CHAPTER 8

173 8 1
                                    

CHAPTER 8

Worried

"Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko kay Louis na nakaupo sa tabi ko. Sabay kaming kumakain ng pagkain na binili niya sa labas.

"I'll ask the doctor." Sinubuan niya ako kaya nakanguso ko 'yong tinanggap. "Masakit pa ba ang ulo mo?"

Umiling ako. "Hindi na."

"You still have to be checked. Baka mamaya ay may napuruhan talaga diyan sa ulo mo dahil narin sa katigasan ng ulo mo."

Sinimangutan ko siya. "Anong connect no'n?"

Kumibit balikat lang siya at sinubuan ulit ako. Umirap nalang ako.

Dalawang araw na ako sa hospital na 'to at sobrang nabuburyong na talaga ako. Para akong asong gustong-gusto nang makawala sa kulungan pero hindi ako mapayagan ng amo ko.

At imbes na doctor ang amo, ito pa talagang Louis na 'to! Kung pagbawalan niya ako kumilos ay mas malala pa siya sa doctor. Kung pakainin ako oras-oras, daig ko pa ang binibaby-sitter. Minsan kahit gustong-gusto ko nadin siyang sapakin sa mukha ay hindi ko nalang ginagawa. Halata kasing masyado siyang concern sa'kin. Hindi ko talaga alam kung bakit tinatrato niya ako ng ganito.

Hindi ko naman pwedeng isipin na, inaalagaan niya ako dahil asawa ako ng boyfriend niya? Imposible naman ata 'yon. Ni parang wala nga siyang kaalam-alam na kasal na ako sa iba. Ang mas malala, sa boyfriend niya pa.

Gusto ko narin siyang kwestyunin tungkol sa relasyon nila ni Austen pero pakiramdam ko hindi pa ngayon ang tamang oras. Kahit sa dalawang araw naming pinagsamahan ay medyo napapalapit narin siya sa'kin. Natatakot akong baka kapag inalam ko pa ang tungkol sa kanila, magbago ang trato niya sa'kin at iwan ako dito.

Oo, nakakasawa ang mukha ng Louis na 'to pero minsan nakakabusog din. Kasi kahit halos baldado na ako dito kahit hindi naman talaga, nakakasilay parin ako ng gwapong nilalang.

Minsan nga ay nakikita niya akong nakatitig sa kaniya at kapag nahuhuli niya ako, lagi niyang pinipitik ang noo ko at sinasabing huwag ma-fall sa kaniya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba talaga siya doon o talagang seryoso.

Well, may mahal nang iba e. Gano'n talaga.

Sabagay, kung sa kaniya ako ma-fall, gano'n parin ang kalalabasan. Masasaktan lang ako sa huli kaya siguro ina-advance niya?

Pero alam ko naman sa sarili kong hindi ko siya gusto. Humahanga lang ako sa kgwapuhan niya. Minsan nga kakatitig ko sa kaniya, naiisip kong pamilyar siya at may kamukha na kilala ko.

Nang dahil sa naisip ay tinanong ko siya. "Louis, nagkita na ba tayo dati?"

Parang nanigas siya sa kinauupuan sa tanong ko na 'yon. Natigilan siya at hindi nakapagsalita.

"Louis?"

Dahan-dahan niya akong nilingon. Nang titigan ko siya sa mata ay napansin ko ang lungkot ro'n. Bumubuka ang bibig na parang may gustong sabihin pero hindi magawa. Nangunot ang noo ko.

"Huy," Tinapik ko siya. "Okay ka lang?"

Tumango siya at nagbaba nalang ng tingin. Natahimik siya bigla.

Tinanong ko lang naman kung nagkita na kami dati, bakit lumungkot siya? Anong nakakalungkot sa sinabi ko?

Gustong-gusto ko na siyang tanungin pero pinili ko nalang na manahimik. Baka may pinagdadaanan na hindi kayang i-share sa'kin. Naiintindihan ko naman dahil minsan gano'n rin ako.

Minsan talaga sa sobrang bigat ng nararamdaman natin, hindi na natin 'yon kayang sabihin sa iba. Kasi ramdam na ramdam mong pasan mo 'yon, at ayaw mo nang magpatulong na magbuhat dahil alam mo kung gaano kabigat 'yon.

SS I: Seducing My Gay HusbandWhere stories live. Discover now