Ang babaeng Pinagsakloban ng Langit at Lupa

18 10 1
                                    

Isang taon, apat na buwan, at tatlong araw na ang nakalipas simula ng mawala ka..

Malinaw parin sa aking memorya ang itsura mo ng madatnan kita sa kama

Ramdam ko pa rin ang malamig mong presensya

Ramdam ko parin ang mga mata mong malamig kung tumitig

Mga labi mong nanatiling nakasara kahit na ako'y nahihirapan ng huminga sa aking patuloy na paghagulgol.

Ang isip ko'y naghahabol, pi-no-proseso kung ano nga bang sagot sa tanong na bakit mo nagawa ito.

Bakit mo nagawa ito?

Bakit mo nagawa iyon?

Bakit mo ako iniwan ng walang pasabi?

Akala ko ba sa akin lang ang puso mo?

Pero bakit?

Bakit mo nagawang ipamigay ito sa iba?

Para ka namang tanga!

Eto pa ako oh!

Kala ko ba sabik na sabik kang makita ako?

Sa tuwing nagvivideo call tayo 'I miss you' ang mukhang bibig mo

Tanda ko pa nang sabihin mong 'sana makauwi na ako' ang palaging dasal mo?

Pero bakit pag-uwi ko ito ang ibinungad mo?

Nakatatak parin sa isip ko ang bulungan ng mga tao

Tanda ko pa ang paghingi ng tawad ng inay mo sa ngalan ng anak niya, sa ngalan mo.

At tandang-tanda ko pa kung anong balita ang hinatid sa akin ng doctor na nagpaguho ng mundo ko

Mas masakit pa kesa ng nalaman kong patay ka na.

Sabi ng doctor successful daw ang operasyon ni Cassandra Villamor

Cassandra Villamor?

Bakit parang pamilyar? Isang pangalan na lubos akong pamilyar.

Dagdag pa ng doctor na salamat daw ito sa kabutihan ni Ivan, sa kabutihan ng fiance ko.

Napatanong na lang ako
"B-bakit doc, ano meron? Ano kinalaman ni Ivan sa operasyon ni Cassandra?"

"Umm.. excuse me miss, who are you to the deceased?"
Nagtatakang tanong ng doctor matapos mapansing mayroon pa palang isang tao sa silid bukod sa ina ni Ivan

"Ako..? Ako ang fiancé niya."
Saad ko matapos mabigla sa kanyang tanong.

Ang doctor ay nabigla rin sa aking sinabi at ang kanyang ekspresyon ay napalitan ng kalituhan

Ang ina rin ni Ivan ay biglang nag-iba ang ekspresyon na animoy nagpapanik

"Excuse Mrs. Marasigan, what is the meaning of this? I thought that Cassandra is the fiancé of the deceased?"
Mahinang bulong ng doctor sa ina ni Ivan.

Ngunit rinig ko parin.

Ang mga kataga na mahinang binitawan ng doctor ay rinig na rinig ko

ito na yata ang pinakamahinang bulong ngunit pinakamalakas na aking nadinig.

Ang boses ng doctor at ang impormasyong hatid nito ay patuloy na umuugong sa aking magkabilang tenga.

Ngayon ko lang naranasan ang napakalakas na katahimikan.

Nakakabinging katahimikan na sumira sa aking mundo

Sobrang sakit na mas hihilingin ko nalang na mamatay.

Ang Babaeng Pinagsakloban ng Langit at LupaWhere stories live. Discover now