ELOISE POV

33 1 0
                                    

THIS STORY UPDATE IS DEDICATED TO
acesugraphicofficial


I HOPE YOU ENJOY READING!

-------

Dumaan ang ilang araw na pasimple lang akong bumibisita kay Finn sa hospital. Minsan, nagtatanong din ako kay Nurse Ali kung kamusta ba yung kondisyon niya. At minsan naman, palihim akong pumapasok sa loob ng kwarto niya para tingnan ang mukha niya.


I just want to make sure that he’s okay, but looking at him from afar while he’s suffering makes my heart ache.
Wala man lang ako magawa para sa kaniya. Hindi ko man lang maiparamdam sa kaniya na may kasama siya sa pinagdadaanan niya ngayon.


“Eloise, meet your half sister, Reverie,” pagpapakilala sa amin ng aking ama sa harap ng hapag kainan.

Mgkaharap kami ng babae at ang ama ko naman ay nasa harapan ng mesa. Hilaw akong napatawa at saka umismid.
Ah, so ito pala yung pamilyang palagi niyang inuuwian. Yung pamilyang nauna kaysa sa amin.


“H-hello,” nauutal na bati ng babaeng nangangalang Reverie. Halata sa kaniyang mukha na hindi siya komportable at napipilitan lang na harapin ako. Peke akong ngumiti at saka binati siya pabalik.


“Dalawang taon ang tanda sa ‘yo ni Reverie, kaya tawagin mo siyang ate bilang pagrespeto,” muling sabi ng ama ko at saka iniwan kaming dalawa sa hapag kainan.


Tahimik lang kami na kumakain, at mukhang walang may balak magsalita sa aming dalawa. Hindi ko alam, pero ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa, o ako lang nakakaramdam noon.


Niligpit ko ang pinagkainan ko at saka tumayo na para sanang umalis na ng bigla niya akong pinigilan. “Sandali,” mahina niyang usal.


I blankly looked at her and waited for her to say anything.

“Does he…” bumuntong hininga siya at saka muling nagsalita, “Does he treat you well?”
Umiba naman ang aking ekspresyon dahil sa sinabi niya, at alam kong nahalata niya ang pag-iiba ng ekspresyon ko dahil sa tinanong niya.

Hilaw akong napatawa at saka nagsalita, “What do you think?”


Bago pa siya magsalita ay tuluyan na akong umalis sa hapag kainan.
The answer was already pretty obvious. Of course, my father didn’t treat me well. Ayaw niya pa nga gampanan yung pagiging tatay niya sa akin eh. Kaya, bakit pa siya magtatanong? Nagtanong ba siya para ikumpara kaming dalawa?


Siya man ang ama ko sa dugo, pero ngayon sa buhay ko ay hindi ko siya tinrato o minahal bilang ama ko. Maybe I did love him as my father when I was little. But now, not anymore.


Alam kong hindi niya kami mahal, sa mga pinapakita niya pa lang sa amin ni mama at sa mga nakita ko noong bata pa lang ako, alam ko na.
Kaya, hindi na ako aasa sa pagmamahal ng isang ama.


Pagkatapos noon, dumaan ang ilang araw na doon ako tumira sa bahay nina Reverie. Simple lang ang buhay nila, walang arte. Palaging silang dalawa lang ng mama niya ang nakikita ko. Minsan lang yung ama ko na nananatili sa bahay na iyon.
Pakiramdam ko nga ay parang silang dalawa lang yung palaging nandito sa bahay at parang sanay na rin sila.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon