DAY 3 , WEEK 4

13 2 2
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula nang bumalik na si Reverie mula sa hospital.
I waited for her to tell me about what happened, why she disappeared for days, a week to be specific, but she didn't say anything about it.

Kapag io-open ko naman yung topic na ganoon ay agad niya namang iniiwas. Tila'y ayaw niya itong pag-usapan.
I would understand if she told me that she doesn't want to talk about it, but all she did was deliberately change the topic.
It's hard for me to forget all about it, because I've been worried for days. But for her, it seems as if nothing ever happened, na parang hindi siya nawala ng ilang araw.

"Ah, Finn! Anong gusto mong ulamin mamaya?" she asked and averted her gaze at me. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa halatang pag-iwas niya sa tanong ko tungkol sa pagkawala niya ng ilang araw.

I don't know, but I'm slowly doubting her. I know I shouldn't, but I feel uneasy with her gone for days and how desperate she's trying to hide the reason why she was gone for days, from me.

"Parang gusto ko ng adobo. Na-miss ko yung luto mo niyan eh," sabi ko sa kaniya at saka ngumiti.

Nahihiya naman siyang ngumiti at saka tumango.

"Sige, 'yan na lang lulutuin ko mamaya kasi sabi mo na-miss mo eh. Kaya dapat, marami ang kakainin mo!" she happily said and proceeded to continue wiping the floor.

Napailing na lang ako sa inakto niya at saka nagpatuloy sa paglilinis ng mga isdang nahuli ko kanina.
Pagkatapos kong linisin ang mga isdang nahuli ko ay inilagay ko ito aa tupperwear at saka nilagay sa freezer.
Dahil ilang buwan na rin akong nananatili rito, may mga nakakilala na sa 'kin na bumebenta ng isda, kaya minsan ay may nago-order na ng advance sa akin, o 'di kaya'y nagpapa-reserve kaya madali na rin sa akin makabenta nito.

"Hindi ba pupunta rito si Shasha mamaya?" tanong bigla ni Reverie sa akin.

"Pupunta siya dito mamaya. Na-miss ka kasi no'n. Naiyak pa nga kasi ilang araw ka na niyang hindi nakita. Akala niya umalis ka na," medyo natatawang sabi ko sa kaniya nang naalala ko ang ginawa ko kay Shasha para hindi na siya maging malungkot sa biglang pagkawala ni Reverie noon.

"Ah, sige. Na-miss ko rin kasi siya. Lulutuan ko rin siya ng homemade pizza mamaya," masayang sabi ni Reverie.

Tumango naman ako at magsasalita na sana ng biang tumunog yung phone ko.
Nang tiningnan ko kung sino yung tumawag ay halos nabitawan ko ang aking phone.
Si Doctor Miranda yung tumatawag.

"Reverie, sagutin ko muna 'tong tawag, ha?" pagpapaalam ko kay Reverie. Tumango naman siya bilang sagot at sinenyasan na akong umalis na para sagutin 'yong tawag.
Kaya, lumabas na ako dala yung phone. Nang nakalabas na ako ay tiningnan ko muna kung nasa loob pa rin si Reverie. Nang nakita na nasa loob pa rin siya ay sinagot ko na yung tawag.

"Hello, Doc Miranda," bati ko sa kaniya pagkatapos kong sagutin yung tawag.

"Good day, Mr. Gaizer. I'm sorry to bother you during this time," bati naman ni Doctor Miranda.

Umiling ako at saka sumagot, "No problem, Dok. Ano po sana?" tanong ko sa kaniya.

Sa loob ng ilang buwan ay hindi ako ni-contact ni Doctor Miranda, ngayon lang simula no'ng umalis ako sa hospital.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now