CHAPTER 29: THIS FAKE BITCH

29 1 0
                                    

Sa totoo lang, kung hindi lang dahil sa utos ni mc, hindi talaga ako pupunta sa salon at boutique na ito. Hay! Pambihira! Ano ba kasing event yun? Nandito ako ngayon sa LOU-niverse styling HUB. Naaasar ako sa may ari ng kung ano mang impyernong ito. Hindi kami okay. Magkaklase kami noong college. Lagi kaming ikinukumpara sa isat isa. Pareho kaming gay. At nagkataon lang na pareho kaming super competitive. Hindi kami nagpapatalo. Hindi naman kami nag away o ano basta hindi ako comfortable na kasama siya. Nakaka-insecure at nakaka intimidate siyang kasama. Hmm. Basta ayoko sa kanya.

Pumasok na ako sa salon niya. Binate naman ako ng babaeng nasa counter.

Siya: "good afternoon sir, ano pong sadya niyo?"

Ako: "makiki-kain sana ako, anong menu?"haha. wala lang. gusto ko lang pagtripan itong babaeng ito.

Tumawa pa talaga siya. Hay! Kala mo naman maganda.

Siya: "ay si sir, mapagbiro"

Ako: "hindi, hindi, MAPAG-paiyak"

Siya: "hahhaa, sir naman e! papaayos po kayo?"

Ako: "hindi hindi, ipapaayos kita. Libre lang bet mo?" hahahahah

Siya: "sir pwera biro po, ano pong sadya ninyo"

Ako: "ikaw! Close kasi tayo e" hahaha

Tumawa lang siya. Pero lumapit sa amin si LOU, YUNG may ari.

Siya: "jr? ikaw na ba yan?"

Ako: "hindi!!!!!!!! Hindi ako to! Ikaw to te!" hahaha

Bineso beso niya ako. (yuck!) hay. Naaasar ako.

Siya: "jr, kamusta ka na?"

Ako: "well, ok naman"

Siya: "ohw, so napadaan ka?"

Ako: "ah oo e. magha-hire sana ako ng isa sa mga stylisyt mo"

Siya: "ah ok. For what event ba?"

Ako: "ah hindi para sakin, para sa boss ko. Babae"

Siya: "ohw, I see. So ano palang work mo?"

Ako: "executive assistant ako nung boss ko. Writer siya"

Siya: "ah ganun ba? Anong klaseng hire ba?"

Alam mo, hindi masungit si LOU. Napakabait niya. Naiinsecure lang ako dahil sobrang bait niya kaya minsan, nakakahiyang makipag usap sa kanya.

Ako: "ah kung pwede sana, matulog na daw sa bahay niya. Kasi 10 yung event niya bukas."

Siya: ok ok. I-pasama ko nalang den sayo si MITCH. Siya yung stylist ko. Anyway, may damit na ba yung magpapaayos?"

Ako: "wala pa e. pero nandito naman sa akin yung kopya ng measurements niya."

Siya: "let me see. Para makapagdecide ako sa damit niya and shoes niya"

Ibinigay ko yung kopya ng vital statistics ni mc.

Siya: "anong klase ba siyang tao? Masayahin ba o may pagka-loner?"

Ako: "bruha. Bruha siya hahaha"

Nagtawanan kaming dalawa ni LOU. Pagkatapos ng lahat ng usapan, nakapili na siya ng damit, ng shoes, ng bag, ng kung anu ano pang gagamitin. Ipinakilala narin niya sa akin si mitch, ANG MAGIGING STYLIST NI MC. Babae si mitch, mahiyaing bata. Nagbayad ako sa counter ng salon, naka- 13,205.57 lang naman ako! Grabeng mahal! Hahaha. Pero tiwala naman ako sa kanya kaya binayaran ko nalang. Nandoon narin kasi ang hire ni mitch. At ngayon, papunta na kami kay mc. Ipapakilala ko na si mitch sa kanya.

Ininterview ko na muna si mitch.

Ako: "mitch ilang taon kana?"

Siya: "19 po"

Ako: "ay ang bata mo namang stylist. Sure ka bang stylist ka na? haha" biro ko sa kanya

Siya: "ah opo. Nagseminar po ako under miss LOU"

Ako: "mabait ba talaga si LOU?" hahaha tinanong ko na talaga siya

Siya: "ah opo. Sobrang bait niya"

Ah. Hahaha mabait pala talaga siya. Ako lang talaga nagsasabing echosera siya hahaha.

Ako: "ah oo nga, pansin kong mabait talaga siya. Anyway, mahilig ka bang magbasa ng libro?" haha

Siya: "hindi po e. bakit po?"

Ako: "yung aayusan mo kasi e writer. Isang NAPAKA-BAIT na writer" hahha nagsisinungaling na naman ako.

Siya: "talaga po? Sikat po ba siya? Hindi po kasi ako mahilig sa libro. Mahilig po ako sa music, ganun"

Ako: "music? So let me guess, fan ka ng fame5?"

Siya: "ah opo. Actually, ako po ang isa sa mga stylist nila"

Ako: "ohw talaga? So magkwento ka naman about them. Love na love ko din kasi sila e"

Siya: "napansin ko pong CLOSE po sila lahat sa isat isa. Lalong lalo nap o si sir kent at si sir toffee. Mabait po sila at mahilig po silang magbiro"

Ako: "gwapo ba talaga sila sa personal? Sinong pinakagwapo?"

Siya: "gwapo po silang lahat e. pero si sir kent po talaga ang pinakagusto ko."

Ako: "nako ang daming may gusto dun. Bakit kaya?"

Siya: "kasi siya po yung lead singer?????"

Ako: "hahahaha! Oo nga no!"

Siya: "mabait po si sir kent. Lagi po niya akong pinapansin. Lagi niya po akong sinasabihan nang thank you mitch. Ako po kasi yung nag aayos sa kanya. Sabi pa po niya noon, kamukha ko daw yung kapatid niya"

Ako: "so may kapatid si kent?"

Siya: "opo. Jelin daw po ang pangalan."

Ako: "paano mo alam?"

Siya: "nabanggit lang po niya noon sa akin. Ah! Yun po, yun po ang mahilig magbasa ng libro"

Nagpatuloy lang kaming mag usap ni mitch. Hanggang sa makarating kami sa bahay ni mc. Ipinakilala ko siya kay mc. Nagtataka naman ako kung bakit parang ang bait bait ni mc ngayon. Bineso beso pa nga niya ako at si mitch e. ano kayang nakain niya? Anong plano niya?

SHUT UP! HINDI MO AKO FAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon