Chapter 22

940 23 1
                                    



Pinagmasdan ko ang harap ng bahay namin dito sa probinsya namin sa bicobian, divilacan. Medyo sira at halatang luma na. Kakarating ko lang galing sa byahe. Sa loob ng dalwang lingo pag karating namin galing sa bakasyon sa karagatan ay inayos ko ang dapat ayusin bago ako lumisan ng manila.





Si Enzo ay hindi napansin ang pag iiba ko ng nag daang araw. Ang alam lang nya ay busy ako sa trabaho at ayaw kong mag pa istorbo. Iniisip ko nga kung anong reaksyon nya ng makita ang resignation na inemail ko sa kanya.





"Nessa."





Napalingon ako ng may tumawag sakin sa di kalayuan. Mabilis ang lakad nitong lumapit sakin.





"Ikaw nga Nessa....kumusta ka na?" Sambit ni Aling Perla ng masiguradong ako nga ang tinutukoy nya.




"Ayos lang naman po ako Aling Perla." Ngiti ko. "Kayo po kumusta na kayo?"






"Naku, eto tumatanda na." Natatawa nitong sagot. "Nauwi ka dito sa Ilagan. Magtatagal ka ba dito?"




Pansin ko ang pag sulyap nito sa dalwang maleta at dlwang bag na nasa paanan ko--nagtataka.




"Ahh opo, baka mag tagal ako dito." Medyo nahihiya kong sagot, naalala ko kasi dati na minsang nasabi ni nanay dito na mataas ang pangarap nya saming mag kapatid at gustong gusto nya kaming maialis dito sa bicobian.






"Eh paano ang trabaho mo sa manila?" Kuryuso nitong tanong.



"Nag resign na po kasi ako. Bakasyon po muna ako. Pero kapag nakahanap ako dito ng trabaho baka dito nalang po ako." Sagot ko.





"Ahh ganun ba. Sayang naman at nagresign ka, pangarap pa naman iyon sa inyo ni Nelda....
Maganda sa manila, malaki ang kitaan. Saka naku dito sa ilagan ay hindi ka yayaman." May panghihinayang sa tono nito.





Lalo akong nahiya. Napayuko ako at hindi nakasagot.






"O sya sige Nessa, una na muna ako sayo at kailangan ko pang pumuntang aplaya. "





Napatunghay ako at maikling ngumiti.




"Sige po, ingat po kayo." Paalam ko narin.






Pag kaalis ni Aling Perla ay pumasok na ako sa bahay namin dala dala ang isang bag at maleta, pag katapos ay muling binalikan sa labas ang natitira pang gamit. Hindi malaki ang bahay namin dito. Semento ang pababa ng pader tapos yung bandang pataas ay kahoy na. May dalwang maliit na kwarto tapos magkasama na ang sala at dining room. At may maliit na kusina at maliit na cr. Dito kami nag kaisip at lumaki ni Nica.






Nakakalungkot lang yung dating makulay na bahay, ngayon ay puro na alikabok at walang kabuhay buhay kung iyong pag mamasadan. Kung alam ko lang na mangyayari ito at babalik din pala ako sa pinanggalingan ko sana ay kahit hndi ako umuuwi dito ay pinaayos ko man lang ang bahay namin.




Tama nga ang sabi ni nanay, kahit saan kami makarating, kahit anong tayog ng pangarap namin at maging successful man kami sa buhay ay lilingunin parin namin ang pinaggalingan namin.



Ilang taon narin ng huli akong umuwi dito sa bicobian. Ang huli ay pag katapos ng libing kay Nica tapos napunta ako noon dati sa cabanatuan hanggang sa mapadpad din ako sa manila.



Napahinga ako ng malalim at inisip kung ano bang uumpisan ko.



Hanggang sa may makita akong walis sa may gilid ng upuan at lumapit duon. Sinimulan ko sa pag wawalis at pag pupunas ng buong bahay. May sira na pala ang mga kahoy na pader, inanay na sa katagalang walang linis. Di bale ipapagawa ko nalang, may pera pa naman akong natitira kahit papano.



Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now