CHAPTER 18

90 4 0
                                    

Protective

Kinaumagahan ay nagising nalang akong nasa kwarto na at nakahiga sa malambot kong kama. Ang huli kong alaala ay sa sofa ako nakatulog kakahintay kay Austen. Mukhang inilipat niya ako kaya pala ang sarap ng tulog ko.

Napahagikhik ako, kinilig nang kaunti.

Umagang-umaga, Zia.

Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba. Nasa hagdanan palang ako ay naamoy ko na agad ang malinamnam na amoy nang kung anong niluluto sa kusina.

Napanguso ako sa sarili. Parang kakapangako ko palang kahapon na ako ang gagawa ng lahat nang gawaing-bahay. Mukhang masisira talaga ang plano ko ngayong siya na ang umaako nang pagluluto.

Dahan-dahan akong naglakad pababa at una kong nasilayan ay ang malapad na likod ni Austen na wala pang damit pang itaas. Halos bumuka ang bibig ko sa pagkamangha. Sa ginagawa niya kasi ay mas lalong na-flex ang muscles at ugat niya. Marahas akong lumunok. Hindi pa man ako nakakakain ng pagkain ay busog na ako sa nakikita.

Kung ganito ba naman ka-yummy ang makakasama mo sa isang bahay, sinong hindi mabubusog?

"It looks like I'm more than fit on your appetite today than my cooking."

Doon lang ako natauhan nang marinig siyang magsalita. Nakatitig ako sakaniya at nakita kong hindi naman niya ako nilingon, pero nalaman niya agad na nakamasid ako.

Lupit ng pakiramdam ah.

Mula sa halos paglalaway ay tumuwid ako nang tayo at taas-noong nagpatuloy sa pagbaba. "Anong sinasabi mo? You're hallucinating."

Nilingon niya ako at pagkatapos ay ningisihan. Pinigil kong magreact sa lakas ng dating no'n sa'kin at blanko lang siyang tinitigan saka naupo sa harap ng mesa.

Isang maskulado, gwapo at asul na mga matang lalaki na naka-topless na lumingon at ngumisi sa'kin, maghunos-dili ka, Zia!

"Am I, really?" Aniya pa. Inilatag na niya ang mga pagkaing niluto sa hapagkainan. "Goodmorning. It's surprising that you have an english accent." Dagdag pa niya, na inirapan ko lang. Ngayon lang narinig ang english accent ko, nambola na.

Bihira lang naman kasi ako mag-english speaking kapag nasa mood. Pero madalas ay nag-eenglish lang ako kapag galit dahil mas sosyal pakinggan. Hehe.

Nagsimula na kaming kumain. Nagkwento rin siya tungkol sa nangyari sa pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw sa kumpanya nila at bilang butihing asawa, mataman naman akong nakinig sa kaniya. Pagkatapos ay sinabi ko rin sa kaniya ang tungkol sa pagdalaw ni Louis dito kahapon.

"Oh, really?" Tumaas ang kilay niya. "Anong ginawa niya dito?"

Sumubo muna ako ng bacon bago sumagot. "Sinabi niya lang naman na pwede na raw tayong lumabas."

"Is that all?"

"Oo?" Kunot-noo kong sagot. "Bakit, may iba pa ba siyang dapat sabihin na hindi sinabi sa'kin?"

Tahimik lang siyang umiling. Saka kami nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali ang lumipas ay patapos na kaming kumain nang magsalita siya.

"Anyway, since pwede na tayong lumabas.. may gusto ka bang puntahan?''

Uminom muna ako ng tubig bago tumingin sa kaniya. "Sa bestfriend ko. Babalik na ako sa apartment namin."

"What?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Di ba ay pwede na tayong lumabas? Edi babalik na tayo sa kaniya-kaniya nating buhay."

Mariin niya lang akong tinitigan at pagkatapos ay pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya. Kumurap-kurap ako. May mali ba sa sinabi ko?

SS I: Seducing My Gay HusbandWhere stories live. Discover now