taliwas ang aking sasabihin dahil natagpuan naman ako sa loob ng elevator. Baka dahil sa inaapoy ako ng lagnat ay nagdedeliryo na ako at napadpad ang utak ko sa kung saan. Baka panaginip lang talaga iyon.

Ngunit alam ko ng mga oras na 'yon, tanda ko pang mabilis na lumapit sa'kin 'yong dalawang aso, handang sakmalin ako.

Paano ako napunta sa loob ng elevator? Nagkaroon ba ako ng power na teleportation? Kating-kati na ang mga paa kong hanapin muli ang lugar na iyon. Gusto kong hanapin ang entrance na 'yon.

"Hey! Why my baby is frowning like a child, hmm?" Mas lalong naging busangot ang mukha ko. Alam naman niya kung bakit, e.

Nakita kong mayr'on siyang inilapag sa tapat ko. One is a capsule medicine for cold and cough and the other one is a liquid thing na pinaka-ayokong inumin.

Yes! Ang Lola ni'yo ay nagkakasakit at nagkakaubo at sipon din. Nakakainis nga, e.  Nahuli-huli ba naman ako.

Umayos ako ng upo at marahang kinuha ang capsule for cough. Binuksan ko ang isa at ininom ito.

"I'm good. Hindi ko na kailangan pang inumin ang isang 'yan." Tukoy ko sa isang maliit na bote. Agad din akong tumayo at mabilis na lumayo sa kaniya.

"M-matutulog ako." dahilan ko.

"Come back here, young lady." tawag sa'kin ni Sylvester at pilit na pinapalapit ako sa kaniya.

"Ayoko! Alam mo namang ayoko ng lasa niyan." Mabilis kong tinungo ang likuran ng couch. Lumalayo talaga ako sa kaniya dahil alam kong kapag nahawakan na niya ako ay wala akong kawala.

Effective naman kasi talaga ang gamot na 'yan. Madalas iyan ang pinaiinom din sa'kin ni yaya kaya ganoon na lamang ang pagtanggi ko sa pag-inom niyan.  Hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng maliit na bote na 'yan, pero ang pait na mapakla na lasang dugo na ewan kasi talaga ang lasa niya. Kaya ayaw na ayaw ko talagang inumin.

Ipainom na sa'kin ang lahat, kahit lason ay tatanggapin ko huwag lang talaga ang nilalaman ng maliit na boteng 'yan. Isinusumpa ko talaga ang lasa niyan.

"Come on, baby. Don't be hardheaded." giit ni Sylvester.

Todo iling ang ginawa ko. Pinaninindigan ko ang hindi pag-inom ng pinaiinom niya.

"Please! Ayoko talaga niyan, e. Kahit ilan pang tabletas or capsule ang ipainom mo sa'kin. Iinumin ko iyon lahat kahit sabay-sabay pa. Huwag lang talaga 'yan." pagmamakaawa ko sa kaniya.

I swear! Alam na alam niyang hirap akong painumin kapag iyan ang usapan kahit nga si grandma ay hirap din sa'kin. Kulang na nga lang ay itali niya ako ng bonggang-bongga para mapainom.

"Aljhea," last warning niya sa'kin.

Umiling pa rin ako sa kaniya. Bumuntong hininga siya. Marahan akong humakbang patalikod. Nang hindi siya nakatingin sa'kin. Kinuha ko na ang pagkakataon na iyon na makatakas. Mabilis kong tinungo ang hagdan at umakyat. Nasa kalagitnaan na ako ng mayr'ong humigit sa'king kamay dahilan para mapaharap ako sa humila sa'kin.
Hinigit ako ni Sylvester papunta sa kaniya. Nanlaki ang mata ko dahil kapag binitawan niya ako ay mahuhulog ako sa hagdan. Hawak niya ang isa kong kamay at ang isang kamay naman niya ay humawak sa'king batok sabay lapat ng labi niya sa'kin.

TAD BOOK II: Caught and Die Where stories live. Discover now