Chapter 7

33 4 0
                                    

****

“Pvtcha!!!” matinis na sigaw ko kinaumagahan ng mapansin kong iba na ang suot ko. Wala na 'ring putik ang mga kamay ko.

Ang alam kong kasama kagabi. Si MJ. Ibig bang sabihin nu'n na siya ang nagbihis sa 'kin. Para akong tanga na inuuntog ang ulo ko sa headrest ng kama.

I don't know, what I feel after confessing him. Sana binalewala lang niya lahat ng confession ko at intindihin na lasing ako those time.

“Senyorita, gising ka na pala.” ngumiti siya ng malapad at saka binaba ang soap sa harap ko. Inirapan ko lamang siya at saka napabuntong hininga.

“Sino naghatid sa 'kin sa silid ko?” tanong ko habang hindi siya tinitingnan.

“Ako.” walang kagatul-gatol na sagot nito.

Napatayo ako sa inis at mabilis ko siyang sinampal. Namula agad ang mukha niya at parang nabigla sa ginawa ko.

“A-Anong—.”

“Pvtcha, ikaw ba nagbihis sa 'kin?” tanong ko rito. Namula agad ang buong mukha ko sa inis.

“Ahh, 'yun ba.” He chuckled while gesturing.

“Pvtcha, ikaw nga!” Bulyaw ko sa kaniya. Napatakip naman siya ng tainga at tiningnan ko ng masama.

“Alangan naman multo,” wika nito.

“Arghh!” sigaw ko at agad na tinulak siya ngunit napaatras lang siya ng kaunti.

“Si Manang,” he mumbled. “Nagbibiro lang ako, you look like a tomato.”

Malapad na ang ngiti niya ngayon sa 'kin habang naka-peace sign. Nakahinga na 'rin ako sa wakas pero yung inis ko sa kaniya hindi pa 'rin nawawala.

“Ahh! I don't want to accept your explanation! Hindi ka makakalabas ngayon ng mansyon kung ayaw mong i-pa-fired kita kay Daddy!” sigaw ko at naglakad na pabalik sa silid ko.

“Pero, senyorita—!” naglakad na ako paalis habang tinatakpan ang tainga ko. Pakialam ko sa 'yo.

Naglakad na ako paalis sa dining. Mukhang nawalan akong kumain dahil sa g*gong 'yun. Ang dami pang pasikot-sikot, sana sa simula pa lamang sinabi na niyang si Manang ang nagbihis sa 'kin.

Naabutan ko sa may pintuan si Amaya. Malapad ang ngiti niya sa 'kin. Nakasuot siya ng off shoulder na may pares na pink na skirt at pink na shoulder bag.

“Hi, goodmorning.” nakangiti niyang bati sa 'kin. Hindi ko agad alam ang isasagot sa kaniya at sandali pang natuop habang nakatingin sa kaniya habang kumukurap-kurap ang mata ko.

“Goodmorning,” wika ko at nag-iwas ng tingin.

“Lutang ka yata this morning,” wika nito sabay yakap sa 'kin at ilang segundo ay humiwalay na sa pagkakayakap sa 'kin.

“Nasaan 'yung pinsan mo?” tanong nito at nagpalinga-linga pa ng tingin sa paligid. Napalubo ko ang aking pisngi at saka napabuga ng hangin saka tumingin sa likuran ko.

“Hindi ko alam,” wika ko at umiling. Kumunot naman ang noo niya habang sinusuri ang mata ko.

“Sigurado? Pinsan mo tapos hindi mo alam?” naguguluhang tanong nito. I twisted my tongue and rolled my eyes in the air.

“Duh, I'm not his bodyguards and also I'm not his dog that will always follow him behind.” sarkastikong sagot ko at saka napa-cross arm.

Parang hindi naman siya naapektuhan at nagpatango-tango lamang. Di ba niya napapansin na init na init na ang ulo ko sa kaniya lalong lalo na sa kakulitan niya. However...

SenyoritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon