CHAPTER 1: SINO AKO. SINO SILA.

326 7 0
                                    

(mc's pov)

madalas, paglabas ko ng bahay sa umaga, may mga nakapilang babae, paparazzi at kung sinu-sino pa sa harapan ng bahay ng kapitbahay namin! May mga gabi rin na di ako makatulog ng maayos noon kaya ginawa kong birthday gift sa sarili ko na maging soundproof room yung kwarto ko. Hay! Nakakainis! Kung makahiyaw yung mga babae parang end of the world na! hindi lang hiyaw yung nakakairita, minsan may ala cheering squad pa. hilig kong mag-jogging, magkape sa umaga at manood ng news. Sa kasamaang palad, yung t.v ko nasa living room (hindi soundproof room yun!) kaya kapag nanonood ako sa umaga umaabot ng 56 yung volume para lang marinig ko. Kapag tanghali, usually, ang ginagawa ko nanonood parin pero sa laptop ko na, sa kwarto ko na. nagsusulat din ako ng libro. mag isa lang ako sa bahay ko. Ako ang boss, ako ang kasambahay, ako ang nagluluto, naglalaba, namimili. Ako lahat. 20 years old na ako. Wala akong trabaho. Nakapag-college din ako. Naka-graduate. Nasa abroad si mama at papa. Sa England. Magkasama sila. Nagtratrabaho sila sa isang computer company. Bata palang ako, mga 3 years old, iniwan na nila ako kina lola at lolo at sa pangangalaga ni mommy sung. Si mommy sung ay katiwala ng bahay namin sa laguna, kung saan ako lumaki. Kada buwan, binibisita ako ni mommy sung at araw araw, umaga, tanghali, at gabi, tinatawagan niya ako. Ah! Nandito pala ako ngayon sa manila. Sa isang ekslusibong subdibisyon. Sabi nila, mayayaman daw ang mga nakatira dito. Mga artista, politiko, at mga ubod ng yaman. Ops! Hindi kami mayaman. Nagkataon lang na ninong ko ang may ari nitong subdibisyon na tinutuluyan ko kaya may discount sina mama nung binili nila itong bahay. Wala akong trabaho kaya halos araw- araw nandito lang ako sa bahay ko. Lumalabas lang ako ng bahay pag magwiwithdraw at pag mag-grogrocery ako o mamimili ako ng damit ko. Hindi ako mahilig sa outside world. Hindi ako marunong makipagkaibigan. Wala akong kaibigan. Hindi ako mabait. Wala akong pakialam sa buhay ng iba. May facebook naman ako. Yun lang ang natatanging social media site na meron ako. Sa facebook, andami kong friends. Marami akong likes at comment na natatanggap. Pati narin mga messages. Pero hindi ko lang pinapansin. Marami din akong followers. Alam mo ba kung bakit? Writer kasi ako. Ako si MARIA CONSUELO- IBANYA ASUNCION. Tawag nila sa akin "MC". Oo, maria Consuelo ang pangalan ko. Ako ang nagpapublish ng sarili kong libro. May mga tanyag na libro na akong naisulat. Dahil sa mga librong yun, Nakilala ako particular na sa parte ng mga kabataan. Marami akong natatanggap na inbitasyon na dumalo sa mga kung anu-anong events para daw magbigay ng inspirasyon. Sarili ko nga di ko kayang i-inspire, sila pa kaya? Ako daw ang taylor swift ng mga libro. Yun ang akala nila. Di lang nila alam. Snob ako. Para sa akin, hindi katanggap tanggap na ikumpara ako kay taylor swift. (sorry sa mga fans niya!) unang una kasi, wala akong lovelife o naging lovelife man lang. hindi rin ako nagsusulat base sa experiences ko. Hindi ako bitter. AT panghuli, hindi niya ako fan. Sasabihin ko na sa inyo ang totoo. Maganda ako. Sa sobrang ganda ko, wala ng natira sa ugali ko. Kaya wala akong friends kasi hindi ako marunong magsinungaling at magbigay ng compliment. Prangka akong tao. Masaktan ka man o hindi sa sasabihin ko, opinion ko yun. Kung di mo kayang i-take bahala ka, hindi ka kawalan para sa akin. Ganito ako kasamang tao. Hindi ako plastic. Nabanggit ko na bang ako ang nagpa-publish mismo ng libro ko? Oh well, may mga tauhan naman ako. Sina jr at jun. bakla sila. Magsyota silang dalawa. Masayahin sila. Ewan ko kung maituturing ko ba silang kaibigan. Siguro hindi rin! Tinatawagan ko nalang sila kapag kailangan ko sila. May mga pinsan din naman ako pero di ko close. Miss independent ako. Nasanay na akong mag isa at hindi umaasa sa iba. Kasi pag iniasa mo ang sarili mo sa kanila, madidisappoint ka lang sa huli. Ganito kaboring ang buhay ko.

SHUT UP! HINDI MO AKO FAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon