Chapter 27

187 23 3
                                    

Maaga palang ay nag ayos na si Mazee at Dallas. Ito na ang araw ng final hearing nila. Bagama't kabado si Mazee ay malaki ang tiwala nya kay Dallas. Naalala ni Dallas nong 2nd hearing na kinausap sya ng senador kung bakit hinawakan nya ang ganitong kaso. Isang ngiti lang ang sinagot ni Dallas at ngumiti. "Truth will prevail." saka sya umalis non at iniwang nagtataka ang senator.

Sinikap ni Dallas na sa natitirang araw ay makuha nya lahat ng kailangan nya. Alam nya na medyo tagilid ang kaso dahil sa alibi ng kabilang partido. Pero, hindi sya papayag na hindi lalaban.

Sa dating pwesto umupo si Mazee at Taylor. Nang dumating ang tatay at kuya nya ay nagkunwari syang abala sa cellphone nya. Hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ni Mazee na naiilang sa tatay nya. Hanggang ngayon, alam ni Mazee na hindi pa rin nya nakukuha ang katahimikan na gusto nya.

Tinapik sya ni Taylor sa balikat nang makita nito ang panginginig ng kamay nya. Tipid na ngumiti lang si Mazee.

Dumating ang kabilang partido na tila nangungutya. Marami ang nasa court room ngayon. Mga kilalang abogado na lumuwas pa para sa kaso na ito. Nang magsimula ang kaso ay parang baliktad ang pangyayari at nagungutyang siguradong mananalo ang kabilang partido sa kaso. Nakita ni Mazee kung paano intrigahin ang tatay nya at kapatid nya na tila ba binabastos. Sa tuwing nangyayari iyon ay nakakaramdam si Mazee ng matinding galit at nag rereact naman agad si Dallas sa ugali ng abogado.

Malakas ang bulungan sa korte at ang senator ay mukhang siguradong mananalo sya.

Oras na ni Dallas sa kanyang pagtatanong at tila matapos ang ilang katanungan palang ay tila kinabahan na kabilang partido. Pilit syang pinipigilan pa sa mga katanungan ng kabilang abogado pero lahat ng sinasabi ni Dallas o pagrereverse nya ng tanong ay doon parin tumutungo kung bakit nya naitago ang katotohanan. Halata na ang kabilang partido.

Isang envelop ang dala ni Dallas na naglalaman ng mga ebidensya. Halata sa kuha ng mga litrato na talagang na set up lang ang kuya at tatay ni Mazee na tumulong lamang nang mapansin nila na may kakaibang nangyari. Pero, binaliktad ito dahil patay na pala ang biktima nang isakay sa van. Sila ang pinagbintangan.

"They were on the wrong place at a wrong time. Kaya sila ang mapagbiitangan." bulalas ni Dallas nong nakita nya ang ebindensya na matagal nyang hinanap.

Mula sa isang dashcam ng sasakyan na nasa may masukal na daan na saktong naakside nong panahon na yon at nasa masukal na parte na natatabunan ng kahoy. Nilapitan pa iyon ng mga tauhan ng kabilang partido nang panahon na iyo, pero walang tao. Hindi nila alam na may dashcam na nakatagilid na natatabunan ng towel at di nila nakita. Sinuwerte lang si Dallas nang mapansin nya na mga taong pumunta sa gilid at nakita nga nya ang sasakyan na iyon. Nahanap nya agad at nakuha ang ebindensya.

"Hindi totoo yan! Hindi ko masasaktan ang sarili kong pamangkin!" sigaw ng witness na kamag anak ng biktima na isang negosyante at ang tunay na salarin. Pero wala na syang magagawa.

Isang malakas ang sampal ang ginawad ng senador sa kanya. "Paano mo ito nagawa!" sigaw nito sa tunay na may kasalanan.

"Aksidente ito! Hindi ko to ginusto." nanlulumong umiiyak ang tunay na salari.

Halos magpalakpakan ang lahat sa nangyari dahil sa hirap ng kaso na sobrang daming loop hole ay napatunayan ni Dallas ang totoo.

Binasa na ang final verdict ang ilan sa mga kondisyon na inaprobahan ng judge.

"The father and Son, Mr and Mr Solin are not guilty!" napahawak si Mazee sa kanyang dibdib sa sobrang saya. Masayang nagpapalakpakan ang mga tao at inaanusyo na rin ng media ang mga pangyayari.

"As part of compensation, and damage to both property and income of the family. They are now considered as victim. Compensation will be as follows: 20 Million pesos and the van that was destroyed that time should be replace immediately!" marami pang sinabi pero wala nang pakialam si Mazee. Laking pasasalamat ng Kuya at Tatay ni Mazee kay Dallas at kinawayan sya. Tumakbo si Mazee papunta kay Dallas at masaya naman syang sinalubong nito.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now