Chapter 31

26 1 0
                                    

*****

Nagpresinta si Grethel na ihatid ako sa bahay kahit na nag-away kami kanina. It is all because the Mandela effect.

Nang dumaan kami sa cementery ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Grethel kaya tumingin ako sa rearview mirrors at tamang-tama na nakasulyap pala siya sa 'kin habang nakangisi.

"May nakakatawa ba?" Inis na tanong ko.

"Meron." Masiglang wika nito.

"Hindi mo ba naalala na nanggambala ka ng multo diya'n. Yung gabi na hinatid kita tapos si Jibrelle ang bukambibig mo." Dagdag nito at ngumisi. Umirap naman ako at tumingin na lamang sa labas ng bintana.

"Naalala ko tuloy. 'Yun 'din 'yung oras na nagkita kayo ni Jansen tapos tinawag mo siyang Jibrelle. Niyakap mo pa nga 'eh." He added. Nang-init ang mukha ko sa kahihiyan na nagawa ko.

"Magmaneho ka na 'lang diyan. Mind your own business." Naiinis na turan ko pero hindi pa 'rin siya tumigil.

"Mabuti at hindi nagpakita ang multo ni Jibrelle at sinabing 'Back off man, this is my woman,' tapos hinila ka niya." Humahagikgik pa ng tawa si Grethel at may pahampas-hampas pa siya sa manibelang nalalaman.

"Gusto mo bang magpatawag tayo ng paranormal expert at kausapin na 'tin ang mga multo diyan at interrogate kung paano mo sila ginambala?" Nairita na ako sa mga pinagsasabi ni Grethel pero hindi ko na lamang pinansin. Ayaw kong bumababa na sa part na 'to.

Bahala siya diyan kung ano ang sasabihin niya basta hindi na ako bababa. Dalawang beses akong bumaba dito na part at dalawang beses 'din akong nilagnat.

Gininaw tuloy ako. Pinatay ko agad ang aircon ng makaramdam ng panggiginaw at niyakap ang sarili.

"May katabi ka 'oh kaya ka giniginaw."

"Grethel!" I hissed. Lalong hindi siya makakatulong.

Binato niya sa 'kin ang lether jacket na nasa front seat ay sinalo ko naman 'yun.

"Isinuot mo."

NANG MARATING NA namin ang bahay ay dumiretso agad kaming pumasok sa loob. Nabangga ko pa ang isang kasambahay namin pero napahinto ako ng maalala na naka-tuxedo ito.

Lumingon ako at nanlaki ang mata ng makitang si Jansen pala 'yun.

"Jansen!" Sigaw ko at lumingon naman siya sabay taas ng kilay.

Nung pumunta siya kasama si Daddy sa sementeryo. Coincidence lang 'daw 'yun kasi may pinag-usapan sila ni Daddy na negosyo at nag-away pa nga 'raw sila that time.

Sumali siya sa shareholder ng kompanya two months ago. Lagi ko na nga siyang makikita 'eh.

"Bakit senyorita?"

Should I investigate him? Grabeng coincidence kasi na nagkita kami three years ago tapos binili niya ang shareholder namin two months ago.

Nah, tapos na akong mag-investigate pero pawing nabigo lamang. Hindi naman masyadong magaling ang mga detective na nakuha ko. Hindi gaanong malakas ang mga pang-amoy nila kaya bigo talaga silang malaman kung sino.

Tumulala ako saglit ng makitang may earplug sa tainga niya. Parang may kausap siya sa kabilang linya.

"Senyorita?" Tawag nitong muli sa 'kin kaya napakurap ako at napaayos ng upo.

"Ano 'yang nasa tainga mo?" Taas kilay na tanong ko. Napalunok naman siya't napahawak sa earplug na nasa tainga niya.

"Huh?" Gulat na tanong nito at saka inayos ang earplug sa kaniyang tainga.

SenyoritaWhere stories live. Discover now