Chapter 15

177 18 0
                                    

Kinabukasan niyaya ni Dallas si Mazee para bumili ng ilang libro. Inaayos na ni Mazee ang sarili sa harap ng salamin na may mesa at upuan sa kwarto. Kung saan nakalagay ang mga cosmetics nya. Mula sa salamin ay pinapanood nya si Dallas.

"Bakit ang gwapo nya?" bulong nya sarili. Nakasuot lang ito ng plain gray tshirt. Skinny jeans na maong pants at white shoes. Itinali nya ang buhok na medyo papusod. Habang si Mazee naman ay naka cream na blouse at skinny jeans na naka cream na high heels at shoulder bag na nag match sa sapatos nya.

Kanina pa napapansin ni Dallas na nakatingin sa kanya si Mazee. Ang totoo lihim syang natutuwa.

"Anything bothering you?" tanong ni Dallas kay Mazee at napailing ito.

"Oh. Nothing."

"Would you like to visit your mom in the hospital?" tanong ni Dallas.

"Yeah. If that would be okay. I may need to settle some bills."

"Of course." lumapit si Dallas sa kanya. Pero napansin nito ang lungkot sa mukha  ni Mazee.

"But, I don't want to talk to her yet. I just can't."

"It's fine. You don't need to force yourself." sagot naman sa kanya ni Dallas. "Let's go." inabot nya ang kamay kay Mazee at kinuha naman nito.

Si Mazee na ang nagmaneho ng kotse at una silang pumunta sa hospital. Alam ni Dallas na hindi komportable si Mazee kaya hinawakan nya ang kamay nito.

Nang makarating sila sa kwarto ng mommy ni Mazee ay sumilip lang sya.

"You sure you're good now?" tanong sa kanya ni Dallas.

"Yeah." tipid na sagot ni Mazee at ngumiti kay Dallas. Sya na ang humawak sa kamay nito at hinila papaalis sa ward na kung nasaan ang nanay nya. Napangiti si Dallas sa ginawa ni Mazee at dumerso si Mazee sa billing. Kinausap nya nya rin ang admitting office personel para ilipat sa isang private room ang nanay nya.

Paalis na sila ng hospital nang makita nya ang kapatid nyang lalaki.

"Ate.."

"Matthew.." tawag nito sa pangalan ng kapatid.

"Pupuntahan mo ba si mommy?" tanong ng kapatid.

"Sinilip ko na. Binayaran ko na lahat ng bills at pinalipat si mama sa private room." sagot nya sa kapatid.

"Hindi mo ba pupuntahan muna si mommy. Matutuwa sya kapag nakita ka nya."

Umiling si Mazee. "I'm not yet ready."

"Kasama mo pa rin sya?" tanong ni Matthew kay Mazee.

"Oo. Si Dallas ang hahawak sa kaso ni Daddy at Kuya. Tatawagan kita kapag ready na ang team ni Dallas para pumunta sa kulungan."

"Sige ate. Salamat sa pagpunta. Atty. Thank you for taking the case."

Ngumiti lang si Dallas sa kanya.

"Alis na kami, Matthew." sabi ni Mazee.

"Ate, sana mapatawad mo na sila Daddy. Matagal ka na nilang hinihintay na bumalik." habol ng kapatid nya sa kanya. Napabuntong hininga naman sya.

"Hindi pa ako ready, Matt. Pero, tutulong ako sa abot ng makakaya ko."

"Pupunta ako sa kulungan mamaya, sasabihin ko kay Daddy at kuya."

"Sige. Ikaw ang bahala." sagot ni Mazee at lumakad na sila ni Dallas.

Pagkasakay sa kotse ay niyakap sya ni Dallas.

"Everythings going to okay." sabi nya kay Mazee dahil napansin nito ang bahagyang panginginig.

"I know.. and I thank you for being here." sagot ni Mazee na kahit sya pa ang kapalit ng lahat ng ginagawa ni Dallas, hindi nya maipaliwanag na ang pag OO palang nito ay malaking tulong na sa kanya.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now