DAY 5 , WEEK 4

0 0 0
                                    

Ilang araw nang mataas ang lagnat ni Reverie, at kahit anong gawin kong pag-aalaga sa kaniya ay tila’y hindi pa rin siya gumagaling.

Pinuntahan din siya ni Auntie Ysa para tingnan ang kalagayan niya. “Napainom  mo na ba si Reverie ng gamot?” tanong ni Auntie Ysa sa akin.

“Opo, napainom ko na po siya kanina. Mamayang alas nuebe naman po siya uulit iinom ng gamot,” mahaba kong lintaya sa kanya.


Pareho kaming napatingin kay Reverie na natutulog pagkatapos kong sagutin ang tanong niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Reverie. Tiningnan ko ang mukha niya at sobrang putla niya na, iba sa una kong kita sa kaniya sa islang ito.
Seeing her like this, weak and not feeling well, breaks my heart. Ano ba ang nangyari? Bakit biglang naging ganito?


I kissed her hand and closed my eyes, wishing from above na sana gumaling na siya, because seeing her like this weakens me so much that I wish I was the one who’s not feeling well, not her.


“Finn.” Napamulat naman ako ng mata ko ng narinig kong tinawag ako ni Reverie.


“Reverie,” pagtawag ko sa kanya at saka nginitian siya.

“Nandito si Auntie Ysa, chineck ka niya kung maayos na ang kalagayan mo,” sabi ko sa kanya at saka napatingin kay Auntie Ysa na nasa tabi ko.


Napatingin naman si Reverie kay Auntie Ysa at saka ngumiti. “Maraming salamat po sa pag-check sa akin,” mahina niyanng sabi.

Ngumiti naman pabalik si Auntie Ysa at saka hinawakan ang kabilang kamay niya.

“Magpagaling ka, hija. Kapag hindi mo na kaya, sabihan mo kami para makapunta tayo ng hospital,” sabi nii Auntie Ysa na inilingan ni Reverie.


“Hindi naman po ganoon kasama ang pakiramdam ko.”
Napahinga naman ako ng malalim ng narinig ko ang sinabi niya.


“Hindi ganoon kasama? Eh, bakit ilang araw ka nang nakahiga diyan at parang hindi rin bumababa lagnat mo?” nag-aalalang sabi ni Auntie Ysa.


Hindi naman mali si Auntie Ysa sa sinabi. Ilang araw na ang lagnat niya at tila’y hindi ito bumababa. At bago pa siya nagkalagnat, ilang araw sumakit ‘yong ulo niya at ilang araw na rin siya sumusuka.
Kaya alam kong hindi siya okay.


“Gagaling din po ako, Auntie Ysa,” mahinang usal ni Reverie at saka ngumiti.
Wala nang sinabi si Auntie Ysa pagkatapos ng sinabi ni Reverie.
Nanatili pa ng ilang oras si Auntie Ysa rito sa bahay para tulungan ako na alagaan si Reverie, bago tuluyang umalis.


“Alis na ako, hijo. May ulam nang nakahanda sa lamesa at saka may lugaw na rin. Pakisabi na rin kay Reverie pagkagising na umalis na ako. Ayoko na siyang gisingin,” mahabang lintaya ni Auntie Ysa habang nag-aabang nang lumabas ng bahay.


“Sige po, Auntie Ysa.” Ngumiti ako sa kaniya at saka sinundan siya palabas. “Maraming salamat po sa tulong niyo.”


Napangiti naman siya nang narinig ang sinabi ko. “Walang anuman, hijo. Basta, balitaan mo na lang ako sa kondisyon ni Reverie, ha?”


Tumango naman ako at saka muling nagpasalamat, bago tuluyang umalis si Auntie Ysa’t saka umuwi na.
Napabuntong hininga na lang ako at saka pumasok na sa loob ng bahay. Napatingin ako sa orasan at nakita kong malapit nang mag-alas nuebe ng gabi, kaya inilabas ko na ang ginawang lugaw ni Auntie Ysa at saka nilagay ito sa porcelain cup. Kumuha na rin ako ng kutsara at saka pumasok na sa kwarto ni Reverie.


Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng higaan niya, at saka nilagay ang bitbit kong lugaw sa katabing lamesa nito.
Halos naggda-dalawang isip pa akong gisingin si Reverie dahil nakikita kong ang himbing ng tulog niya, pero kailangan niyang magising para uminom ng gamot, kaya unti-unti ko siyang ginising.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now