Chapter 28

25 1 0
                                    

*****

Walang araw na hindi ako umiiyak. Saksi ang buwan at bituin kung paano ako nagluksa.

Yung sakit sa dibdib ko ay ang sakit-sakit pa 'rin. Hindi ko na muling nasilayan pa si Jansen. Sa totoo lang, they have a similarities. Parang na-reincarnated lang si Jibrelle sa katauhan ni Jansen.

Ilang araw na akong nagmumukmok sa silid ko. Wala akong ganang lumabas. Kahit saang sulok sa bahay nakikita ko kasi siya.

"Senyorita," napalingon ako ng may tumawag sa 'kin. Nakatayo si Manang sa may pintuan habang bitbit ang isang tray ng pagkain.

"Ilang araw ka nang hindi kumakain ng maayos. Masama 'yan-."

"Iiwan mo 'lang diyan,"

"Pero senyorita-."

"Don't be worry, kakain lang ako mamaya kapag nagutom ako," wika ko at saglit na tiningnan ang dala niyang pagkain.

"Si Grethel nandiyan sa labas-,"

"Huwag mo siyang papasukin. I want a peace of mind." Mataray kong wika. Mahina namang tumango si Manang at lumabas na.

Napasinghap ako at napatingin sa kawalan. Ilang araw ko nang hiniling na sana- na sana ay buhay siya. Pero kahit anong hiking ko ay lagi 'ring pinaalala ng tadhana na wala na talaga siya.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Ang sakit-sakit- ang sakit-sakit lang isipin na bigla siyang nag-su*cide at wala man lang akong nagawa para pigilan siya.

Wala akong nagawa!

Duwag ako!

Sa muli ay tumulo ang luha sa mga mata ko. Yung pendant, sinuot ko na 'rin. Pero, wala pa 'ring nangyaring maganda. Akala ko ba magiging maayos ang lahat kapag sinuot ko ang pendant.

Ilang buwan na 'lang ay anniversary na namin. Bakit hindi niya ako hinintay?

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako sa kakaiyak.

Madilim ang buong lugar.

"Faye!" Tawag ng isang lalaki mula sa likuran ko. Agad akong lumingon mula sa pinanggalingan ng boses.

Nakaputi siya lahat as in puti. Nakaputi ang kaniyang t-shirt na nakatuck-in sa puti niyang pants.

Jib?

Napaiyak ako ng makita siya. Hindi ko na alam kung dahil ba 'yun sa tuwang nararamdaman ko.

Ilang minuto ay kusang gumuhit ang ngiti sa mukha ko at hindi makapaniwalang nasa harapan ko na siya.

Nagmamadali akong naglakad patungo sa kaniya ngunit bigla siyang lumalayo sa tuwing lalapit ako sa kaniya.

"Jib! Huwag mo 'kong iiwan!" Sigaw ko at huminto. Palayo siya ng palayo sa kinaroroonan ko. Napaupo ako at nanginginig na umiyak.

"Ayaw kong iiwan mo naman ako, parang-awa mo 'na. Huwag mo 'kong iiwan." Umiyak ako ng umiyak habang nakatingin sa kaniya na naglalakad palayo.

"Mahal kita, Jib! Oo nung una, inis na inis ako sa 'yo. Pero naman Jib, huwag mo 'kong iiwan." Humagulgol ako ng iyak at napayuko.

"Faye?" Biglang turan nito kaya marahang umangat ang noo ko at tumingin sa kaniyang muli. Nakaharap na siya sa 'kin, kapansin-pansin ang lungkot sa kaniyang mata at kasabay nito ang pagtakas ng luha mula sa mata niya.

"Faye," malamlam ang boses niya. "Shh, tumigil ka 'na. Hindi kita iiwan." Napatigil ako sa pag-iyak at tumingin sa kaniyang mga mata.

"Ikaw nga," kitang-kita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya. Malalaki ang hakbang niya patungo sa 'kin. Ngumiti naman ako at hinintay na makalapit siya sa 'kin.

SenyoritaWhere stories live. Discover now