CHAPTER 35: SHE'S THE ONE

32 0 0
                                    

(KENT'S POV)

Sobrang excited kaming pumasok sa bookstore. Excited na excited akong Makita si mc. Ang hindi ko alam, magugulat lang pala ako! Pagkapasok ko, nakita ko agad yung babaeng nakaupo sa gitna ng stage. Grabe! Siya ba talaga si mc? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Si mangkukulam si mc? Tinitigan niya ako hanggang sa makaupo kami. Sa mga oras na ito, hindi ko pa alam kung siya nga si mc, dahil wala pa akong naririnig na tumatawag sa kanya ng mc. Pero pagkaupo namin nila wang at Stacey, may nagtanong na sa kanya. sabi, "MISS MC, SINONG IDOL NIYO SA SHOWBIZ" HAY lintik! Confirmed! Siya nga si mc! Tumingin siya sa akin at nginitian niya ako! Hay! Yung ngiti niya? Bakit ganon? Ang bilis ng tibok ng puso ko! Bakit ganun? Bakit parang hindi man lang ako galit sa kanya?! bakit parang natutuwa pa ako na siya si mc? Oo! sigurado na ako. Masaya talaga ako dahil siya si mc! Dahil kung tutuusin, gusto ko rin naman si mangkukulam e, hindi ko lang maamin noon. Grabe! Ganito pala siya kaganda pag naayusan? Shet! Tinamaan na ako! Tinititigan ko lang siya. Ang ganda ganda niya pala talaga! Mukhang hindi siya masungit. Siguro nga, pinagtripan niya lang ako noon. Kasalanan ko yun! Bakit ba kasi ako pumunta sa bahay niya ng gabing gabi para humingi ng tubig? Hay! Ako ang dapat magsori! Mamaya, kakausapin ko siya! Magsosori ako. Sumagot si mangkukulam, este, mc sa tanong. Sabi niya gusting gusto niya daw ang fame5. Hindi ko alam kung totoo yun o pinagtritripan na naman niya ako. Pero ganun pa man, masaya ako dahil sinabi niya yun.  Tinignan niya parin ako pagkasabi niya nun. Nung tignan ko kung sino yung sunod na magtatanong, si jelin! Hay! Halos parepareho lang kami ng oras na nakarating dito sa event na ito! Ano kayang itatanong ni jelin? Wag lang naman sanang non-sense na naman! Nung magtanong siya, nagulat kaming lahat!

"HI MC! Ako si jelin, love na love ko yung mga libro mo. At ang ganda mo pala sa personal, iloveyou mc!  gusto ko lang sanang tanungin kung, KUNG LILIGAWAN KA NG MGA MYEMBRO NG FAME5, sinong pipiliin mo sa kanila?"

Hay! Nonsense na naman! Gaya ng inaasahan ko. Pero inisip ko naman, pabor sa akin yung tanong ng kapatid ko! Nakaisip tuloy ako ng ideya!

"KAPATID KO PO KASI SI KENT. GUSTO KONG IKAW ANG MAGING GIRLFRIEND NIya miss mc!"

Hahahahah! Napakatalino talaga nang kapatid ko! Gusto ko si mc! At chance ko na ito! Hindi sumagot ng direkta si mc, kaya tumayo ako! Ako na mismo ang nagtanong sa kanya.

"KUNG MANLILIGAW BA AKO, PAPAYAG KA?" seryosong seryoso ako! Gusto ko talaga siya! Mahal ko na nga ata siya e! pambihira! Grabe yung ngiti niya! Para akong matutunaw! Shet! Kinukulam na nga niya ata ako! Mamamatay na ata ako sa tuwa! Hahaha!

Ibinalik niya sa akin ang tanong. Tinanong ni mc kung handa daw ba akong manligaw kung sakali. Agad agad akong sumagot! Sinabi kong oo! at gagawin ko lahat para sa kanya! pero nailang ata siya! Nako po! Hay! Pinakanta kami nang manager.

Nung kumanta ako, inalay ko yun ng buong puso kay mc! Tinitignan ko pa siya! Marami sa mga fans niya na nandoon, fans din namin sa fame5. Naramdaman ko ang suporta nila sa akin, sa aming dalawa. May humihiyaw pa nga ng "heart heart mc and kent!"Sa ngayon, hindi ko alam kung anong nararamdaman ni mc pero binigay ko lahat ng pagpapacute na kaya ko! Haha. Kinausap ko din siya nung magpapapirma ako ng libro. Sabi ko "HI MC, im sorry". Ngumiti siya, sabi niya sa akin "oh, sorry din. Lets talk later!" hahaha! Later daw! E di ibig sabihin, dadalaw ako sa bahay niya! Ang saya saya ko. Nakapicture ko pa siya! At ngayon, wallpaper ko na! ginawa ko ring profile picture sa lahat ng social media accounts ko! Maraming natuwa. Marami ding nainggit pero sabi ng mga fans ko, kung masaya daw ako, masaya na rin sila! Nagpost pa nga ako nang "LILIGAWAN KO SI MARIA CONSUELO-IBANYA ASUNCION! SUPPORT GUYS, PLS! heart heart J" hahaha. Pauwi na kami ngayon. Hinatid din kami ni Stacey. Kasama ko narin si jelin ngayon! Kinausap ako ni Stacey.

Siya: "totoo bang gusto mo siya?"

Ako: "yes, liligawan ko siya"

Siya: "talaga?"

Ako: "oo naman stace! Support naman jan o!"

Pero hindi siya umimik. Alam kong mahirap yun para kay Stacey dahil gusto niya ako. Pero maliwanag naman kasi na hindi ko siya gusto, siguro matatanggap niya rin yun! Hinayaan ko lang siya. Pero medyo nakokonsensya talaga ako. Kaya sinabi ko sa kanya na, "stace, sana wag kang magtanim ng galit sa akin ha, but I really like mc". Nginitian niya lang ako. Hay! Nasaktan ko na naman siya! Nagsalita rin si jelin!

Jelin: "kuya, galingan mo ha! Para pag sinagot ka niya, pakasalan mo na agad!"

Ako: "kasal agad tot?"

Jelin: "gusto ko magka-baby na kayo agad kuya hahahah!"

Ako: "baliw! Tumigil ka nga tot!" saka ako tumawa

Wang: "alam mo jelin, nonsense ka pa rin!"

Jelin: "ang sabihin mo, namiss mo lang ako wang, my dear ex!"

Wang: "ex? Duh! Kilabutan ka naman jelin!"

Jelin: "wow ha?, kung makareact ka, parang ikaw pa ang lugi sa atin nang maging tayo?!"

Wang: "kahit sino malulugi pag ikaw naging gf! At pwede ba! Hindi naman naging tayo e!"

Jelin: "hindi naging tayo? E bakit mo ako hinalikan?"

Nagulat ako sa sinabi nang kapatid ko! 17 palang siya no!

Ako: "ano? Hinalikan ka ni wang?"

Jelin: "yes kuya! Magkatabi pa nga kaming natulog nun e!"

Wang: "stop it jelin! Nakakairita na!"

Ako: "wang, totoo ba?"

Wang: "no, never ever na naging totoo yun kuya kent!"

Ako: "hoy tot! tanghaling tapat, nag-iimagine ka na naman!"

Jelin: "bakit ba kasi ayaw mong maniwala kuya!? Totoo nga! Hay! Mapapatay kitang wang wang ka!" saka niya pinektusan si wang!

Hahahha. Makulit talaga si jelin. Pero hindi ko parin alam kung totoo yung mga sinasabi niya o hindi!

SHUT UP! HINDI MO AKO FAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon