- trente-troisième -

Start from the beginning
                                    

Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niya. Pakiramdam ko parang may mga butterflies sa loob ng tiyan ko kasi ngayon ko na lang ulit narinig na may malasakit sa akin si Paris.

"Ayos lang ako. Walang problema." nginitian ko siya tapos niyakap ko siya ng mahigpit. "Namiss kita, Paris." medyo nahihiya pa akong sabihin 'yun sa kanya dahil hindi naman kasi talaga ako vocal sa mga nararamdaman ko pero dahil para ma-feel niya na nage-exist ako, ginawa ko 'yun.

"Hehe, ako din Sasha." tapos madali siyang bumitaw sa yakap ko at bumitaw sa akin. Pakiramdam ko biglang nagsimatayan ang mga butterlies sa tiyan ko dahil sa ginawa ni Paris. Ano bang nangyayari sa kanya?

Ano bang nangyayari sa amin?

Hinayaan ko na lang siya sa ginawa niya at tinignan ko lang siya nang talikuran niya ako at pumunta sa may mesa sa kusina at doon na siya bumalik sa pag-aaral.

Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga ko na 'to sa araw na 'to. Nag-aayos na lang ako ng mga gamit ko para naman kahit paano may magawa ako kahit wala naman. Hindi ako makapag-paint o makapag-drawing dahil wala na akong available na materials. Sabi sa akin ni Paris nun, bibilhan niya ako ng mga gamit pagkatapos niyang magpa-register sa DOJ para sa Bar Exams kaso hindi naman siya bumili. Hindi na ako nag-abala pang kulitin pa siya dahil baka magalit pa siya sa akin.

Kinagabihan, natuwa naman ako kahit paano dahil sabay kaming kumain ni Paris ng dinner. Nagpa-deliver na lang kami sa KFC ng bucket meal at 'yun na lang ang kinain namin. Kaso ayun nga lang, ang tahimik ni Paris. Parang malalim ang iniisip. Siguro kasi bukas na ang exams niya kaya baka nagpapa-kondisyon lang siya.

"Anong pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya

Parang nataranta naman siya sa tanong ko dahil nagulat siya at parang na-startle pa sa kinauupuan niya. "S-saan?"

"Para bukas. Sa bar exams. Alam kong kaya mo 'yan, galingan mo ha." nginitian ko siya para kahit paano ay pampalakas ng loob. Sana ma-appreciate niya.

Tinanguan lang niya ako na parang wala lang 'yung words of encouragement na sinabi ko sa kanya. Napakuyom na lang 'yung mga palad ko at pilit na pinapakalma ang sarili. Pagod na ako sa ganitong setting pero nilalakasan ko na lang ang loob ko para sa akin at sa magiging anak namin.

Binilisan ko na lang ang pagkain at pagkatapos, inayos ko na ang pinagkainan ko at pumasok na sa kwarto. Ayoko na lang ipilit ang sarili ko kung sa huli ay masasaktan din naman ako.

x - - - - - - - - - - x

Kinabukasan, nagising na lang ako na wala na akong katabi sa kama. For sure, umalis na si Paris at pumunta sa University kung saan siya mage-exam. Kahit anong pilit kong iwasan na maramdaman 'to pero nakakatampo talaga na hindi man lang niya ako magawang gisingin saglit para magpaalam na aalis na siya.

Naloloka na talaga ako, hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa buhay niya.

Bumangon ako at kumain na lang ng cereals kaso mukhang ubos na yata 'yung gatas. Hay ano ba naman 'to?! Ba't ba kasi hindi ko tinitignan ng mabuti 'yung fridge?

Kumuha ako ng pera sa purse ko, mabuti na lang at may convenience store sa baba kaya hindi ako mahihirapang maghanap pa ng bibilhan.

Pumasok ako sa elevator at pinindot 'yung ground floor. Mag-isa lang ako sa loob kaya mabilis akong makakababa. Napahawak ako bigla sa dibdib ko nang biglang nagpapatay-bukas ang ilaw ng elev. Pinilit kong kinalma ang sarili ko at humawak sa railing sa likod ko. God, 'wag naman po sanang ganito.

Napatili na lang ako nang biglang bumulusok ang elevator pababa na parang nawalan na lang ng control. Tuluyan nang namatay 'yung ilaw at wala na akong makita. Napaupo na lang ako sa tiles ng elevator nang maramdamang sumasakit na ng husto 'yung tiyan ko.

"Ang baby ko..."

Napaiyak na lang ako sa sakit. Parang hindi ako makahinga. I just prayed that I could survive this pain. No one can help me at this point. I closed my eyes in depair, waiting for any miracle that could happen.

x - - - - - - - - - - x

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. All I can see is a pure color of white. I thought I just died but when I felt the pain in my tummy, I'm sure I'm still alive. I glanced thru my both sides and I've seen Paris' head on the bed and I realised I'm at hospital. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito pero nagpapasalamat pa din ako kay Lord at ligtas kami ni baby.

Dahan-dahan kong hinawakan ang ulunan ni Paris tapos umangat ang ulo niya mula sa pagkakatulog. Hindi na ako nakagalaw nang bigla niya akong yakapin.

"P-Paris... Ano'ng nangyari?" hindi ko alam kung bakit nagtanong ako ng ganito.

"Are you alright? I'm sorry, Sasha. I'm sorry. I've been very irresponsible." kumalas si Paris sa pagkakayakap niya sa akin at ikinulong ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya na nakahawak sa magkabilang pisngi ko tapos nakita ko na sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya.

Wait, this is the first time I've seen Paris crying!

"Bakit, ano bang nangyari? Sumagot ka." sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Parang ayokong marinig ang mga susunod na sasabihin niya.

"Naaksidente ka kanina sa elevator nang mawalan ng control at kuryente 'yun. Mabuti at nasugod ka agad sa ospital at tinawagan ako ng ambulance team bago pa ako makapag-exam--"

Nagulat ako sa sinabi ni Paris kaya humigpit ang hawak ko sa braso niya. "Are you saying that you haven't took the Bar Exams? Answer me, Paris."

Tahimik lang siyang umiling. God! What happened?! Dahil sa akin kaya hindi siya nakapag-exam. It's all my fault!

"Pero Paris, ako ang dapat mag-sorry sa'yo. Nag-aral ka ng mabuti pero nauwi lang sa lahat 'yung pinagpaguran mo." feeling ko ako naman ngayon ang naiiyak. I'm so guilty.

"Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin kasi makakapag-exam pa naman ako next year. Ikaw at ang baby natin ang mas importante sa akin. I know I fucked up my duties as your partner and a father to our child." pinupunasan ni Paris ng likod ng palad niya 'yung mga luha niya. Bakit pa ba siya umiiyak kung tanggap na niyang 'di siya nakapag-exam? Bakit ba siya nagso-sorry sa akin?

"Paris, magsabi ka nga. Why are you crying? Did something happened?"kinakabahan din ako sa sarili kong tanong nang mapansin kong parang hindi siya mapakali.

"Sasha... listen carefully. Whatever happens, just hold on to me okay?"

"Paris--"

"Just...just hold on to me. Promise me that."

I had no choice but to believe him and I nodded.

Hinigpitan pa niya lalo ang hawak niya sa kamay ko saka humugot ng malalim na hininga at diretso akong tinignan sa mga mata ko.

"Sasha, we've lost our baby. You got a miscarriage after the accident. I'm really, really sorry."

Oh God, no way.

Your Boyfriend SucksWhere stories live. Discover now