DAY 1 , WEEK 3

25 2 4
                                    

"Congratulations, Mr. Gaizer. You're finally discharged," masayang usal ni Doctor Miranda. I smiled and uttered, "Thank you po, dok."



Tumingin ako kay Nurse Ali na nasa tabi ni Doctor Miranda. Lumuluha ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. "Makakalabas ka na, hijo," natutuwang usal ni Nurse Ali.



I held her hand and looked at her with sincerity. "Salamat po, Nurse Ali. Maraming salamat po sa pag-aalaga sa akin," naluluha kong saad.



Napayakap naman siya sa akin, at niyakap ko siya pabalik at saka mahinang tinapik-tapik ang kaniyang likod.



Pagkatapos noon ay tumayo na ako at saka napatingin kay Doctor Miranda nang bigla siyang may inabot sa akin. Isang puting sobre iyon. "Take this, Mr. Gaizer," sabi niya. Nagda-dalawang isip man ay kinuha ko iyon at saka binuksan.



Nanlali ang aking mga mata ng nakita na iilang libo ang nasa loob ng puting envelope. "Para saan ito, dok?" tanong ko at saka marahan siyang tiningnan.



"I'm giving it to you, para wala kang ikakabahala habang namumuhay ka ng tahimik," sabi niya at saka tinapik ang aking balikat.



Agad akong umiling at saka binalik sa kaniya 'yong envelope. "Hindi ko ito matatanggap, dok. Napakalaki ng halaga nito at nakakahiya," agad kong pagtanggi at saka binigay sa kaniya ang sobre.



"Tanggapin mo na, hijo. Ang nais ko lang ay ang kaligayahan mo paglabas mo ng ospital na ito," usal niya at saka muling binigay sa akin 'yong sobre.



Napabuntong hininga naman ako at saka tiningnan siya ng maigi. "Maraming salamat po, dok. Maraming salamat."



Napangiti naman siya at saka tumango.



Pagkatapos noon ay inihatid na ako ni Nurse Ali sa labas ng ospital.



"mag-ingat ka palagi ha. Alam mo na kung anong gagawin kapag may nararamdaman ka ulit," sabi ni Nurse Ali at saka niyakap ako.



"Noted po, Nurse Ali. Maraming salamat po," usal ko at saka napapikit, dinamdam ang yakap niyang siguradong mami-miss ko.



"Oh, siya. Nandito na , yung taxi." Bumitaw na si Nurse Ali sa pagkakayakap sa akin at saka ngumiti, pinunansan ang iilang luha na lumabas mula sa kanihang mata.



"Paalam po," mahina kong sabi at saka ngumiti.



"Paalam. Mag-ingat ka palagi, hijo. Alagaan mo ng mabuti ang sarili mo," sabi ni Nurse Ali. Tumango ako, at saka binuksan 'yong pintuan ng taxi.



Sa huling pagkakataon ay tumingin ako kay Nurse Ali, at saka kumaway, bago tuluyang pumasok at sinara 'yong pintuan.



"Good morning, sir. Saan po tayo?" magalang na bati sa akin ng taxi driver.



"Sa terminal lang po ako, manong," magalang kong usal, pagkatapos noon ay pinaandar niya na ito at saka umalis na.



"Ito po yung bayad, manong. Salamat po," usal ko at saka binigay sa kaniya yung pera. "Salamat din po, sir," sabi naman ng driver sabay abot ng bag ko na kinuha niya sa likod ng taxi. Kinuha ko naman ito at saka muling nagpasalamat, at pagkatapos noon ay umalis na ito.



Napatingin ako sa paligid at doon ko napansin na wala pang bus. Nakita ko rin na maraming nakaupo na mga tao sa gilid habang naghihintay ng bus.



Mukhang matatagalan pa ako rito.



Lumapit ako sa taong pakiramdam ko ay isa sa mga namamahala rito sa terminal. "Magandang araw po," bati ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at saka bumati pabalik.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now