Chapter 33

19 1 0
                                    

*****

"Grabe, bilib na ako sa mga pagpapanggap mo." Grethel grinned. Naglalakad kami ngayon sa venue habang kasama-sama namin si Jansen. Jang Chen Sy talaga pala ang pangalan niya.

"Ang galing ko mag-acting, ano?" Pagmamayabang ni Jansen.

"Hindi kaya, nahuli ka." Patuloy sila sa pag-aaway habang ako nama'y nakasunod lang sa kanila.

Tulala.

Malayo sa kasalukuyan ang inisip.

Kung sila masaya ako nama'y hindi.

"Hey!" Tawag bigla sa 'min ni Amaya kaya napahinto kaming tatlo saglit. Napasulyap sa 'kin si Grethel at napalunok.

"Mauna na ako." Paalam nito at nagmamadaling umalis. Nilingon ko si Jansen ngunit hindi pa 'rin siya umaalis sa kinatatayuan niya.

"Congratulations, you've succeed." Mapang-uyam na wika ko at marahan na pumalakpak. "Successful ang plano mong pang-aagaw mo sa kaniya."

Natigil ako ng makitang hindi man lang siya naapektuhan. Hindi nga siya kumurap, nanatiling nakangiti ang ekspresyon sa mukha niya.

Even she smiling widely, behind her angelic face I saw the demon conceal in her features even how hard she tried to concealed it.

"Ang galing mo, unang-una pa 'lang alam mo naman ang nararamdaman ko sa kaniya-."

"Pero unang-una pa 'lang alam mo na 'rin ang nararamdaman ko sa kaniya. Before your confession?" She let a chuckle.

"Alam mo na may gusto ako sa kaniya. Yung time na pinakilala mo siya bilang pinsan mo. Alam mo na 'yun sa una pa 'lang! Huwag mo akong tawaging mang-aagaw dahil ikaw ang mang-aagaw! Kinuha ko 'lang ang dapat na sa 'kin." She pointed her finger on me.

Nasaktan ako. But, I need to be strong. She would celebrate if she saw me that being affected. Tinaas ko ang noo ko at tinitigan siya sa mata. Her anger issue would burst anytime. I know.

"Ang sayo? Kailan ba siya naging sa 'yo? Di 'ba naging sa 'yo na siya nu'ng pagkatapos mong agawin siya sa 'kin?" Sarkastiko kong tanong. Nakita ko kung paano nanguyom ang kamao niya.

"Have a good day!" Wika ko at aakmang tatalikod na sana kaso lang bigla niyang hinila ang buhok ko kaya napadaing ako sa sakit.

Ang sakit sa anit!

Punyetang babae 'to.

"Fvck up b*tch! Kung mahal ka niya dapat binalikan ka niya." And that sentence made me speechless. Napahinto ako saglit. Ang sakit ng salitang bibitawan niya, para iyong batong inihagis sa akin at hindi ako nakailag. Sapol na sapol ako sa dibdib.

Nang bumalik ako sa realidad ay lumaban pa 'rin ako sa sabunot niya. Hindi ko maaring ipakita sa kaniya na nasasaktan ako. Mas lalo siyang matutuwa kapag nakitang nasasaktan ako sa mga sinabi niya. I shouldn't show her that I hurt.

"Tama na 'yan!" Narinig kong nagpanic na wika ni Jansen. Hinablot ko 'rin ang buhok niya para makaganti kaya nauwi kami sa sabunutan.

"Anong nangyayari dito?!" Narinig kong baritonong wika ng isang lalaki kaya napahinto kaming dalawa.

Agad 'ring humiwalay sa 'kin si Amaya at yumakap dito.

"Honey, sinampal niya ako. She slaps me here." Turo nito sa pisngi "Kaya gumanti ako," puno ng paglalambing ang boses niya.

Malandi!

Napatitig sa 'kin ng matalim si Jibrelle kaya inayos ko ang sarili at saka taas noo na tumingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

SenyoritaWhere stories live. Discover now