CHAPTER 13

130 4 0
                                    

A/N: HI GUYS! Sorry for not updating, sobrang busy ko na kase ngayon dahil working student na ako. So out of nowhere, nakapag-update ako bigla. Ginanahan kasi ako ngayon magsulat pero ngayon lang 'to guys, sorry na agad sa matagal na next update. But anyways, enjoy reading!

Unknown memories

"Zian, laro tayo!"

Isang batang lalaki ang lumapit sa'kin. Agad na lumapad ang ngisi ko.

"Bakit nandito ka na naman, ha? Gusto mong pagalitan ka na naman ng mga guards namin na feeling gwapo?" Taas-kilay kong tanong. Ngumisi lang din siya sa'kin saka tinalon ang distansya sa pagitan namin. Nandito ako sa likod ng bakuran namin at maswerteng nakatakas sa paningin ng mga gwardiya para lang makipaglaro sa makulit na batang 'to.

"Kahit bugbugin pa nila ako, titiisin ko. Basta makalaro lang kita." Pilyong sabi pa niya. Humagikhik ako.

"Alam mo, ang bata mo pa pero ang dami mo nang alam." Naiiling kong sabi saka naupo sa damuhan. Naupo din siya sa tabi ko dala ang mga laruan ko at laruan niyang pinaghalo namin para paglibangan.

"Syempre, ako pa ba. Pero totoo 'yon. Hindi ko kayang hindi ka nakikita kahit isang araw lang, Zian." Dagdag pa nito. Lito ko siyang nilingon pero sinagot niya lang ako ng matamis niyang ngiti.

Hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin ng iba niya pang sinasabi dahil masyado pa akong bata para maintindihan lahat ng 'yon. Pero hindi ko maitatanggi na tumutugon ang puso ko sa bawat matatamis na salitang binibitawan niya. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Dahil kasingkulay ng mga mata niya ang mapayapang kalangitan, hindi ko alam kung hiniling niya bang mahalin ko ito ng lubusan.

"Zia, are you okay?"

Isang nag-aalalang boses ang una kong narinig nang idilat ko ang mga mata ko. Ramdam ko ang malambot na kamang hinihigaan ko pati narin ang panlalaking amoy na bumabalot sa buong kwarto.

Nang tuluyan nang luminaw ang paningin ko mula sa pagkagising ay nasilayan ko agad ang gwapong mukha ni Austen. Seryoso man ay mahihimigan ang pag-aalala sa asul niyang mga mata.

Parang parehong-pareho sila ng kulay ng mata noong bata na nasa panaginip ko.

Doon bumalik ulit sa akin ang lahat. Ang napanaginipan kong isang batang lalaki. Pero panaginip nga ba talaga 'yon? Pakiramdam ko kasi ay totoo 'yon. O parang nangyari na 'yon.

Pero kung nangyari man 'yon, imposible naman na hindi ko maalala 'di ba?

Hindi ko alam, pero parang nangungulila ako sa batang 'yon.

"Zia?"

Kumurap-kurap ako. Nandito nga pala sa harap ko si Austen. Dahan-dahan akong bumangon at umayos ng upo. Parang gusto niya pa akong alalayan pero hindi niya ako magawang hawakan.

Tumikhim ako. "Ayos lang ako... ano bang nangyari?" Tanong ko. Medyo masakit kasi ang ulo ko at parang ayoko nang alalahanin pa ang mga nangyari bago ako napunta sa kwartong ito.

"Nawalan ka ng malay. I think that's because you're tired. You should rest first."

Huminga ako ng malalim at sinunod nalang ang gusto niya. Hindi narin ako umangal pa dahil kumikirot parin ang ulo ko at natulog nalang ulit.

Paggising ko ay madilim na sa labas. Nang ilinga ko ang paningin ay doon ko napansin si Austen sa gilid ng kama at hawak ang laptop niya habang kunot na kunot ang noo. Muntik na akong mapabangon dahil sa gulat.

SS I: Seducing My Gay HusbandWhere stories live. Discover now