DAY 1 , WEEK 4

6 1 5
                                    

After everything that happened on the resort the other day, parang nag-iba ang ihip ng hangin. Coincidentally, hindi na rin nagparamdam si Eloise simula noong araw na iyon. Hindi ko alam kung dahil sa nangyari sa amin kaya hindi siya nagpakita ulit, o dahil nabalitaan niya ang nangyari kay ate Sisa.

Pagkatapos ko ring umamin kay Reverie, katulad pa rin ng dati ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Walang may nagbago, pero ramdam kong mas may laman ang pagsasama naming nagmula nang nag-confess ako sa kaniya.

“What are you watching, Reverie?” tanong ko sa kaniya nang nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nakatingin sa tv.

“Yung teleseryeng sinasabi ko sayo noong nakaraan. Yung babaeng nagloko sa asawa niya,” sabi ni Reverie habang ang mata’y nasa tv pa rin.

Nadiskubre kong mahilig manood si Reverie ng mga teleserye, lalo na ng mga teleserye na kung saan may cheating na nangyayari sa mag-asawa’t may paghihiganti na nagaganap.

“Ang saya kaya manood ng mga ganito. Satisfying makita yung pag-revenge ng main lead sa taong nanloko sa kanila,” sabi niya sa akin noong tinanong ko sa kaniya kung bakit mahilig siyang manood ng mga ganiyang bahay.

Napangiti naman ako ng nakita sa mga mata niya nan aga-anticipate sa susunod na mangyayari.
Tumabi ako sa kaniya at sinabayan siya sa panonood. Nasa part na pala siya na kung saan kinompranta na ng totoong asawa ang kabit ng asawa niya.
Halos nawili na rin ako sa pannonood ng bigla namatay ‘yong tv.

“Hala! Ano ba ‘yan,” nadidismayang sabi ni Reverie. Napansin ko ring namatay yung electric fan namin.

“Kung saan nasa exciting part na, doon pa nag-brownout,” sabi niya pa at saka napailing na lamang.

“Oon ga eh, kahit ako nawili na sa panonood. Mamaya, magiging katulad na ako sayo na mahilig sa mga ganitong palabas,” biro ko sa kaniya na tinaasan niya naman ng kilay.

“Mabuti nga ‘yan para may kasama na ako palagi sa panonood,” sagot niya sa akin at saka pinaypayan ang sarili niya gamit ang kaniyang mga kamay.

Brownout pa ngayon kaya walang electric fan, at alas dos pa ng hapon kaya sobrang init ng panahon ngayon.
Halata sa mukha niya na naiinitan siya, kaya kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at saka binuklad sa pagkakatupi, at saka pinaypay iyon sa kaniya. Nang naramdaman niya ang kaunting hangin na dumampi sa kaniya ay nagtataka naman siyang napatingin sa akin.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya.

“Pinapaypayan ka,” sagot ko sa kaniya at saka mas tinodo ang pagpaypay sa kaniya para lumakas ang hangin.

“Eh, ikaw? Hindi ka ba naiinitan?” Napangiti naman ako sa tanong niya.

“Naiinitan din, but you’re my priority,” I answered. Napatigil naman siya sa pagpaypay sa sarili niya at saka ilang segundong napatingin sa akin.

Hindi ko alam, pero may nararamdaman akong kakaiba sa kaniyang mga tingin, pero hindi ko ma-explain kung ano iyon.

“Okay na, hindi na ako naiinitan,” mahina niyang sabi at saka ngumiti sa akin.

“Talaga?” pagsisigurado ko. Tumango naman siya at saka nagsalita,

“Oo. I feel better now. Thank you, Finn,” sagot niya at saka muling ngumiti. Kaya, unti-unti ko namang binaba ang panyo ko at saka pinunasan ang pawis na dumaloy sa aking mukha.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon