CHAPTER 16

106 5 0
                                    

Pagsilbihan

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Anong sinasabi niyang hindi ako makakatakas sa larong sisimulan ko? Ikukulong niya ba ako kung sakaling... subukan ko siyang akitin? Ikukulong saan?

Sa kama?

Napapikit ako at lihim na binatukan ang sarili. Ano ba 'tong iniisip ko? M-Malamang ay imposible 'yon!

Dahil tuloy sa mga huli kong narinig sa kaniya ay hindi kaagad 'yon nawala sa isip ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip, at ang nakapagtataka, ay kung bakit kailangan kong pag-isipan pa ang mga sinabi niya?! Ano bang may'ron do'n at parang hindi ako mapakali?!

Aminado akong hindi naintindihan ang ibig niya talagang sabihin pero may parte sa'king nananabik sa hindi ko malamang dahilan. Isa pa 'yon sa problema ko dahil hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay parang na-eexcite ako!

Nagluluto ako ngayon ng breakfast pero hindi ko maituon ng maayos ang sarili sa ginagawa. Nakakainis. Nakakainis dahil ganoon palang ang ginagawa niya ay ganito na ang epekto sa akin. Paano pa kapag mas malala pa do'n? Hindi 'yon pwede! Hindi ko dapat hayaan mangyari 'yon dahil ako dapat ang nang-aakit at hindi ang naaakit!

"Zia."

"Ay, gago!"

Bigla akong napabitaw sa sandok na hawak at nabaling ang atensyon sa kamay kong napaso. Hinipan ko 'yon at halos mapa-igik sa sakit. Kinagat ko ang labi ko.

"Let me see," Aniya ni Austen na noo'y lumipat sa harap ko. Marahan niyang hinawakan ang kamay kong napaso at saglit na sinuri 'yon.

"What the heck are you doing? Nagluluto ka ba talaga?" Kunot noo niyang sabi. Nagsalubong ang kilay ko.

"Hindi ba halata? 'Kita mong napaso na nga yung tao. Kung bakit naman kasi ay kailangan mong mang-gulat." Inis kong sagot.

Umismid siya. "I was calling you three times already. Ang lapit ko lang sa'yo pero hindi mo ako napansin dahil masyado kang tulala."

Umirap nalang ako at wala nang sinabi. Kasalanan niya naman 'to. Kung sana ay hindi niya ginulo ang isip ko, edi sana matino ang utak ko ngayon!

Pagkatapos niyang tingnan ang kamay ko ay may kinuha siya sa likod niya. Nakita kong malinis na puting panyo 'yon na nanggaling pa yata sa bulsa ng shorts niya. Binasa niya ang panyo sa gripo ng kaunti saka nilagay sa parte ng kamay kong napaso, pinapahupa ang pagkakapaso noon dahil masyado na talagang namumula.

"You really don't know how to take care of yourself." Bulong niya sa naiinis na tono. Nagtataka ko siyang tiningnan. Hindi siya nakatingin sa'kin dahil masyado siyang naka-focus sa kamay ko. Nakita ko sa asul niyang mga mata ang bahid ng pag-aalala.

Bago pa ako malunod sa naiisip ay binawi ko na sa kaniya ang kamay ko. Tinalikuran ko na siya para ituloy ang niluluto. "Ayos lang ako."

"Ako na dito." Pagpepresinta niya.

Hindi ko siya nilingon. Dahil doon ay siya na ang kusang umagaw ng sandok sa akin. Hindi ako nagpatalo at hindi 'yon binigay sa kaniya. Hanggang sa mag-agawan na kaming dalawa at magsamaan ng tingin.

Hindi ko inalis ang titig sa kaniya dahil siguradong kapag ginawa ko 'yon, ako ang matatalo sa aming dalawa. Hindi na ako papayag na mapangunahan niya ako palagi sa lahat ng bagay.

Dahil sisiguraduhin kong simula sa araw na 'to, mapapasailalim ng kontrol ko ang lahat.

Sa huli, siya rin ang sumuko. Halos magdiwang ang loob ko. "Ang tigas talaga ng ulo mo."

SS I: Seducing My Gay HusbandWhere stories live. Discover now