Chapter 23

906 22 0
                                    



"Aling Mena, sabi po ni Kuya Ruben baka abutin pa ng isang buwan ang tapos ng bahay....Sigurado po ba kayong okay lang na andito ako sa bahay nyo?" Nahihiya kong turan kay Aling Mena, tinutulungan ko sya sa pag sasampay ng mga damit na nilabhan.






"Ikaw talagang bata ka. Ayos lang Nessa walang problema samin ng Kakang Lando mo."






Dalwang lingo ng inaayos amg bahay namin. Akala nga ng una ay okay lang yung konting renovation lang, pero mahuna na daw ang mga pader kaya ang nangyari ay giniba nalang ang bahay at sinimulan uli ng panibago.




"Salamat po talaga Aling Mena, napakabait nyo po talaga, simula ng bata palang kami ni Nica."






"Alam mo, mabait sakin ang nanay mo noon. Tinulungan din nya kami ni Amanda noon, kaya tutulungan ko rin ang anak nya ngayon kung nangangailangan ka. Sayang nga at hindi  kayo nag abot ni Amanda eh. Tatlong linggo bago ka dumating ng bumalik sya sa Abroad."







Matanda sakin si Ate Amanda ng walong taon. Mabait din sya samin ni Nica noon. Yung dalwa nyang anak andito kayna Aling Mena. Naka usap ko na naman sya tawag at nag kamustahan na kami. Buti nalang ay ayos lang dito na makituloy ako panamantala sa bahay nila.





"Sayang nga po sana ay napa aga ako ng uwi dito sa bicobian para nag pang abot kami." Sambit ko.





"Dito ka na ba talaga sa bicobian maninirahan?"




"Opo, dito na po ako." Sagot ko habang pinapagpag ang damit.







"Maganda namn dito sa bicobian. Malapit sa dagat, madaming mga nag tatayo ng kung ano anong kainan malapit sa may dalampasigan. Mabenta rin kasi doon, lalo na yung milktea. Naku po iyon ang dinadayo ni Mandy at Manolo doon. Sarap na sarap sila doon. Kahit ako ay nasasarapan sa lasa. Kung ayaw mong mag business ng ganun ay madami rin naman sa bayan na pwede mong aplayan. May tinapos ka naman kaya madali kang matatanggap."






Napaisip ako sa sinasabi ni Aling Mena. Ng una ang balak ko talaga ay mag bubusiness nalang ako dito. Actually milkteahan ang unang pumasok sa isip ko. Kaso kung iyon ang ibubusiness ko madami akong masasagasaan dito. Madami narin kasi ang may shop dito ng milktea. Nakakahiya naman baka ang isipin ay  nakikipag kompetensya pa ako.





"Oo nga pala Nessa, hindi ka na ba nahihilo?" May konting kuryusidad sa boses ni Aling Mena.




Napabaling muli ako dito. Kahit nag tataka sa tanong nya ay umiling nalang ako.




"Sigurado ka ba? Wag kang mahiya sakin Nessa, parang anak narin kita. Wala kang dapat ikahiya sakin. Normal nalang yan nangyayari sayo." Nagaalala nitong sabi.






Hindi ko na maiwasang mangunot. Hindi ko kasi alam ang tinutukoy ni Aling Mena. Wala naman akong sakit eh.





"Wag mo sanang mamasamain....ayaw lang kitang pangunahan na mag sabi sakin...... pero ikaw ba ay nagdadalang tao?"






Nanlaki ang aking mga mata sa tanong nya. At halos mabilaukan ng sariling laway dahil sa narinig.




Ano daw?




"Naku pong bata ka!"




Halos mapatalon ako sa gulat ng halos sumigaw ito na parang may napag tanto na wala akong alam sa sinasabi nya.




"Hindi mo alam na buntis ka?" Tila isa syang nanay na nagagalit sa isang anak pero hindi maikakaila ang pag aalala sa mukha nito.





Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now