Chapter 1

2.4K 35 5
                                    

  

"Miss Javier, wag mong kakalimutan ang mga binilin ko sayo ha. May pag ka ma attitude lang si Sir Luiz pero don't worry dahil mabait naman daw ito kahit papano. Basta gawin mo lang ng tama ang trabaho mo."



Napataas ang sulok ng labi ko dahil sa narinig. Hindi sya sure, mabait DAW. Napatango nalang ako sa mga paalala  sakin ni Miss Amanda. Wala namang kaso sakin kahit hindi mabait ang boss ko basta sesweldo parin ako, yun ang mahalaga.




Anyway about kay Sir Nick, yung boss namin and may ari ng kompanya. Hanggang ngayon ay palaisipan parin saming lahat kung nasan na ba siya. Isang araw ay hindi nalang ito nagpakita. Sabi ni Miss Amanda ay nasa abroad daw. Ang usap usapan naman dito ay nakipagtanan sa ibang babae dahil sa hindi nito pag sumipot sa kasal ng fiance nila. Ang sabi pa ng iba ay naaksidente daw at hanggang ngayon ay hindi parin nakikita kung nasan na.



Napa iling nalang ako sa sari sari na ang mga lumalabas na chismis. Mga marites talaga kung ano ano nalang mga pinag kakalat na walang katotohanang impormasyon. Teleserye lang ang peg. Sus, If I know baka nag lie low muna sa pagiging babaero dahil ang huling kumalat na chismis ay muntik na ito makulong dahil sa pagsiping sa menor de edad na babae. Kung hindi lang dahil siguro sa koneksyon at pera paniguradong nahimas na ito ng rehas. Pero sabagay hindi ko naman maitatangging lapitin ang dati namin boss ng mga babae kahit mga menor de edad pa yan. Gwapo ito, maganda ang pangangatawan at mayaman pa. Full package na.





Back to Sir Luiz. Wala talaga akong idea kung sino sya. Never pa syang naliliga sa kompanya o naririnig ko. Pangalan palang parang may katandaan na at kasungitan. Noong isang araw lang inannounce na ito na ang magiging boss namin. Pero wala naman ito at nasa ibang bansa pa daw. Siguro nga ay afam ito. At ng araw ding iyon ay ang pag pili sakin bilang secretary nito. Sabagay bakit pa nga naman kukuha ng iba kung ako naman ang dating secretary ni Sir Nick.






"Nessa."





Napalingon ako sa tumawag sakin at hindi napigilang mapa irap. It's Chloe, ang madaldal kong workmate.



"Hoy babaye nakita ko yung mata mo. Pano nga yun? Ulit mo nga." Tukoy nito sa pag irap ko. Ewan ko ba, pinag kakatuwaan nila ang mata ko kapag nairap.




"Ewan ko sayo Chloe, mag trabaho ka na lang." Mataray kong sabi ng hindi ko namalayang napairap uli ako. Humagalpak ito ng tawa sakin.




"Ghad Nessa, ang cute mo talaga kapag umiirap." She laughed, hinayaan ko nalang sya at inantay na matapos ito sa pag tawa. "Anyway ang swerte mo girl. Ikaw na nga ang secretary si Sir Luiz tapos kasama ka pa daw sa bakasyon nito sa barko." Kinikilig na saad ni Chloe habang may pigpisil pa sa braso ko.




"Nakita mo na kung sino si Sir Luiz?" Kuryuso kong tanong.




"Oo naman Nessa, ano ka ba!" Napahampas pa ito sa balikat ko. "Sobrang gwapo ni Sir Luiz, sarap palahi, saka wag ka ng mag taka no. Pinsan sya ni Sir Nick kaya expected na gwapo rin si Sir Luiz."




So pinsan pala ni Sir Nick. Akala ko ay wala itong pinsang lalaki.



"How old is he?" I asked.




"Im not sure Nessa, pero ang alam ko mas matanda kay si Sir Nick siguro thirty, mga ganun."




Napatango nalang ako at madami pa itong ichinika sakin. Na kesyo daw nasa probinsya si Sir Nick dahil nakabuntis. Against daw ang family nito kaya nasa probinsya kasama si girl.




Hayss. Ewan! Bahala sila. Wala naman akong pakialam sa buhay ni Sir Nick. At saka buti nalang talaga at hindi ko pinatulan yung mga panahong nilalandi ako nito. Eh di mas lalo ng naging komplikado ang buhay ko kung nag kataon.




Lumipas ang oras na hindi ko namamalayan. Madami akong tinapos na mga papeles na dadalhin sa isang araw para sa tatrabahuhin ng bago kong boss.




Ewan ko ba kung anong trip ng bago naming boss. May pa vacation vacation pang nalalaman eh galing na nga itong bakasyon. Iba talaga pag mayayaman hindi namomroblema sa pera.




At kung sana makakatanggi lang ako na sumama sa barko eh nagawa ko na. Pero kailangan daw talagang may mag guguide at mapapagtanungan si sir Luiz about sa business incase na may hindi ito alam. Ofcourse I am the secretary kaya no choice ako kundi pumayag nalang.




Saka naisip ko rin, need ko ng vacation. Masyado rin akong nabusy dahil nga sa pag kawala ni Sir Nick, isang buwan ba naman itong nawawala. Eh halos lahat ng trabaho  nito ay ako na ang gumawa. Desurv ko ng bakasyon sa dagat at higit sa lahat need ko ng bonus.




Well, sana magka bonus nga. Malaking tulong yun para sa mga batang sinusorpatahan ko. Pero ayaw ko paring umasa. Masyadong masakit kapag hindi dumating yung inaasahan mo.





Anyway until now curious parin ako kung ano bang itsura ni Sir Luiz. Sa isang araw ko pa to makikita. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng excitement. Siguro dahil sa pag ka curious talaga. Ang winiwish ko ko lang ay hindi ito kagaya ni Sir Nick na malandi. Naku kung oo mag reresign talaga ako sa company nila at kung hindi nila ako payagan mag dedemand ako ng mataas na sweldo dahil hindi nila ako bitiwan.





Hindi naman sa nag mamalaki ako pero ayaw akong pakawalan ni Sir Nick ng subukan kong mag resign dati. Aba saan pa sya makakahanap ng secretary na katulad ko. Masipag, maaasahan, lagi kong na cocommit yung mga pinapagawa sakin before deadline at halos nag hati na kami sa trabaho. Dapat nga same lang kami ng kinikita eh.



Then na offeran na rin ako ng mataas na posisyon sa kompanya pero di ko tinaggap dahil need ko pang mag aral ng two years. Kulang daw kasi ng two years ang school ko dahil hindi naman ako inabot ng k to 12 curriculum.
Pasok na pasok ako sa qualification na hanap nila. The personal quality, the achievement, the way I socializing to others and the way how I convince the investors to invest on the company.



I understand naman the policy of the company. Ayaw nilang maging unfair dahil executive ang offer sakin dati. Kahit sagot lahat ang gagastuhin sa pag school ay hindi ko na tinaggap. Siguro ng mga time na yun kailangan ko talaga ng pera. Ang nasa isip ko kasi nuon baka idededuct din sa sahod ko yung ipapa aral sakin. Kaya nag no ako. Saka hindi din na naman ako nag hahangad ng mas mataas pa kung anong meron ako ngayon. Saka mataas na naman ang sweldo ko bilang sa isang secretary kaya okay na yun sakin.


Actually labis labis narin naman sakin yung perang sinesweldo ko. Idinodonate ko nalang yung ibang pera sa mga orphanage.


And I don't regret naman kahit hindi ko tinaggap yung offer sakin dati. I am happy naman kung anong trabahong meron ako ngayon. Saka kung para sakin ang inooffer nila dati ay kahit umayaw ako gagawa ang langit ng paraan para mapunta sakin yun.


Napaismid nalang ako ng bigla kong naalala kung bakit nga ba ako nag resign dati. Paano ba naman araw araw ng may pumuntang babae sa opisina ni Sir Nick. Hindi na ko matapos sa isang gawain dahil sa oras oras nalang may bwissita ito at kapag hindi ko naman sila pinapapasok dahil utos nito sa akin na wag syang iistorbohin ay ako naman ang aawayin ng mga babae nito. Nakaka inis kaya. Wala akong peace of mind dahil sa mga babaeng umaaligid kay sir Nick.



Tapos ang isa pang kina asar ko ay ng sinubukan pa ako nitong pormohan. Ayun pasahan ko nga ng resignation paper.


Then after that nag promise sya sakin na wala ng babaeng mang gugulo sa office at saka hindi na nya ako susubukan landiin. Hindi lang daw nya matanggap na hindi na ubra sakin ang charm nya kaya nya ko nilalandi. Ewan ko ba sa lalaking yun. Siguro nga ay nakarma na sya kaya wala sya dito sa kompanya.


But I hope he's okay wherever he is. Hindi ko naman maitatangging mabait ito sakin at saka malaki rin ang natulong nito sakin nuon ng nasalanta ng bagyo ang isa sa orphanage na pinupuntahan ko. Ito kasi ang nag pa ayos nuong bahay at nag donate pa ito ng malaking halagang pera pag tapos nun. Kaya siguro hindi ko narin naisipang iwan ang pagiging secretary nito dahil sa ginawa nito para sa mga bata sa ampunan.


Nakaka touch naman din ito kahit papano. At sana kung nasan man sya ngayon sana ay ligtas sya at hindi totoo ang mga kumakalat na chismis at sana gabayan sya ng langit kung anong desisyon ang gagawin nito.



.





.




Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now