CHAPTER 48: FAIRYTALE ALMOST

19 0 0
                                    

(MC'S POV)

Umaga na naman. Hay! Kakamulat ko palang ng aking mga mata. Iniisip ko pa rin si toffee. Gosh! Why am I so guilty and concern? Hay! Nanghihina parin ako gaya ng kahapon. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil sa pesteng feelings na ito! Nope! Mali ang iniisip mo. Hindi ako inlove kay toffee o ano man, naaawa lang ako! Shit! Nagiging normal na ata akong tao! Ayaw kong maawa! Ayokong maloko at madisappoint ulit!

Kahit bagot na bagot pa ako, bumangon ako. Chineck ko yung facebook ko. May messages na naman! Pero isang tao lang ang naka-caught ng attention ko. Yun ay si FAMEous-angel. Ako kasi yung nasa profile picture niya. Binasa ko yung message niya.

Siya: "Hi MC! Pumunta ako sa presscon mo. Ang ganda mo pala. Nakakainlove tuloy Hehe. At ang ganda rin ng bago mong libro. Nabasa ko na. idol!"

So ibig sabihin, nakita na niya talaga ako. Baka nga nakapagpa sign na rin siya sa akin at nakapagpapicture e! shit! Sino ba itong taong to? Rineplyan ko siya dahil curious na curious na ako sa kanya!

Ako: "nakita mo na ako, di pa kita nakikita"

Nagreply naman siya agad.

Siya: "nakita mo na ako!"

Sobrang shock ko nung mabasa ko. Medyo natakot pa ako.

Ako: "hoy! Hindi kaya stalker na kita! Ang mga stalker, minsan, nagiging criminal! Sino ka ba? Ha? Siguro may plano kang mang rape sakin noh!"

Siya: "haha. Wala akong planong i-rape ka. Hindi rin ako stalker. Fan mo lang ako"

Ako: "so sino ka ba? Send ka nga ng picture mo sakin!"

Siya: "so, gusto mo akong Makita, idol?"

Ako: "not that I want to. Pero kailangan kitang makita para kung sakaling may mangyari sa akin, ikaw ang may kasalanan!" I know, nonsense yung sinabi ko. Pero wala akong masabing iba e

Siya: "sige ba. Kita nalang tayo sa "orange and peaches" 5:00 pm"

Stalker nga siguro talaga siya! Pati favorite bakery ko alam niya!

Ako: "stalker ka noh? Pati favorite bakery ko alam mo!!!"

Siya: "hindi. Favorite ko din kasi doon! Wow. Coincidence!"

Ako: "sige. 5 pm then!"

Marami pa siyang sinabi pero di ko na nireplyan! Hay! Kailangan ko nang bumaba para magluto! Hay! Tumataba na ata ako. Hindi na ako nakakapagjogging. Pero wait! Pwede na pala akong magjogging! Dali dali akong nagpalit. At nagjogging na ako. Gaya ng dati, isang oras akong nagjogging. Pero pagkabalik ko, nagulat ako!!!!!!

Bakit ang daming tao sa harap ng bahay ko na nakahawak ng rainbow colored balloons? Bakit nandun yung tatlong myembro ng fame5 sa harap ng bahay ko at nakapusturang tutugtog sila! Bakit ang daming fake na bulaklak!!!!! At bakit may media???? Lumapit ako, nagtataka ako kung anu yun! Pagkalapit ko,

Tumugtog na sila kent, TADHANA by updharmadown! Lumapit siya sa akin habang kumakanta. Shit! Nakakahiya! Sabi ko na nga ba, strategy niya ito sa panliligaw eh! Infairness, effective!  kinikilig ako pero hindi ko pwedeng ipahalata! Ito kasi yung mga napapanood ko sa mga telenovelang kinaadikan ko! Pinipicturan kami ng mga kung sinu sinong paparazzi. Ngumiti parin ako, totoong ngiti, pero sasabihin ko na namang peke pag kami na lang ni kent ang magkausap, gaya ng ginawa ko kay toffee! I hate myself! Sobrang hindi ko kayang magpakatotoo! I know I can but I wont. Ayokong madisappoint ulit. Ganun dito sa mundo. If youre weak, pagsasamantalahan ng ibang tao yung kahinaan mo.

Pagkatapos ng kanta, nagsalita si kent.

Siya: "good morning miss beautiful. I heard, ayaw mo sa flowers e, kaya fake flowers nalang." Sabay abot sa akin ng ang laki laking boquet ng fake red roses!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHUT UP! HINDI MO AKO FAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon