CHAPTER 6: BINAGO MO ANG BUHAY KONG HAYOP KA!

95 0 0
                                    

(mc's pov)

Nagising ako dahil may tumatawag! Sigurado akong si mama at papa yun. Magvi-videocall na naman kami! Ganito ang buhay kapag nasa overseas ang pamilya mo. "magkalayong agwat, gagawin ang lahat!" hahaha magkabilang mundo ang peg! Alas singko palang ng umaga. Isa ito sa mga dahilan kaya nakahiligan ko ang magjogging. Kapag nagising ako, di na ako makakatulog ulit. Konting tunog lang, magigising na ako. So ayun nga. Kahit may muta pa ako sa mata, binuksan ko na ang laptop ko. Ako narin ang tumawag kina mama.

——-convo————

Mama: "good morning princess! Kamusta crush mo?"

Ako: "ma, hindi ka endorser ng mcdo!" (inaantok pa) (noon kasi, may patalastas yung mcdo na nagtatanong ng: "kamusta crush mo?")

Mama: "im just kidding my princess! Antok ka pa? we miss you anak!"

Ako: "ohw (tunog sweet), I miss you guys too. Asan pala si papa?"

Mama: "wala pa siya. Nag-grocery. Magluluto kami ng chicken adobo. Your favorite"

Buti pa si mama parang masaya lagi. Ganito si mama ko pati rin si papa. Masayahin. Napaka-positive. Mabait. Caring. Mapagbigay. Supportive. Kabaliktaran ng ugali ko.

Ako: "parang nagutom ako bigla."

Mama: "kumakain ka pa ba? Parang yang pisngi mo nalang ang mataba a!"

Ako: "matutuwa ba ako sa sinabi mo ma?"

Mama: "Joke lang anak. Magluto ka naman kasi minsan. Wag puro padeliver!"

Ako: "im fine sa delivery ma. Wala naman akong choice. I don't know how to cook almost.... everything"

Mama: "kaya dapat, kapag nag asawa ka, yung magaling magluto. Pihikan ka pa naman!"

Tama! Hindi ako marunong magluto pero marunong akong kumilatis ng masarap at hindi masarap na pagkain. Minsan, alam ko din kung ano ang ingredient ng mga natitikman kong pagkain. Nasasabi ko rin kung ano ang kulang.

Ako: "asawa? Wala akong balak. Wala akong tiwala sa love love na yan ma!"

Mama: "yun na nga e. hindi ka pa naniniwala sa love kasi wala ka namang balak i-experience 'nak. Nagtataka nga ako kung paano ka nakakapagsulat ng mga naka-inspirational na libro."

Ako: "mama, kasi totoo lahat ng sinasabi ko doon! It was all based on facts!"

Mama: "sabagay. Yung pagiging prangka mo, may maganda rin palang naidudulot sayo no? lalo na sa career mo! Haha"

Ako: "ma naman e! nang aasar umagang umaga!"

Mama: "ay hindi! Gabi, gabi!"

Hahahahaha. Natatawa ako sa sinabi ni mama. Parang bata magsalita si mama. Si mama lang at si papa ang nakakapagpatawa sa akin ng ganito. Nagpatuloy kaming mag-usap hanggang sa nagpaalam na ako kasi magja-jogging na ako. Pero trinay ko lang matulog ulit. Pero ayaw talaga e. alas sais na nang bumangon ako. Naghilamos na ako. Itinali ko ang buhok ko. Nagpalit. Nagsapatos. Nagstretching muna ako sa loob ng kwarto ko. Ready na ako! Oops. Wait. Kunin ko pa pala yung i-pod ko. Yung ipod ko nasa lamesa na nasa harap ng bintana ko. Saktong pagkuha ko, nakita ko si "kuya". Naninigarilyo pala yung adik nayun. Saglit ko lang siya nakita kasi agad din siyang pumasok sa bahay nila. Hay! Ang daming media at babae dun sa tapat ng bahay nila. Dun kaya sila natulog? Iba rin yung efforts nila ha para lang Makita ang fame5. Ang aga aga palang nandun na sila. Anyway. Bumaba na ako at lumabas ng bahay. Naglakad lakad muna ako. Saka tumakbo. Ganito ako magjog. Lakad lakad saka takbo ng konti. Madali rin kasi akong mapagod. Maraming nagja-jogging dito sa subdi pag ganitong hindi pa masyadong mainit. Pero solo-flight ako. Wala akong fitness buddy. Sanay ako mag isa. Halos isang oras din akong nagpapapawis. Pagkabalik ko ng bahay ko, humiga ako sa sofa, kinuha ang remote. Swinitch on ko yung t.v. manonood ako ng news. Ang sarap manood ng news. Araw-araw, may bagong news! Importante sa akin na alam ko ang nangyayari kahit papano sa bansa. Tinawagan ko si jun, yung baklang tauhan ko.

SHUT UP! HINDI MO AKO FAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon