CHAPTER 31: "BEAUTYMOUS"

38 0 0
                                    

(MC'S POV)

Ginigising ako ni mommy sung! Hayts! Bakit ba niya ako ginigising? Ang sarap sarap na ng tulog ko e! hindi ko siya pinansin. Pinilit kong matulog pero wala e! naiiglip lang ako saglit. Nako naman! Hindi talaga ako makatulog na! shhh! Ganito ako, konting ingay lang di na ako makatulog ulit! Bumangon ako. Sinuntu-suntok ko yung mga unan ko! Binugbog ko sila! Hahaah. Nakalimutan kong nandun pala si mommy sung. Pinamaywangan niya ako.

Mommy: "MARIA! Ano bang ginagawa mong bata ka?"

Ako: "bakit niyo naman po kasi ako ginigising mommy! Wala namang gagawin e!"

Mommy: "nananaginip ka pa rin ba? Ha? Ipalo ko kaya sayo yang unan para magising ka nan g lubusan!"

Ako: "bakit po ba kasi mommy? Inaantok pa po talaga ako e!"

Humiga ako ulit at nagkumot. Pero tinanggal ni mommy yung kumot. Saka ako pinalo ng unan!

Mommy: "hoy MARIA! Di ba may fansigning ka?"

Nagulat ako. Napabangon pa ako. Oo nga pala! Shit! Anong oras na? hala!

Ako: "anong oras na ba mommy?"

Mommy: "8 na ng umaga! Maligo kana! Kumain at magpaayos! Kanina ka pa hinihintay ni mitch sa labas!"

Naligo na ako. Hay! Nako naman! Kung sabagay, event ko naman yun! Kahit maghintay pa sila ng ilang oras hahaah. Magpapa-cute lang naman ako. Tinagalan ko ang paliligo ko. Hahaha. Tinagalan ko rin ang pagkain ko ng almusal. Kahit napapagalitan na ako kay mommy sung, hinayaan ko lang siya.

Mommy: "maria, aba'y sabihin mo lang kung wala kang planong ituloy ang event mo"

Ako: "relax lang mommy. Wala pa nga sina jun at jr eh."

Pagkasabi ko nun, eksakto namang dumating na sina jun at jr.

Jun: "goodmorning garci! This is the day"

Jr: "good morning boss! O bakit di ka pa naka ayos?

Ako: "aba. Mas mukha pa kayong mas ready sa akin a?"

Jun: "naman! Ma-ttv na naman ako noh!"

Jr: "exposure din namin ito"

Mitch: "miss mc, tara na po. mag ayos na po tayo. 9:12 na po oh."

Ako: "relax ka lang mitch. Event ko yun. Kahit ma-late pa ako"

Jun: "wow! Uma-attitude. Hindi pa sikat, uma-attitude na"

Jr: "ay, kamusta ka na the? Sikat ka na?"

Nagtawanan silang lahat. Ako lang ang hindi. Hinila ako ni jun at jr.

Jun: "tapusin na yang pagkain mo! Magtoothbrush kana! At magpaayos!"

Wala na akong choice. Nagpaayos na ako. Hay! Ang dami namang tapal na ginagawa sa mukha ko! Kung hindi lang talaga dahil sa fansigning event na ito, hindi ko talaga ipapagalaw yung magandang mukha ko!

Mitch: "maam, tingin po sa taas"

Ako: "bakit?"

Jun: "pwede ba garci, sumunod ka na lang! wag na iexplain pa!"

Bastos na baklang to! Pero anyway, sumunod nalang ako. Hay! Bakit ba ang daming linalagay sa mukha ko?

Ako: "bakit ba ang dami mong linalagay mitch? Matatapos pa ba tayo?"

Mitch: "maam, ganun po talaga para flawless yung make up"

Ako: "flawless? Bakit? Hindi pa ba ako flawless?"

Mitch: "aam hindi po sa ganun... pero...."

Jun: "hoy garci! Ikaw ang tatapusin ko kung di katitigil sa kakareklamo jan kay mitch! Siya ang may alam jan! wag kang echosera baka mamaya, mukha ka nang bruha!"

Ako: "hoy jun ha! Kanina mo pa ako sinusumbatan!"

Jun: "hahaha. Sorry garci, na-carried away lang ako. Hahaha"

Pagkatapos niyang ayusin yung mukha ko at buhok ko, ilinabas nila yung damit ko, na noon ay di ko pa nakikita! OMG! Bakit ang ikli?

Ako: "ayoko yan! Palitan ninyo! Ang ikli ikli!"

Mitch: "maam, bagay po sa inyo ito at maam, di nap o natin pwedeng palitan. Male-late na po tayo!"

Ako: "eh basta ayoko yan!"

Mommy sung: "maria wag ka nang mag inarte! Akala ko ba may tiwala ka sa ganda mo? Ha?"

Ayun! Napagalitan tuloy ako! Hay! Wala akong choice ulit! Isinuot ko na lang. paglabas ko sa kwarto ko, sumigaw si jun at jr!

Jun: "te, ang ganda mo pala talaga! Now ko lang narealize!"

Ako: "eh batukan kaya kita?"

Jr: "wow! Grabe mc, ganyan ka pala kaganda?"

Noong una, hindi pa ako naniniwala sa kung anong O.A na comment nila, pero nung tumingin ako sa salamin, oo nga! Sobrang ganda ko pala talaga!!!!!


SHUT UP! HINDI MO AKO FAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon