DAY 7 , WEEK 2

24 2 3
                                    

Where Am I?

Puro puti lamang ang nakikita ko sa paligid ko. Kung mag-iisip ko ng masama ay masasabi kong namatay na ako at kasalukuyang nasa langit na. Pero, is this what heaven looks like? Akala ko ang langit ay punong puno ng mgwa bulaklak sa paligid, hindi ganito na kahit saan man akong tumingin ay puro puti ‘yong nakikita ko.

Nagsimula na akong maglakad nang maglakad, pero pakiramdam ko’y walang patutunguhan ‘yong paglalakad ko ng matagal, kaya tumigil ako at saka napabuntong hininga.

“Hello”?” I called out, but my voice only echoed. Unti-unti na akong nakakaramdam ng takot nang napagtanto ko nab aka nga ay namatay na ako.

Did the operation not go well?

Hindi, hindi. Sabi ng doktor ay magiging maayos ang operasyon ko. May tiwala ako kay Doctor Miranda, hindi niya ako bibiguin.

“Finn?” Nagulalt naman ako nang biglang may tumawag sa akin. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang walang katao-tao.

“Finn,” ulit niyang tawag. Parang pamilyar ‘yong boses ng babae.  Napatingin ako ulit sa paligid. Nagulat ako ng may nakita akong anino mula sa malayo.

Bahagya akong napaatras. Muli kong inaninag 'yong nakita kong anino, at doon kong napagtanto na parang pigura ito ng isang babae.

Unti-unti akong lumapit patungo sa babae. "Finn," muli niyang tawag sa akin. Ngayon ay mas sigurado na akong siya 'yong tumatawag sa akin ng medyo malapit na ako sa kaniya.

"H-hello?" tawag ko sa babae nang malapit ma ako sa kaniya. Unti-unti namang napatingin sa aking direksyon 'yong babae. At nang tuluyan na siyang napatingin, bahagya akong nagulat sa babaeng nasa aking harap.

"E-Eloise?" nauutal kong saad. Tuluyan na siyang napaharap sa akin, at bumungad sa akin ang maganda niyang ngiti.

"Finn!" masaya niyang saad at saka niyakap ako. Dahil sa sobrang gulat ay hindi ko siya kaagad nayakap pabalik. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at muli akong tiningnan. "Finn! I miss you so much," sabi niya at muli akong niyakap.

I hugged her back, and I can feel her hug tighten. "E-Eloise," sabi ko at doon ko napagtanto na si Eloise nga 'yong nakita ko.

"I miss you too," sinsero kong at unti unting namuo ang saya sa aking puso't isipan.

Bumitaw na siya sa pagkakayap sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata.

"Should we go now?" tanong niya sa akin. Nagtaka naman ako. "Go where?" Napailing siya at naphawak sa kaniyang bewang. "Saan? Edi doon sa kung saan dapat tayo pupunta," sabi niya, tila'y siguradong sigurado siya na alam ko ang kaniyang tinutukoy.

"Saan ba?" muli kong tanong. Napatingin naman siya sa akin, tila'y nagtataka sa inaasta ko. Nang napagtanto niyang hindi ko talaga alam ang sinasabi niya ay nanlaki ang mata niya.

"Hala! Hindi mo talaga alam?" tumango ako bilang pagsagot sa kaniyang tanong. Napahawak naman siya sa ulo niya. "We'll go to a place that will make us happy!" masaya niyang saad.

If what she's saying is true, then am I really dead?

Pero, kung siya naman 'yong kasama ko sa kabilang buhay, buong saya akong sasama sa kaniya.

"Sige, punta na tayo doon," sabi ko at saka ngumiti sa kaniya. Pumalakpak naman siya. She lent me her hand, asking me to hold hands with her. "Tara na, Finn," nagagalak niyang sabi.

Aabutin ko na sana ang kamay niya nang may tumawag sa akin, "Finn!"

Napahinto naman ako, at parang pamilyar 'yong boses na tumawag sa akin. "Finn!" muling tawag niya. Napatingin naman ako sa aking likod at nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin si Reverie.

I saw her open her mouth and shouted "Finn! Bumalik ka na rito!"

Bigla akong napamulat ng aking mga mata, at ang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Napatingin ako sa aking paligid at napagtantong nasa silid na pala ako, sa ospital

"Finn!" gulat na gulat na tawag sa akin ni Nurse Ali. Ibubuka ko pa sana 'yong bibig ko para magsalita, pero agad nang lumabas si Nurse Ali para tawagin ang doktor.

"Mr. Gaizer, how are you feeling?" tanong ni Doctor Miranda sa akin. "I'm feeling better, dok," sabi ko at saka ngumiti sa kaniya. "No headache, or any kind of pain?" muling tanong ng doktor. Umiling naman ako. "I've never been fine like how I am feeling today, dok. I can assure you that."

"That's good to hear," saad ni Doctor Miranda at saka ngumiti. Tumingin naman si Doc Miranda kay Nurse Ali. "Please observe him for the meantime, and tell me immediately if you notice anything strange or if he suddenly feels any pain." Tumango naman si Nurse Ali.

Muli siyang napatingin sa akin. "For the meantime, we'll observe your condition. And if you're doing well after a few days, you may already go out," masayang saad ng doktor.

I feel like my eyes twinkled upon hearing what the doctor said. Marahan naman akong tumango.

Sa wakas, makakalabas na ako pagkatapos ng ilang araw.

"Thank you, dok." Ngumiti naman ang doktor sa akin. "No worries, I'm glad that it went well," sabi niya at saka umalis kasama ang nurse na kasama niya.

Nang kami na lang dalawa ni Nurse Ali ay hinawakan niya ang aking kamay. "Salamat sa Diyos at naging maayos ang operasyon mo, Hijo," masayang saad ni Nurse Ali.

"Oo nga po," masaya kong tugon.

"Ah, sandali, paghahandaan muna kita ng makakain mo," sabi ni Nurse Ali at saka binitawan na ang pagkakahawak sa aking kamay. "Sige po," sabi ko at nakita ko siyang lumabas.

Ilang araw na ang lumipas simula nang inoperahan ako, at walang naging komplikasyon sa aking katawan o kahit anong sakit na naramdaman. Kaya, pinayagan na ako ng doktor na magpunta sa hardin ng ospital na 'to.

"Nurse Ali, patulong po sana. Pupunta po tayo sa hardin ng ospital na 'to," masayang sabi ko sa kaniya at unti unting bumangon. Agad naman akong pinuntahan ni Nurse Ali at tinulungan akong bumangon.

Nirekomenda rin sa akin ng doktor na mag-rehab, para makapaglakad ako ulit dahil ilang buwan na rin simula nang nakapaglakad ako.

Kaya sa ngayon ay naka-wheelchair ako.

Napapikit ako ng naramdaman ko ang simoy ng hangin, at ang init na dala ng araw. Matagal na rin simula no'ng nakalabas ako sa aking silid. I missed the warm breeze of air every afternoon, and the sunglihjt that touches my skin, and the noise of the patients and children playing in this very place, and the flowers that constantly blooms.

“Are you happy, hijo?” tanong ni Nurse Ali sa akin.

Agad naman akong tumango at saka ngumiti. "Opo, masaya po ako," sabi ko at tiningnan ang paligid. Naalala kong ang huling labas ko rito ay kasama ko pa si Reverie.

"Nurse Ali," tawag ko sa kaniya. "Ano iyon, hijo?" tanong niya naman. Napabuntong hininga naman ako. "Kilala nyo po si Reverie, 'di ba?" Ilang sandali namang napaisip si Nurse Ali. "Ah, 'yong in-assign sa 'yo no'ng nag-leave ako?" Tumango ako bilang pagsagot sa kaniyang tanong.

"Oo naman. Ang bait ng batang iyon," natutuwang sabi ni Nurse Ali.

Pagkatapos noon ay ikinwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari simula no'ng nag-leave siya. "Sa tingin nyo po, ginusto niya bang umalis na hindi nagpaalam sa akin?" tanong ko kay Nurse Ali pagkatapos kong ikwento sa kaniya ang lahat.

"Sa tingin ko hijo, hindi," sabi niya sabay haplos sa aking buhok. "Para sa akin lang, may rason siya kung bakit umalis siya na hindi nakapagpaalam sa 'yo. At maaaring, sobrang importante no'n na wala na siyang oras para magpaalam sa iyo."

"Sana nga, Nurse Ali," sabi ko, umaasang totoo iyon.

Kung iisipin, hindi ako nakapagpasalamat kay Reverie. Hindi ko siya napasalamatan sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

Kung makikita ko siya muli, sisiguraduhin kong magpapasalamat ako sa kaniya. Hindi ko magagalit sa bigla niyang pag-alis, at iintindihin ko siya.

"Oo nga pala, hijo," biglang sabi ni Nurse Ali. "Okay na ba kayo ni... Eloise?" tanong niya sa akin. Doon ko lang napagtanto na hindi ko na siya masyadong naisip dahil sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Pero parang... napanaginipan ko siya, hindi ko lang maalala kung ano iyon.

"Hindi po, Nurse Ali. I didn't have the chance to reach out to her because of everything that happened," sabi ko naman sa kaniya. Hindi na siya nagtanong pagkatapos noon.

Strangely enough, parang okay na ako.

Hindi na sumisikip ang dibdib ko kapag naaalala ko si Eloise, at kahit hindi na kami maging maayos ay parang wala na lang sa akin. Though, all I hope for is that she's doing well and is happy with her life.

Napatingin ako sa langit at nakitang kulay asul ito. it's strange, though. I feel like the sky's bluer than what I have mosty seen in the past, o 'di kay'y resulta lang ito sa tagal kong hindi nakalabas sa aking silid.

Napapikit ako, at ang imahe ng aking ina ang pumasok sa aking isipan.

Kapag mas mabuti na ang kalagayan ko kumpara sa ngayon at kung handa na ako, sisiguraduhin kong masasabi ko na sa kaniya ang kalagayan ko, qt walang makakapigil sa akin.

"Balik na po tayo sa silid, Nurse Ali," sabi ko nang unti-unti nang dumidilim ang kalangitan. "Sige, hijo," sabi niya at saka tinulak na ang wheechair.

Pagkatapos noon ay ilang araw muli ang lumipas. Mas naging mabuti 'yong kondisyon ko pgkalips ng ilang araw, at may ininject sa akin 'yong doktor na tuluyang nakapabuti ng aking pakiramdam.

"It will make you feel a lot better, but it will only last for quite a short time," sabi ng doktor sa akin, napatango naman ako.

Pagkatapos noon ay nagtuloy-tuloy ang pananatili ko sa ospital ng ilang araw. Bumalik na rin ako sa dati kong nakagawian bago pa lumala 'yong kondisyon ko.

Sa bawat araw na lumilipas, mas hinihiling ko na sana ay malapit na 'yong araw na pwede na akong i-discharge ng doktor.

Sa tagal ko sa ospital na ito, ramdam ko nang parang nasasawa ako sa paulit ulit na tanawin, at parang gusto ko nang pumunta sa ibang lugar. Kung dito pa rin ako ay mas lalo konb mararamdaman na hindi pa ako okay kahit na wala na akong may nararamdaman.

"Mr. Gaizer, I would like to inform you of happy news," saad ng doktor. Agad naman ako napabangon sa aking hinihigaan at napatingin sa kaniya. "Ano po iyon, dok?" tanong ko kay Doctor Miranda.

"You will be discharged after you complete your rehab," sabi ni Doctor Miranda. My face lit up after hearing what he said.

This is it. Malapit na dumating ang araw na palagi kong hinihintay.

"Okay, dok. Maraming salamat!" masaya kong sabi.

Nang nalaman kong makakalabas na ako pagkatapos ng rehab ay mas ginanahan akong mabuhay. Kung noon ay hindi na ako nanonood ng TV, ay ngayon nanonood na ako. Kung noon ay hindi ako ngpapatugtog ng musika, ngayon ay ginawa ko na.

Tinry ko rin pakinggan 'yong kanta ng kpop group na gusto ni Reverie, at nagustuhan ko ang iilang kanta nila na parang nakaka-relax dinggin.

Doon na rin ako kumain ng maayos, dahil alam kakailanganin ko ng sapat na lakas at sustansya para mas tumagal ang pagiging okay ng kondisyon ko. Ako na rin mismo ang nagpipilit sa sarili ko na kumain ng gulay.

Mas naigihan akong ipagpabuti ang rehab ko at pinilit din ang sarili kong makalakad na.

"Nurse Ali, I can already walk properly!" masaya kong bulalas kay Nurse Ali ng matagumpay kong nalakad ang distansya papunta sa kaniyang kinaroroonan ng walang gabay o tulong mula sa iba. "I'm so happy for you, hijo," naiiyak na sabi ni Nurse Ali at saka napayakap sa akin.

Niyakap ko naman siya pabalik.

"I heard that you already completed your rehab," sabi ni doktor Miranda sa akin. "Opo, dok," masaya kong tugon.

Napatingin si Doctor Miranda sa dala niyang papel, at pagkalipas ng ilang minuto ay tumingin sa akin at saka ngumiti. "After checking your records, I can finally say that you can get discharged after a day," masayang usal ni Doctor Miranda.

"Talaga? Thank you, dok!" masaya kong sabi sa kaniya.

Ramdam ko ang sayang namumuo sa puso ko. I think, this is the happiest I've ever been so far.

Finally. With me finally able to go away from this place, I can finally live peacefully.

Away from everyone—everything.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now