CHAPTER 7

154 8 2
                                    

CHAPTER 7

Mang-akit o maaakit?

Sariwa at masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin habang nakatanaw ako sa lugar na minahal at kinalakihan ko. Ang bansa kung saan ako naging masaya at naging matatag.

Malawak ang lupa na tanaw ko ngayon. Halos kuminang sa kulay berde ang paligid dahil sa dami ng matatayog na punong nagkalat sa paligid. Ngunit isa itong simbolo na ang bayan ay balot ng kapayapaan at katahimikan, na masaganang namumuhay ang mga taong naninirahan.

Nakangiti kong winagayway ang kamay ko sa ere. Nakapikit at patuloy na ninamnam ang hangin.

Pero naputol lang ang kasayahan sa puso ko nang maramdamang umalog ng husto ang ulo ko. Namamanhid ang katawan kong natumba sa madamong lupa.

Bago ko pa maipikit ng tuluyan ang mga mata ko ay isang boses ang narinig ko.

"Kailangan mo nang mamatay, Ziana."

"Baby? Are you okay?"

Mabigat man ang talukap ng mata ay pinilit kong imulat ang paningin ko. Kumikirot din ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan. Noong una ay nanlalabo pa ang paligid hanggang sa luminaw na at una kong nakita ang puting kisame. May dextrose rin na nakakabit sa'kin at ramdam ko ang malambot na kama at unan. Mukhang nasa hospital ako.

"Hey, Zian." Ramdam kong may naupo sa tabi ko. "How are you feeling?"

Kumunot ang noo ko nang makita sa tabi ko yung lalaking kayakapan ni Austen kanina. May halong pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.

Bakit nandito 'to? At bakit kilala niya ako?

Ngumiti siya sa'kin. "Hindi mo pa ata ako nakikilala. I'm Louis Zion."

Kinunutan ko lang siya ng noo. "Bakit kilala mo ako?"

Parang natigilan siya sa tanong ko na 'yon dahil ilang saglit siyang natahimik at napakurap-kurap. Pero ngumiti lang siya ulit sa'kin. At hindi ko mapigilang hindi magwapuhan sa klase ng ngiti niya.

"I know Mr. and Mrs. Quinnford."

Ah, kaya pala. So, totoo kayang galing din kay Mom yung sasakyan na napamilyaran ko na ginamit niya?

Nilingon ko siya ulit at tinitigan ng mariin. "May nickname ka pa talaga sa'kin at tinawag mo pa akong baby? Close ba tayo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Naalala ko pa ang binanggit niya kanina bago ako magising.

Natawa lang siya sa'kin. "I love giving nicknames for my pets."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hahablutin ko na sana siya pero mabilis siyang nakailag at tumayo!

Paano niya inasahan 'yon?! Hindi naman kami close para mahulaan na gagawin ko 'yon!

Natawa lang siya at naupo sa sofa kalayuan sa'kin, nakangisi. "Stop being agressive, Zian."

Ngumiwi ako. Ang weird niya talaga. At kung makaasta siya ngayon sa harap ko parang sanay na siya sa'kin at close na close kami. Samantalang kanina ko lang siya nakita, kayakapan ang kapwa niya lalaki.

Err.

At bakit sa lahat ng taong pwedeng daluhan ako ngayong naaksidente ako ay siya ang nandito? Na'san sina Mom? Si Austen?

Umayos ako ng upo at pinilit na buhatin ang sarili. Aalalayan na sana ako ni Louis pero mabilis siyang lumayo nang akma ko sana siyang hahampasin. Ngumisi lang siya.

"Ang weird mo, 'no?" Nakangiwi kong sabi saka sumandal sa headboard ng kama. Sinuri ko siya, naka-white t-shirt at pants. Pero nang mukha na niya ang matitigan ko, nakita kong may galos at sugat-sugat siya doon. Nakaband-aid at parang sariwa pa ang hiwa. Wala sa sarili ko siyang lalong tinitigan. "A-Anong nangyari sa mukha mo?"

SS I: Seducing My Gay HusbandWhere stories live. Discover now