Chapter 3

1.2K 27 2
                                    



Nasa labas ako ng suite ni Enzo. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako nakatayo dito bago maisapang kumatok. Halos dalwang minuto rin bago bumakas ang pinto at isang staff ang lumabas sa pinto. Pinagmasdan ko ang babae, namumula ang mukha nito at medyo magulo ang buhok.




Napalunok nalang ako ng maisip ang maaaring gawin nito sa loob ng suite.



"Hmm, una na po ako Ma'am." Nahihiya nitong sabi saka nakayukong naglakad paalis.






Tunay nga ang sabi ni Chloe na kagaya rin ito ng pinsan na babaero.




Pinalipas ko ang ilang segundo bago mapagpasyahang itulak ang pinto. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Nang madatnan ko ito ay prenteng naka upo ito sa may sofa habang sumisimsim ng kape.





"Good morning Sir Luiz ito na po yung mga papeles na kailangan pong mafinalize pagbalik nyo po ng manila." Magalang kong sabi tapos pinatong ko ang mga hawak kong papel sa harap ng table nito.






Hindi naman ito nagsalita bagkus ay nakita ko ang bahadyang pagkunot nito. Tinitigan ako nito pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan.






Fuck! Nakakapaso ang mga tingin nya.




"Sige po Sir, alis na po ako." Nakayuko kong turan saka ako tumalikod para umalis na sana.





"Nessa Javier."





Napatigil ako kasabay ng paglunok na marinig ko ang pagbigkas nito sa aking pangalan. Mariin akong napapikit at huminga ng malalim saka muling hinarap ang boss ko.





"Yes Sir."






"Tell me about yourself." Seryoso nitong saad.





"Sir." Napamaang ako sa sabi nito.




"I said tell me about yourself. Hindi naman maganda kung wala akong kaalam alam kung anong klase ng tao ang secretary ko."



Tikom ang mga palad ko na nasa aking likod. Ang kapal ng mukha nya para husgahan ako. Eh sya nga tong dapat hinuhusgahan ng husgado.





"I'll give you my resume Sir." Pilit ngiti kong sabi.




Halos manginig ang tuhod ko dahil sa tinging pinukaw nito sakin. Bakit ba ako natatakot sa kanya?



"Sitdown." Utos nito pag katapos ay kumuha ng isang papel sa harap nya. "Explain this to me."





Kahit ayaw ko syang sundin ay wala naman akong magagawa. Marahan akong lumapit sa pwesto nito at umupo sa sofa at kinuha ang papel na inabot nito sakin.





Pero sa halip na mag focus ako sa papel ay hindi napigilan ng mata ko na libutin ang buong silid. Kaparehas lang ito ng silid na tinutuluyan ko. If Im not mistaken for family and friends lang ang yacht na to. Hindi ito basta bastang yate lang. This is luxury yacht cruise. Twenty rooms lang kasi ang mayron dito then kompleto lahat ng mga amenities like malaking pool with bar then sports room, gazing room, cinema room, etc. Then sa lower deck ay andun yung mga cabin ng staff.




Akala ko nga ay sa mga Lozano ang yate na to yun pala ay pag mamayari ito ng mga San Miguel. Well mayaman din ang mga San Miguel madami ring mga yate ang mga ito saka madaming resort sa pilipinas.





"Are you done?"





Bigla nalang akong natauhan ng marinig ang boses ng bagong boss ko.



Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now