DAY 3 , WEEK 1

29 1 4
                                    

I look at my reflection in a full body mirror. Bukod sa eyebags ko ay sobrang payat na rin ng aking katawan, pansin ko ang pagbaba ng timbang ko na hindi ko alam kung bakit dahil kumakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw.

Even I look like someone who doesn't care in everything, I still have insecurities like the others. Ang natural eyebags ko, ang pagsuot ko ng eyeglass at ang katawan ko na walang kalaman-laman.

But my health is not that important, even my physical looks, the grades and the academic validation is what I crave for.

Sinuot ko ang aking uniform at inayos ang sarili ng kaunti. Nandito pa rin kami sa bahay ni Lola, ni kahit update ay wala kaming narinig kay Dad. If he cares for us, sana nagpakita siya agad rito at humingi ng tawad kay mama. Kahit kay mama na lang at huwag na sa 'kin, ayos na 'yon. Hindi ko lang matimpi na makitang umiiyak ng patago si mama, seeing her like that breaks me.

Bumaba ako sa staircase at dumiretso sa table upang kumain kasama sina Lola at Mama. I gave the both of them a sweet smile.

"Musta tulog mo, apo?" My grandmother uttered while chewing her food.

I nod softly, "it's ok po, maganda ang tulog ko."

My mom stares at me intently, iniwas ko ang mga tingin upang hindi niya makita ang pamamaga ng aking mata. Dumiretso ako sa table at nagsimulang kumain.

Nginuya ko ang aking pagkain. Hindi pa rin tinitingnan si Mama ng diretso sa mata. I don't want her to see me in my vulnerable state, kailangan ko maging matatag upang meron siyang taong masandalan.

NANG makapasok sa room ay agad hinanap ng mata ko si Eloise. Simula noong dinala ko siya sa clinic ay hindi na kami nagkausap pa. Ilang araw na ding absent si Eloise dahilan upang hindi ko magawang humingi ng tawad sa kaniya. I badly want to apologize to her, or beg for her forgiveness.

Ilang araw nang hindi ako makatulog dahil na-gu-guilty ako sa ginawa ko sa kaniya. I must be insane for actually doing that.

Umupo ako sa aking upuan at agad napadako ang tingin sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Mas lalong nalunod sa kalungkutan ang puso ko. Gusto ko siya i-message pero hindi ko magawa, parang ang mali lang na sa chat ako humingi ng tawad, masiyado iyong nakakainsulto para sa 'kin.

When the class started, I focuses my gaze in front. Pinilit kong hindi isipin ang mga problemang meron ako ngayon upang maaliw ang sarili sa pag-aaral.

I felt empty when the snack time started. Pinili kong mapag-isa at umakyat sa rooftop. I sat near the barrier while remember the times where Eloise and I used to eat here.

Napangiwi ako at napahawak sa ulo ko nang maramdaman ulit ang sakit nito. Hinilot ko ng kaunti ang ulo ko at pilit na pinakalma ang sarili.

Should I see a doctor? Baka iba na 'tong nararamdaman ko. It's getting worse everyday, ayaw ko namang indahin na lamang ang sakit ng ulo ko habang buhay.

Ilang minuto ang lumipas nang unti-unti ng mawala ang pagsakit sa ulo ko. Nang matapos ang pagkain ng snacks ay hiniga ko ang sarili sa malapad na bench.

Pinikit ko ang mga mata at dinamdam ang maaliwalis na hangin na dumadampi sa aking mukha. I began to fell asleep, but still, my mind won't stop thinking about Eloise.

KINAHAPUNAN ay napagdesisyonan kong i-chat si Eloise upang makipagkita. I mustered my courage so I can chat her first and thankfully she replied. Pumayag itong makipagkita sa isang food court sa labas.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ko siya sa lugar na pinag-usapan namin. I bit my lower lip when I saw her walking towards me. Para akong hihimatayin sa sobrang kaba nang magkaharap kaming dalawa. Ang kaninang hinanda kong mga salita ay biglang nawala.

Hindi ako umimik hanggang sa makaupo kami sa table at naka-order ng street foods. I don't know what to say! Wala akong valid reason na kayang ibigay sa kaniya. Anong sasabihin ko na cheater ang tatay ko, nagseselos ako sa lalaking kasama niya at laging masakit ang ulo ko kaya nagawa ko iyon sa kaniya? That's not valid, walang wastong rason sa ginawa ko sa kaniya, I hurt her emotionally and even physically. I just made her life worse.

Ngumiti ito sa 'kin. "Kung iniisip mo ang nangyari sa rooftop, wala na iyon, kasalanan ko naman kung bakit ako naghintay."

Yumuko ako at pinaglaruan ang pagkain na nasa harap ko. Still guilty from what I did.

"It's really okay!" Tumawa siya upang pagaanin ang loob ko, pero hindi ko magawa.

I directly look at her, she look taken aback when she saw how serious I am right bow.

"I want to apologize, Eloise, really. . ." Napailing ako ng paulit-ulit, "I did something u-unforgivable," I unfortunately stuttered. Si Eloise lang ang makakalabas ng vulnerable side ko, and that prove how comfortable I am with her.

She look at me with those sad eyes, "It's not your fault, Finn. . . ako ang nagpumilit, at wala akong alam sa nangyayari sa buhay mo, baka may pinagdadaanan ka lang upang iwasan mo ako 'di ba? I'm your companion but I should also set boundaries on us."

Lumambot ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. It gave me more reason to avoid her, I can't ruin her life, my life is too messy to be this close to her. Sa ganitong paraan ay kahit papaano ay mababawasan ang guilty nararamdaman ko.

"I'm sorry. . ." My voice grew weaker, "I don't think I can be a someone you can lend on." I can almost feel my heart breaking while saying that words to her.

"I will only inflict you too much pain, and I can't bear to do that."

Her eyes is telling me to stop and take back the words I've said. But I ignore it as much as I can do. Lahat ng taong nanatili sa tabi ko ay laging nasasaktan, I am that unfortunate.

I only did this to save her from myself. I will only bore her and waste her time and worse, ruin her life without any single idea.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now