Chapter 49

931 30 3
                                    



"Thank you for the lunch." I smiled at Marco.





I met him two years ago ng bibili ako ng vitamins ni Esha sa may pharmacy dito sa bayan ng divilacan. Nalaglag ko kasi yung cellphone ko, then sya yung nakapulot at nag balik sakin.





Mabait sya, hindi lang sakin kundi sa dalwa kong anak. Actually sa kabaitan nya niloko ko sya na ninong nalang sya nina Esha, dahil lagi naman nyang binibigyan ng laruan ang dalwa kong anak.... Aba, hindi ko naman alam na papatulan nya ang biro ko eh. Kaya ayun parang nag karoon sya ng obligasyon sa mga anak ko. I mean hindi ko naman tinotolerate ang mga ginagawa nya samin. Nahihiya rin naman ako. Eh kaso hindi ko naman sya mapigil dahil sya naman ang mapilit eh. Para na ngang anak ang turing nya kayna Esha eh.





At saka panatag naman ako at magaan ang loob ko sa kanya. Masaya narin ako dahil nandito sya para sa amin. Kahit papaano ay malaking tulong ang presensya nya sa mga anak ko, lalo na may Esha. Ramdam ko kasing nag hahangad parin ng kalinga ng ama si Esha, hindi man sya nagtatanong pero alam kong naaalala nya ang papa nya.





Para tuloy akong nag karoon ng instant brother at ninong ng mga anak ko.




"No problem...kayo pa ba? Eh ang lakas nyo saking mag iina." Biro nya tapos binuhat nya si Jenessy. "Right Jenessy?" He smiled.





Tumango si Jenessy at humagikhik.




"Ninong, kailan po tayo pupuntang baguio? I want to go there na eh." Singit ni Esha.





Tumingin sakin si Marco, he's asking me for a date.






Napanguso ako. Nakakahiya naman kasi sa kanya, baka may trabaho sya tapos na iistorbo namin syang mag iina.





"Me too...I want to go baguio..." bulol na sabi ni Jenessy.






He raised an eyebrow at me as though I was the sole issue, which is why he couldn't bring my girls to Baguio.

"Fine next week! Are you free?" I asked.





He smirked. "Im always free Nessa."




I sighed then I nodded.




Pag kaalis namin ng eatery ay hinatid na nya kami sa may bahay. Hindi narin sya nag tagal at umalis narin sya dahil may kailangan pa syang puntahan. Actually taga Roxas Isabela sya, hindi ko alam kung ano bang pinagkaka abalahan nya dito sa divilacan.






Mabilis lumipas ang araw. Thursday na ngayon at pupunta ako sa school ni Esha para iexcuse ito na kung pwedeng mag half day ngayong araw at umabsent bukas. Madali naman napaki usapan ang teacher nya at pumayag din.







Niyakag ko na rin sina Nay Mena at Ate Amanda papuntang bagiuo mamaya. Para narin maka gala din sila. Ako naman ang sasagot ng gastusin nila, pag tanaw ng utang na loob ko narin sa kanila.





Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Nick.





"Nessa." He called.






"Yes Nick? Napatawag ka?" I asked.






"Masama bang kumustahin ka?" Natatawa nyang sabi sa kabilang linya.






Napa irap nalang ako. Ano kayang kailangan neto.





"Sinagot mo na ba ang manliligaw mo?" Tudyo nya.





Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon