Chapter #13

105 8 0
                                    

                    Rhexyl's P.O.V

Lumukot ang noo ko nang marinig ang tunog ng alarm clock na siya namang dinadaluhan ng tunog ng cellphone ko. Gaano man sila kaingay na dalawa. Mas pinili kong huwag silang pansinin saka nagpatuloy ako sa pagtulog nakaagad akong nakatulog muli.

Makalipas muli ang ilang minuto ay muli akong nagising sa parehong tunog na pinagmumulan. Kunot na kunot ang noo ko habang marahan kong iminulat ang aking mga mata. Dahan-dahan din ang paggalaw ko patungo sa direksiyon ng orasan. It's already 7:30 am.

7:30? Oh shit! Kaya naman pala grabe kung tumunog ang alarm ko dahil anong oras na. Late na ako.

"Please! Stop!" mahina kong pakiusap sa alarm ko. Mukhang narinig naman nito kaya kusa siyang tumigil sa pagtunog.

Napahawak ako sa ulo ko. Ang bigat ng katawan ko maging ang ulo ko ay ganoon din. Hinawakan ko ang aking noo. Hindi naman siya mainit. Ayaw ding bumangon ng aking katawan. Isang malalim na paghugot ng hininga ang ginawa ko. Mabigat man sa kalooban ko ay bumangon pa rin ako.

Sa pagtayo ko ay bigla akong natigilan. Napahawak ako sa dulo ng mesa na nasa tabi ng kama ko. Bigla kasi akong nahilo. Marahan akong muling naupo sa gilid ng kama at iwinaksi ang aking ulo para mawala ang pagkahilo ko.

Maya lamang ay unti-unti na siyang nawawala. Muli akong tumayo at dumeritso sa banyo. Kaagad na binuksan ko ang shower pagakatapat ko rito. Hindi ako nagtagal sa paliligo dahil kung tatagal pa ako mas lalo akong mahuhuli.

Kumuha ako ng tuwalya saka ibinalot sa katawan ko. Pagkalabas ko sa banyo ay tinungo ko ang cabinet ko saka kinuha na lang ang uniform ko. Pakiramdam ko lalong bumibigat ang katawan ko. And its weird kasi mas lalo akong nilalamig baka dahil katatapos ko lang maligo.

Isinuot ko ang uniform at nagsimulang mag-ayos ng sarili. Kinuha ko ang bag ko at ang cellphone ko saka lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

Nahinto ako sa paglalakad nang tumunog muli ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag, "Please! Kung mangbwe-bwesit ka lang naman. P'wede bang huwag ngayon? Sa ibang araw na lang. Wala ako sa panahon para sakyan ang tama mo." mahina at simple kong bungad. Binabaan ko na rin siya ng phone.

Dumako ang tingin ko sa air conditioner. Mas'yado bang mababa ang temperature nito? Nilalamig kasi ako nang sobra. Marahan kong hinimas ang aking braso. Hindi bale na lang, aalis din naman ako.

Tinuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa marating ko ang labas. Hindi ko na lang din pinansin ang nararamdaman kong lamig. Baka dahil lamang ito sa pinaligo ko kanina. Malamig kasing tubig ang ginamit ko para magising talaga ang diwa ko.

Naging tahimik ang palakad ko patungong campus building pero kaliwa't kanan ang pag-aanunsiyo ng mga namamatay. Minu-minuto ang paglabas ng holographic news para ipakita ang nabura sa listahang mga studyanteng nawawalan ng buhay.

Wala talaga ako sa wisyo para bigyan ng pansin ang mga ito. Daig ko pa ang uminom ng magdamag at may-hang over na tao.

Tahimik nga ang bawat studyante ngunit hindi naman nanahimik ang system announcer. Kung isa ka lamang na ordinary student. Matatakot at mapre-pressure ka talaga dahil dito wala talagang kasiguruhan ang iyong buhay. Anumang oras ay puwede kang malaglag at mabura. Hindi ka lang mabubura. Kalilimutan ka rin ng bawat narito. Oras na wala ang iyong pangalan sa ranking list. Tila hindi ka nag-exist sa lugar na ito. Para bang hindi ka nabuhay, nakilala, at nakisalamuha kung ikaw ay balewalain at kalimutan.

TAD BOOK II: Caught and Die Where stories live. Discover now