Chapter 12

133 14 0
                                    

Hindi nakipag kita si Mazee kay Dreigh at pinatay niya lang ang phone nya. Sa panahong ito ay gusto nyang mapag isa kaya naglakad lakad nalang sya sa city.

"Who would imagine that I will stay here in NYC." bulong ni Mazee na nakatingin sa naparaming lights sa mga building. "Thank you for all the blessings, and for making me strong." muli nyang bulong hanggang napadpad sya sa St. Patrics Cathedral na nasa 5th avenue lang.

Naupo sya at nagsimulang magdasal, mataimtim at nagpapasalamat.

Matapos nyang manalangin, muli syang naupo at tumingin sa altar.

"You have me more than what I need. Thank you.." muli nyang bulalas. "I know you have plans for me. I'll be strong."

Napapalingon si Mazee dahil feeling nya ay may nakatingin sa kanya. Pero, wala naman syang napansin na kakaiba. Mga taong nagdadasal lang din sa simbahan.

"Mazee, bakit andito ka?" napangiti si Mazee nang si Elise ang makita.

"Hi. I need time with 'Him". Sagot ni Mazee. "Upo ka muna."

"Ikaw din ba?" tanong nya kay Elise.

"Oo." nakangiti nyang sagot.

"I will stay for quite some time. Sabay na tayong umuwi?" aya nya kay Elise.

"Sige."

"Bakit wala si Alexi?" tanong nya sa kaibigan.

"Busy sa work. Umalis nga pala sya kanina, pupunta daw sya sa Florida."

"Oh okay. Workaholic pa rin." syang nasabi ni Mazee. Ngumiti si Elise at lumuhod na para manalangin. Nararamdaman ni Mazee na may kakaiba kay Elise, pero di nya matanong. Kagaya nya na may trauma sa dating nangyare, alam nyang ayaw nyang may nagtatanong at itatanggi lang nya nang itatanggi.

Matapos manalangin ay naupo si Elise sa tabi ni Mazee. Pareho lang silang tahimik na nakatingin sa altar.

"Mazz, how did you overcome everything?" tanong ni Elise kay Mazee. "Paano maging malakas?" Napatingin si Mazee kay Elise.

"I look tough on the outside, but not inside." sagot di Mazee sa kanya. "Parang ikaw, pinapakita mong okay ka. Pero alam mo sa loob mo na hindi. May problema ba kayo ni Alexi?"

"No, wala. It is just me and my insecurities."

Ngumiti si Mazee kay Elise.

"You are beautiful, Elise. Inside and out. Alam mo, busy lang si Alexi. Pero ngayon lang yan nainlove. Sa tagal ko syang kakilala never syang nagpakilala ng babae. She loves you more than anything."

"Alam ko naman yon. Sigurado naman ako kay Alexi. Pero, yong kapatid ko. Gusto nya pa rin si Alexi. Mas maganda sakin yon, matalino, mabait. Isa pa doctor na sya. Samantalang ako? Wala akong magawa para sa kay Alexi. Wala akong maipagmalaki. Kung di pa ako kinuha ni Alexi na secretary sa salon, wala akong trabaho. Nanliliit ako Mazee."

Hinawakan ni Mazee ang kamay ni Elise.

"Ikaw lang ang kailangan ni Alexi." sagot nya sa kaibigan. "Alam mo bang napadali ang trabaho sa salon mula nang dumating ka. Kahit di mo linya ang trabaho mo ngayon, pinag aralan mong maigi. Hardworker ka, nakikita ko yon. Kahit si Alexi sayo na pinagkatiwala ung main branch dba?"

Napabuntong hininga si Elise.

"Ang hirap maging failure sa family."

"You are not!" mabilis na tugon ni Mazee.

"Madamot ba ako na ayaw kong pumunta rito ang kapatid ko? Para dito sya mag doctor, mag aral hanggang maging US doctor? Hindi naman sobrang laki ng sahod ko para pag aralin sya dito. Maramot ba ako? At natatakot ako na baka...pati sya agawin si Alexi."

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now