DAY 2 , WEEK 2

22 1 3
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO :
H

atingYouIsGreat

I HOPE YOU ENJOY READING!

"Do you know what keeps me going?"
she asked as she stared at the waves of the ocean.

"What is it, Ma?" I asked, looking at her as she admired the waves. I can hear the sound of the waves splashing, and I can feel the cold breeze brush through my skin.

Napatingin siya sa 'kin. Ngumiti siya at saka tinapat ang kamay niya sa aking dibdib.

"What keeps me going is this." She softly tapped on my chest.

"Your heartbeat is what keeps me going," she softly said and let out a chuckle.

What I heard warmed my heart. My mom rarely says sweet things. And whenever she does, it's sweet enough to stay in my mind for a long time.

"Pero, bakit 'yong tibok ng puso ko, Ma?" tanong ko naman. Tinanggal niya sa pagkakatapat ang kaniyang kamay sa aking dibdib at saka tinanaw ulit yung alon ng tubig sa dagat.

"Your heartbeat is the one that reminds me that I bore a life; a life that was once inside my womb. A life that I, still, cherish." malumanay niyang sabi.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. I hugged her because of the overwhelming feeling that formed in my heart, and there are no other words that fit perfectly with what I'm feeling right now.

"I love you, Ma," I sweetly said.
Niyakap naman ako ni mama pabalik.

"I love you too, anak."

Nagising akong may naramdaman na parang mabasa sa aking mata. Nang kinapkap ko 'yon, napagtanto kong luha ko pala 'yon. Sa hindi malamang dahilan, parang mabigat yung puso ko. Tila bang ako'y nangungulila sa isang bagay... o tao.

Unti-unti akong bumangon at nakitang nakabukas na naman 'yong kurtina ng bintana. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na 'wag bubuksan kasi hindi ko gusto, pero sa huli ay siya pa rin 'yong nasusunod. Napatingin naman ako sa kanan ko at nakitang nag-aayos si Reverie ng mga bagay na nasa sahig.

"Ako na naman ba... yung gumawa niyan?" Napatingin naman siya sa akin nang narinig niya akong nagsalita. Tumango naman siya bilang pagsagot sa tanong ko.

"Good morning, Finn."

"Morning." Tipid kong bati sa kaniya

"Sorry, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yan," mahina kong sabi. Napailing naman siya.

"Okay lang, naiintindihan ko naman."

"After you organize those things that... i threw, please leave. I want to be alone for now." Napatayo naman siya sabay kapit sa baywang niya.

"What? No, hindi kita pwedeng iwan," pagtututol niya kaagad.

"No, umalis ka pagkatapos mong magligpit niyan. Pipindutin ko naman yung buzzer kapag kailangan na kita."


"Hindi pa rin ako papayag. Paano kung may mangyari sa 'yo at hindi mo na maipindot yung buzzer?" Agaran niyang pagtutol ulit. Inis naman akong napatingin sa kaniya.

"Alis nga sabi pagkatapos mo niyan. Sumasakit pa lalo yung ulo ko kapag ikaw yung kaharap ko eh," masungit kong sabi.

Nilapag niya sa mesa ang mga pinulot niya mula sa sahig at saka nilapitan ako. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinawakan sa aking balikat at saka ngumiti.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now