- trente et unième -

Magsimula sa umpisa
                                    

"No worries, so let's get started? I think all of you are already complete."

Pagkatapos ng ilang introduction ni Leinnie para sa yoga class, nag-simula na kami. Masyadong delicate ang mga moves dahil nga lahat kami na nandito sa klase niya ay mga pregnant. Siguro mga nine soon-to-be moms kami na nandito.

Kahit medyo nakakapagod ay ayos lang dahil gumaan ang pakiramdam ko at nakaka-relax. Parang 'yung relaxation na hatid ng yoga ay abot hanggang mamayang gabi pag makatulog ako.

Pagkatapos ng yoga class, kumain muna ako sa katabing Juju Eats. Isa siyang fast food restaurant na salad ang kanilang main course products, puro gulay at fruits din tapos real un-preserve fruit juice naman ang kanilang offering para sa beverage. Hindi naman ako masyadong gutom kaya 'yung single medium serving lang ang in-order ko.

Pagkakain, nag-take out ako ng salad para kay Paris kasi feeling ko hindi na naman kakain 'yun ng heavy meal dahil sobrang busy niya sa pag-aaral. Kaya nag-decide ako na bilhan na lang siya nito tutal madali lang naman 'to kainin.

Sumakay na ako ng taxi pauwi sa condo. Medyo traffic ng kaunti kasi may inaayos na kalsada pero all in all, hindi naman masyadong hassle ang byahe. Dumating ako sa tower ng quarter to 12 pm. Pagkatapos kong i-pin yung code sa pinto ng unit, pumasok na ako pero parang wala naman siya sa paligid.

"Paris?"

Pero wala akong narinig na response. Nilibot ko ang buong unit pero wala siya. Hinanap ko ang cellphone nya pero wala din siya. Saan ba 'yun nagpunta?

Hinanap ko sa bag ko 'yung cellphone ko pero wala din. Napakagat ako sa lower lip ko. Gosh, naiwan ko sa kwarto! Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto at nakita kong nasa kama 'yung cellphone ko. Agad kong in-unlock 'yung phone at nakita ko na maraming missed calls at text galing kay Paris.

"Hala lagot ako nito." naihilamos ko ang mukha ko sa frustration. Maglalakad na sana ako palabas ng kwarto nang makasalubong ko si Paris na kakapasok lang.

Parang dumilim ang paningin niya sa akin at seryoso ang tingin. Medyo nakaramdam ako ng takot kasi parang kakainin niya ako ng buhay. Ano bang nagawa kong mali at ganyan ang reaction niya agad sa akin?

"Saan ka galing?" seryosong tanong niya sa akin.

"N-nagkita nga kami ni Jessica 'di ba?' halos 'di ako makatingin sa mata niya sa sagot ko.

"Liar."

Awtomatikong napatingin ako sa kanya at ngayon ay nasa harapan ko na siya, halos ilang inches lang yata ang pagitan namin. Ito na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"H-ha..." 'yun na lang ang nasabi ko.

"Tinawagan ko si Jessica. Sabi niya hindi raw kayo magkasama kanina. Tell me, where did you go?" naglakad siya papalapit sa akin tapos ako naman ay napapaatras hanggang sa na-corner na niya ako dahil pader na ang nasa likuran ko. "Sumagot ka, Sasha."

"Nag-yoga class ako kanina. I'm so sorry." pikit-mata akong sumagot sa tanong niya.

"Kinailangan mo pa talagang magsinungaling para sa yoga class mo? Tell me, Suri Shadows, why did you do that? Sinabi ko nang 'di ka pwede mag-yoga for the meantime 'di ba?"

I feel down ewan ko ba, ang sakit lang kasi parang pakiramdam ko restricted ako sa mga gusto kong gawin.

"E kasi sabi naman ng OB pwede naman akong mag-yoga-"

"Oo pwede nga, pero hindi kita pinapayagan. Baka ano pang mangyari sa'yo sa yoga class mo at wala pa ako dun." he cut me off the he marched out of the room.

I just stayed still, leaning at the wall, looking at nowhere. Why does it have to be like this?

Sumunod ako sa kanya palabas sa room. Nakita ko siyang nakasalampak na naman sa floor at nakaharap sa center table at nagsusulat sa notebook. Tumayo ako sa harapan niya at saka tumikhim kaya napaangat ang tingin niya sa akin.

"I'm sorry. I won't do it again. Nabo-bore lang kasi ako dito kaya naghanap ako ng pagkakaabalahan." sabi ko sa mahinang tono.

"Tumigil ka sa pag-aaral mo ng Master's Degree dahil delikado ang pagbubuntis mo, nag-leave ka sa ZA at si Tita Sami ang manage kapalit mo, alam kong mabo-bore ka pero sana naman makinig ka sa mga sinasabi ko, Sasha. Kung nabuburyo ka dito sa bahay, mag-painting ka o mag-sketch basta 'wag ka lang masyadong active sa mga outdoor activities. Baka ano pang mangyari sa'yo."

"Hindi naman ako magpapagod e. Titigil naman ako kapag hindi ko na kaya. Sana naman Paris, pagbigyan mo na ako sa ganito. Hindi ko naman aabusuhin ang katawan ko e."

Napa-tap siya ng malakas sa table na ikinagulat ko. "Ba't ba ang kulit mo, Sasha?! Sinabi na ngang hindi pwede. Dito ka na lang sa bahay! Kargo ko pa pag may nangyari sa inyo ng anak natin. Alin ba dun ang hindi mo maintindihan?!"

Hindi na ako nakapag-react sa sinabi niya. Parang...parang napahiya ako. It's like it's not Paris' thing to say these stuffs.

"Pero Paris-"

"No buts, Sasha. It's either you stay here or I will sent you back to your house?!" galit siya, I knew it. Pero paano ako? Hindi man lang ba niya ako papakinggan?

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Tinignan ko lang siya ng diretso at bago pa ako tuluyang maiyak, tinalikuran ko na siya at pumasok na ulit sa kwarto.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon