CHAPTER 9

174 8 0
                                    

CHAPTER 9

Car date?

Hindi magkamayaw sa lakas ang tibok ng puso ko habang yakap niya parin. Parang lalabas na 'yon sa kinaroroonan.

Humiwalay siya ng yakap at sinuri ang mukha ko. Naramdaman siguro ang pagkatigil ko. "Are you okay?"

Wala sa sarili akong tumango.

Tipid siyang ngumiti at umayos na nang upo saka ako mas lalong pinakatitigan. "Do you want to eat? Bibili ako sa labas kung may gusto ka."

Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko na kulang nalang ay kuminang siya sa harapan ko. Basa pa ang quiff niyang buhok na mukhang galing lang sa pagligo. Naaamoy ko rin ang pabango niyang halos balutin na ang ilong ko. Grey blazer suit ang suot niya na pinaresan ng maroon plain t-shirt sa loob at trouser pants. Bumagay sa kaniya ang suot dahil sa kalmang aura.

Para akong napipilan at naputulan ng dila, hindi makapagsalita. Gusto kong batukan ang sarili at sabihang umayos. Pinagpapawisan ako ng malamig kahit na malakas naman ang aircon dito sa loob.

Zia, ano ba?! Si Austen lang 'yan!

Oo, si Austen. Si Austen na mapapangasawa ko. Si Austen na halos guluhin na ang buong sistema ko.

Napapapikit ako, naiinis na sa sarili. Nakakabwisit, presensiya niya lang ay ganito na ang epekto sa'kin.

Tumingin ako sa kaniya. Pero huli na nang magsisi nang mapako na naman ako sa mata niyang kasingkulay ng kalangitan.

Titig na titig ang mga 'yon sa'kin na para bang wala nang ibang nakikita kundi ako lang. Mga matang maraming emosyon at sikretong tinatago. Mga matang kasinglalim ng karagatan na parang hinihele ako.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Palagi talaga kapag napapatingin ako sa mga mata niya, nahihirapan na akong umiwas at hindi tumitig doon. "A-Ayos lang ako."

Kahit nakaiwas na ang tingin ko sa kaniya ay ramdam ko parin ang titig niya. "Sinong bumangga sa'yo?" Seryoso niyang tanong.

Doon ko lang siya nilingon. "Hindi ko alam." Huminga ako ng malalim. Sa tingin ko kasi ay kailangan niyang malaman ang totoo. "Habang nagmamaneho ako... napansin kong may sumusunod sa'kin. Hindi ko alam kung sino at kung ano ang dahilan." Kumunot ang noo ko. "B-Binilisan ko ang padadrive para maunahan siya kaya bumangga ako sa kotseng nasa harapan ko." Naalala ko si Louis. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya kung sino ang nagdala at nag-alaga sa'kin dito. "Kaya naguguluhan ako... wala naman akong atraso sa kahit kanino para habulin ako ng taong 'yon."

Dumiin ang titig niya sa'kin pero parang napaisip ng malalim. Natulala siya. Bumubuka rin ang bibig na parang may gustong sabihin pero hindi magawa. Tinitigan ko siya ng mabuti.

"Don't worry, inaasikaso na ng parents mo kung sino ang taong may kailangan sa'yo."

Dahil sa sinabi niya ay naalala ko na naman sina Mom at Dad. Bumaba ang tingin ko at lihim na malungkot na ngumiti. Mukhang wala na talaga silang balak na bisitahin ako dito. Uuwi nalang ako na ni anino nila ay hindi ko man lang nasilayan, maiparamdam lang sa'kin ang pag-aalala nila.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. "Pwedeng iuwi mo na ako?"

Kumurap-kurap siya sa'kin. "But... are you already fine? Tatanungin ko muna ang doctor—"

"Please, Austen." Nagmamakaawa akong tumingin sa kaniya. Naguguluhan siya sa inaakto ko kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Please... dalhin mo 'ko, kahit saan. 'Wag lang kanila Mom at Dad."

SS I: Seducing My Gay HusbandWhere stories live. Discover now