Hindi ko alam kung paano tinipon ni Braxton ang napakaraming ipis na ito. Ang kutob koʼy may kasabwat siya sa planong pagdakip sa akin at iyon ang dapat kong alamin.

Pinanood ko si Henry sa ginagawa nito. Napapalayo siya sa tuwing nagliliparan ang mga ipis at nagmumura na naman siya kapag dumadapo sa kanyang suot na uniform.

Taena. Bakla ba 'to?

Naiinip na ako. I want to get away. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko na sinubukan, wala rin naman saysay dahil nakabusal ang bibig ko.

Dali-dali siyang lumapit sa akin. He suddenly removed the electric tape in my mouth making me groan in pain.

“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong sa akin.

Masama ko siyang tiningnan. I want to punch him dahil sa walang kuwenta niyang tanong. Do I look okay in this situation?

“Kalagan mo na ako gago!” asik ko.

He took out the swiss knife before cutting the rope which was wrapped around my hands and feet. Walang kahirap-hirap niyang kalasin ang malalaking lubid kahit mahigpit ang pagkakatali nito sa akin.

Agad akong tumayo ngunit bigla akong nahilo. Umiikot ang paningin ko. Sandaling nandilim ang aking paningin kasabay ng matinis na tunog ang narinig ko sa pandinig.

I almost fell, mabuti na lang may sumalo sa akin. Pikit-matang napakapit ako sa kanyang kwelyo. Pagmulat ko, unti-unting bumabalik sa normal ang aking paningin. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Henry na punong-puno ng pag-alala habang nakatitig sa akin.

Inalalayan niya akong tumayo. I tightened my grip on his collar because I didnʼt want to let him go, pakiramdam ko mabubuwal ako kapag bibitawan niya ako. Hindi ko kayang maglakad dahil nanlalambot ang mga tuhod ko at nanginginig ang kalamnan ko.

Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa 'kin, Braxton.

I forced myself to move even though I was still weak. Wala akong pakialam kung ano ang itsura ko dahil mas nangibabaw sa akin ang galit na nararamdaman. Tila baʼy may esperituʼng sumanib sa aking katawan na gustong magwala ngayon.

“Where are you going?” tanong ni Henry habang nakasunod sa akin.

After I left the room I found out I was in an abandoned classroom. I walk quickly in the corridor towards the second floor. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng sandaling iyon. Parang bumalik sa dating sigla ang katawan ko. Maybe this is how when Iʼm angry, mas uunahin ko ang makapaghiganti kaysa pagtuunan ng pansin ang kalagayan ko ngayon.

He called my name several times but I ignored him. Until he caught up with me, he grabbed my elbow and forced me to face him.

“I know what your thinking. So please... donʼt do whatever you plan,” he said calmly. Umiling siya na para bang pinapahiwatig niya sa akin na mapapahamak lamang ako.

“Hayaan mo na ako!” Sabay bawi ko sa braso.

Tinalikuran ko siya upang magpatuloy sa paglakad. I quickly climbed the stairs. Nandidilim ang aking paningin na diretsong nakatingin sa harapan habang mariing nakakuyom ang mga kamao ko.

Tinadyakan ko ang nakasaradong pinto kaya bumukas ito ng pagkalakas-lakas. Nabulabog ko yata ang nasa loob dahil gulat silang napalingon sa akin nang makapasok ako.

Sheʼs Temporary Teacher Of Section Gang Where stories live. Discover now