Tinambol naman ng kaba ang puso ni Alarik pero hindi pa rin niya ipinapahalata ang sa mga magulang ang takot na nararamdaman.

Alarik
Gusto ko mang magstay sayo pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang ipaako sayo ang batang nasa sinapupunan ko. Alam kong hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko. Alam mo naman kung saan ako nagtatrabaho di ba? Kaya naman magising ka na sa katotohanang, hindi kita mahal. Pera mo lang talaga ang gusto ko. Isa pa hindi totoong may sakit ako. Palabas lang ang lahat. Hangad ko ang kasiyahan mo sa piling ni Ms. Caroline. Sana maging masaya kayo, ng pamilyang bubuoin ninyo.
Tamar

Halos mapunit ang sulat na iyon ni Tamar matapos niyang basahin. Iniwan niya ang mga magulang at pinuntahan niya ang library kung saan nakakonekta sa isang computer doon ang lahat ng cctv camera.

Nakita niya na bandang alas onse ng gabi kung kailan tulog na ang lahat ay lumabas ng kwarto si Tamar dala ang backpack nito. Sa may gate ay nakita niya ang isang lalaki, na siyang sekretarya ni Dra. Samaniego. Sumakay ang dalawa sa taxi na naghihintay sa dalawa.

End of flashback

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Alarik tapos ay tumayo para kumuha ng alak.

"Hindi ko talaga alam kung anong dahilan mo Tamar. Pera lang ba talaga ang gusto mo? Wala ba talaga akong halaga sayo? Totoo bang hindi totoo iyong sakit mo? Pagkukunwari lang ba talaga ang lahat?" mga tanong sa isipan ni Alarik ng tumunog ang cellphone niya.

Binalikan niya iyon sa table niya at nakita niyang sa group chat nila iyong magkakaibigan.

"Kumusta?" bati ni Arnold na nagpatawa sa kanya. Wala namang masama sa tanong nito, pero natatawa lang talaga siya.

"Baliw ka na Alarik," wika naman ni Lindon.

"Matagal na, kung hindi pa ninyo alam," ani Harry  na mas ikinatawa niya.

"Club tayo?"

"Nice one bro. Kaya ka nga namin tinawagan aayain ka namin. Iyon nga lang naunahan mo kami," si Arnold.

"Dating gawi," tanong ni Lindon na ikinatango niya.

Ilang minuto pa silang nag-usap bago natapos ang tawag. Mula ng umalis si Tamar, hindi na niya ito pinagkaabalahang hanapin. Para saan pa? Kung ito na mismo ang umalis at iniwan siya.

Ilang buwan na rin naman mula ng umalis si Tamar. Sa tingin nga niya ay nakapanganak na ito sa ngayon or manganganak  palang. Noong una kahit galit siya dito ay umaasa pa rin siyang babalik ito. Hanggang sa lamunin na rin siya talaga ng galit. Lalo na habang tumatagal wala man lang  Tamar na nagparamdam sa kanya.

Alas otso na ng gabi at naghahanda na si Alarik patungong club. Mula ng nawala sa poder niya si Tamar ay naging tambayan na nilang magkakaibigan ang Club Solteria, pero inom at chill-chill na lang. Hindi tulad noon. Ngayon wala ng babaeng sangkot. Puro inuman na lang silang apat.

Paglabas ng gate ay napakunot noo pa si Alarik ng makarinig siya ng iyak ng isang sanggol.

"Wait! Halloween na ba? Bakit may umiiyak na sanggol?" napangiti pa siya ng maalala ang petsa sa araw na iyon. Naghihintay din siya kung may mga batang lalapit sa bahay niya. Sanay naman ang subdivision na sa ganoong panahon ay nagpapapasok ang mga ito ng mga batang naninirahan sa labas ng subdivision na iyon. Iyon nga lamang at wala siyang naihandang treats para sa mga bata dahil nakalimutan niya ang araw na iyon.

Papalapit na siya sa may gate ng mapansin niya ang isang may kalakihang basket. Bigla naman siyang nataranta ng marinig na nagmumula doon ang iyak ng sanggol.

Mabilis na binuksan ni Alarik ang gate at tinungo ang kinaroroonan ng basket.

Tumambad sa kanya ang napakaliit na sanggol pero sa tingin niya ay hindi ito bagong silang na sanggol. Ilang buwan na ito sa tingin niya. Ngunit napakaliit lang talaga.

His Maid Stripper (Hooker Series 14)Where stories live. Discover now