Chapter 22

164 23 3
                                    

"Ano ba?!" galit na sigaw nang isang babae na kasama ni Taylor.

"Chi, wag na kasing matigas ang ulo mo. Kailangan lang natin ng oras para sa isa't isa at nang maayos natin ang relasyon natin." kalmadong sagot sa kanya ni Taylor pero nanggagaliiti sa galit yong tinawag nyang Chi.

"Tantanan mo ko, Taylor! Galit ako sayo at wala akong plano na makipag usap sa iyo." inis na sabi nito. "At please lang, tanggalin mo na tong posas na ito!"

Nakaposas sila sa isa't isa.

"Alam ko na tatakas ka nanaman!"

"Pakialaman mo ba! Saka hindi naman kita kaano ano!"

"Please naman Chi! Sobrang tigas mo."

"Taylor, wag mo akong sisihin! Kaya please lang tanggalin mo ito. Nasisira ang bakasyon ko sayo. Kung alam lang namin ni Ais na andito kayo ni Brielle sana di nalang kami dito nagbakasyon! Puro kayo pahirap sa buhay. Talagang magkakunsyaba kayong dalawa. Sa airport palang kinidnap nyo na kami. Iba din kayo noh!" gigil na sabi nang babae na tinawag ni Taylor na Chi.

"Lucille! Can you please at least listen?!" Kalmado pero maauthoridad na sabi ni Taylor.

"How would I can come down if you are here and pestering my life again. We are over! Don't make me say things to you!" hinarap ni Chi ang pagiging maauthoridad na awra ni Taylor. Kitang kita sa mata nito ang galit kay Taylor at wala syang plano na magpadala dito.

"Oh Please, Chi! Kahit kunting time lang."

"Fine. You have 10 seconds." cold na sabi nito at nagsimula nang mag count down.

"You are so unfair!" gigil na sabi ni Taylor.

"8, 7, 6.."

"Let us just get in and talk things!"

"3, 2, 1 times up!" sabi ni Chi dito. Napahilamos si Taylor sa inis nya. "Tanggalin mo na itong posas na ito at aalis na ako."

"Look, si Aiz kasama na ni Brielle at di ako papayag na mag isa ka lang."

"Oh come'on Taylor! Sanay akong mag isa." ngisi ni Chi dito.

Syang dumating naman si Dallas at Mazee at naabutan ang eksena ni Taylor at Chi.

"Lucci?" gulat na bulalas ni Mazee nang makita ni Lucille.

"Mazz!" nagulat din si Chi nang makita ni Mazee at nagtaka naman si Taylor. "Oh my! I missed you!" Wala sa isip ni Lucille na lumapit kay Mazee para mayakap ito at nahila si Taylor dahil nakaposas sa kanya.

"I missed you, too." napatingin sya kay Taylor at sa posas. "Small world." napangiti si Mazee.

"Hindi mo ko nasabihan na nandito ka pala sa Pilipinas, sana nagkita kita tayo ni Eis."

"Biglaan kasi. Pero, plan ko na puntahan kayo pagkabalik ko sana sa Manila, bago kami umuwi ni Dallas." sagot nya sa kaibigan. "Sya nga pala, Lucci, si Dallas fiance ko. Dallas, she's Lucille, one of my closest friend."

"Yeah. I've met her before." sagot ni Dallas.

"Nameet ko na si Atty. Lindel 3 years ago ata yon. Kasama nitong kumag na ito dati."

"So you are the girlfriend pala."

"Ex-Gf." pagkokorek ni Mazee.

"Chi! We didn't break up."

"Whatever." masungit na sabi nito. "At please lang, tanggalin mo tong posas na ito."

"Babe, maybe we need to get inside and have them talk first." ayaw atensyon ni Dallas kay Mazee.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now