Chapter 10

37 4 0
                                    

****

PAGKALABAS KO ng hallway ay nakita ko agad si Mj na nakatayo sa harap ng sasakyan habang hinihintay ako.

Mabilis akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya at huminto 'rin agad.

Binuksan niya ang front seat para papasukin sana ako pero binuksan ko ang backseat at doon naupo. Narinig ko pa ang buntong hininga bago isara ang pinto at umikot sa driver seat at sinimulang paandarin ang kotse.

“Senyorita?” tawag nito sa 'kin pero hindi ko siya pinansin. Pinag-cross ko lang ang braso ko sa aking dibdib habang nasa bintana nakatingin. Binaba ko na 'rin ang bintana ng sasakyan habang dinadama ang hangin.

I creased my forehead when I heard him chuckled...

Tinitigan ko siya ng mariin kahit alam ko namang hindi niya ako napapansin.

“Is there something wrong?” I seriously asked.

“Naalala ko lang ang nangyari kanina.” Kahit nasa backseat ako at nasa driver seat siya ay hindi nakalusot sa 'kin ang malapad niyang ngiti.

“Paano kung wala si Amaya? Maiiwan ka 'po sa loob ng classroom niyo?” mapang-asar nitong tanong.

Sasagot sana ako pero natikom muli ang bibig ko ng biglang umulan. Pinaandar na 'rin ni MJ ang wiper lalo na't nahihirapan siyang makita ang daan ng maayos.

Inilipat ko na lamang ang atensyon ko sa labas ng bintana at pinagmasdan ang bawat patak ng ulan.

“‘Yan, huwag kang makinig sa guro niyo next time, huh.” natutuwa nitong ani. Uminit ang ulo ko sa naging turan niya kaya nalipat ang atensyon ko sa kaniya. Naikuyom ko ang kamay ko sa inis.

“Alam ko ang sagot, hindi ko lang masyadong natandaan! Ang bilis kasi magdiscuss ni sir—.”

“Ba't natandaan ni Amaya?” he interrupted. Mas lalo akong napahawak sa ulo ko sa inis. Si Amaya naman? Siya na naman ba? Kahit kailan paepal talaga ang babaeng 'yun.

“Malamang pabida,” mahina kong bulong at napairap na lamang sa hangin.

“Pabida?” narinig kong tanong niya pero hindi ko na siya pinansin.

“You didn't get the point? Sana kung intensyon niya talaga na iligtas ako dapat nung una pa lamang. Hindi 'yung umabot na kami sa 20! Tapos ang sakit na ng paa ko sa kakatayo!” naiinis na wika ko at saka napatitig na lamang sa labas ng kotse.

“Dapat lang 'yun. Para magtanda ka at marunong kang makinig sa teacher next time,” napairap na lamang akong muli sa hangin.

“Kahit na, kahit saang anggulo tingnan. Pabida talaga siya eh!” Inis na wika ko at saka naghalukipkip.

“Pabida ba ang gano'n? She's just saving you. Kung hindi niya 'yun ginawa baka hanggang ngayon nakatayo ka pa 'rin.” he chuckled.

“Kahit na!” I insisted.

“Dapat thankful ka instead of ranting.”

“I don't care!” madiing wika ko.

“Ok fine. Nakinig ka sa teacher mo kanina pero accept the truth na matalino lang talaga siya.” Kung kanina ay uminit ang ulo ko sa mga sinasabi niya ngayon naman ay parang sasabog ang ulo ko sa inis.

“Oo! Matalino siya hindi katulad ko. She's better good in school unlike me! Ihinto mo ang kotse!” nilakasan ko pa ang sigaw ko sa huling sinabi ko. Napalingon naman siya sa gawi ko at kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.

“Pero Senyorita, umuulan pa,” wika nito at sandaling napalingon pa sa 'kin at ibinalik 'din niya kaagad ang tingin sa kalsada.

“I don't care. Basta ihinto mo!” madiing wika ko at nagngalit ang mga bagang ko sa inis.

SenyoritaWhere stories live. Discover now