Chapter 9

2.4K 90 3
                                    

Mabilis akong pumasok sa loob ng Emergency Room at dumiretso sa Nurse’s Station.

“Excuse me, nurse!” I called attention to the nurse who was currently talking on the phone.

“Yes, ma’am?” she asked me after she hung up the phone.

“I wanna know if you have patient name Bentley Gibbs?”

“Wait a minute, ma’am.” Ibinuklat niya ang papel na nasa folder at tiningnan iyon.

“Room 103.”

Mabilis kong tinahak ang pasilyo patungo sa nasabing room.

Tanaw ko ang mga Section Gang na nakaupo sa waiting area, samantalang nakatayo naman ang mga iba.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila habang nakapamulsa. My eyes remained focused on them.

Harrison was the first to notice me, he was leaning against the wall with his arms crossed over his chest. He nudged his elbow to Surge who was constantly headbanging his head while closing his eyes as if listening to music on his headphone.

Iritadong tinanggal ni Surge ang headphone sabay baling ng masama kay Harrison. Sininghalan niya ito kaya napatingin sa kanila ang mga kasama.

Harrisonʼs face remained serious looking directly at me. Thatʼs why everyone turned to me. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka nang makita ako.

Sinalubong ako ni Archard. “What are you doing here?” he stopped in front of me, wearing a blank expression.

Magsasalita na sana ako ngunit gan’on na lang ang gulat ko nang mabilis akong nilapitan ni Braxton at hinawakan niya ako nang mahigpit sa magkabilang braso. Nanlilisik ang kanyang mga mata na para bang malaki ang atraso ko sa kanya.

Whatʼs his problem?

“What did you do to my brother?” mahinahon niyang tanong na tila nagtitimpi ng galit, I could feel the trembling of his hand clinging to my arm.

Nanginginig siya sa sobrang galit!

Kumunot ang aking noo.

“What are you talking about?”

Pilit kong iniwaksi ang kamay niyang nasa aking braso, ngunit mas lalo niya itong hinigpitan.

“Stop acting! We know you are the reason why heʼs there!” he accused me.

I shook my head. “Wala akong kinalaman sa nangyari,” mabilis kong tugon.

“LIAR!” he shouted loudly at my face  ngunit hindi man lang ako natinag. Diniinan pa niya lalo ang pagkahawak sa braso ko kaya nakaramdam ako ng galit dahil pakiramdam ko bumabaon ang mga kuko niya sa balat ko.

“Dude, stop it!”

Maddox pulled him away but he didnʼt even bother to look at him. Nanatili siyang nakatingin sa akin ng masama.

I forced my two arms to move. Nagtagumpay naman ako dahil napabitiw siya sa akin.

“Ano ba’ng gusto mong palabasin, ha?!” asik ko sa kanya.

“You were with him yesterday, so itʼs impossible that you donʼt know anything!”

Kailangan kong maging kalmado. Hindi ko dapat sinasabayan ang galit niya ngayon.

“Yes, we were together yesterday. But nothing bad happened when he took me home.”

Of course, thatʼs a lie. I canʼt tell them what really happened. Iʼm not stupid to tell them the truth.

I was wearing a black jacket to cover my arms because they will be suspicious if they see my wound.

Braxton shook his head habang gumagalaw ang nakatikom na bibig. “I donʼt believe you!” sigaw niya sa pagmumukha ko.

“Do you think Iʼll come here if itʼs really my fault? I didnʼt hurt Bentley.
Iʼm not a bad person like you think, Braxton. Huwag mo akong ikumpara sa inyo na mamamatay-tao!”

Natahimik sila.

“At kung ano man ang alitan nating dalawa... labas na r’on ang kapatid mo,” dugtong ko pa.

Kung hindi dahil sa akin, Bentley might be in a coffin right now.

Ang lakas ng loob niyang pagbintangan ako kahit hindi niya alam ang nangyari. Masyado siyang nagpadala sa galit niya sa akin kaya ganito siya mag-react.

“You shouldnʼt blame me for what happened to Bentley. Because no one else can do it but your enemies.”

They turned to me as if I got their attention because of the word enemy.

Dahil pinangunahan si Braxton ng galit, naibaling niya sa akin ang kasalanan na hindi ko naman ginawa. He forgot that there are other people who could possibly do that to his brother and those are their enemies who threaten their lives.

Nagkatinginan sina Braxton at ang naka-pokerface na si Archard. Parang may gusto siyang sabihin pero dahil nandito ako pinilit niyang huwag magsalita.

“Let’s talk about it later,” Archard said when he guessed what his friend was implying.

Umalis na rin si Braxton sa harap ko at gan’on din si Archard kaya napatingin ako sa kasama nila na kanina pa tahimik.

Brayden was sitting on the bench, nakayuko ito habang nakasalikop ang mga daliri na para bang nagdarasal pero alam kong malalim ang kanyang iniisip.

Fortunately, there were only a few people in the hallway, nahihiya pa nga ang mga itong dumaan sa tapat nila dahil para silang mga tambay sa kanto.

Hindi ko alam kung naagaw ba namin ang atensiyon ng mga tao, parang tigre pa naman itong si Braxton n’ong sinugod ako at sinigawan kanina. I really hope they didnʼt hear about our conversation because they might suspect us. Baka magulat na lang ako na may paparating na pulis at bigla akong dakpin dahil sa pag-aakala nilang ako ang salarin.

“How is he doing now?” Bahagya kong sinilip si Bentley sa loob ng kuwarto ngunit hindi ko gaano naaaninag ang kaniyang mukha sapagkat inasikaso siya ng mga nurse.

“What did the doctor say again?”
Declan asked as he patted Henry on the arm who was currently reading a book and didnʼt seem to care about his surroundings.

What the fuck?! Even in the hospital heʼs still reading a book?

“Huh? What did you say?” tanong ni Henry sa katabi.

“Ano ba kako ang sinabi ng doktor?” pag-uulit nito at saka niya ako inginuso.

Our eyes immediately met when he turned to me. Mabilis naman niyang binawi upang ibalik ang atensiyon sa binabasa.

“According to the doctor, he lost a lot of blood because of the deepest wound he sustained. Heʼs already in a stable condition now because his wound treated immediately... so we just waited for him to wake up.”

“Bakit lahat kayo ang nagbabantay sa kanya?”

“Ano bang pakialam mo?!” inis na sikmat ni Braxton, hindi pa rin nawawala ang galit niya sa akin kahit nagpaliwanag na ako.

“You forgot we have class today?” I reminded them sarcastically.

“Yeah, we know that,” walang ganang tugon ni Archard. 

I faced him and crossed my arms. “At wala kayong balak pumasok?” I raised an eyebrow at him.

So they are here because they donʼt want to attend my class? Paano kaya kung ibagsak ko silang lahat? Letʼs see what their reaction will be when they see the red marks on their card.

“Don’t worry, we will enter tomorrow,” he assured me.

Hindi ko alam pero napipikon ako sa kanilang lahat. Gusto ko silang sigawan at pagsabihan subalit ayokong mag-eskandalo rito sa hospital.

Bago pa man ako makagawa ng hindi
kanais-nais na bagay, minabuti kong umalis doon nang hindi nagpapaalam.

𝗣𝗔𝗧𝗧𝗬𝗦

Sheʼs Temporary Teacher Of Section Gang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon