CHAPTER 5

164 9 1
                                    

CHAPTER 5

Package

"How are you, Vashi?"

Umismid ako nang makita ang kadarating lang na si Kelah. "Wag mo akong ini-english english, babaita. Wala ako sa mood."

"Eto naman!" Ngumuso siya at pasalampak na naupo sa tabi ko. "Ang sungit mo ngayon ha? Ano ba nangyari?"

Nanonood kami ngayon ng movie sa TV dito sa apartment na matagal na naming tinitirhan ni Kelah simula nang mag-college kami. Hindi nga kami umasa nang kahit na anong tulong mula sa pamilya namin. Lahat ng binayad namin sa apartment na 'to ay galing mismo sa sarili naming pawis.

Matagal na kaming nagkakilala ni Kelah kaya sanay na akong nandiyan siya lagi sa tabi ko. Paanong hindi? Eh, nakatira kami sa iisang bahay. Hindi kumakain ang isa sa'min hangga't 'di pa dumarating ang isa. Kapag naman gumagawa kami ng school works noon, sabay kami lagi maging busy at natatapos. Kapag naman pareho na kaming hindi busy ay gumagala kami o kaya nanonood ng movie. Madalas din tabi kami matulog.

Kung hindi lang babae ang isa sa'min malamang napagkamalan na kaming magboyfriend-girlfriend sa pagiging depende namin sa isa't-isa.

Dahil sa tanong niya ay bumalik na naman sa isip ko ang nakita ko kanina. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin 'yon kay Kelah.

Sasabihin ko sa kaniya na bakla ang asawa ko? Isipin ko palang ay hindi ko na kaya. Alam ko naman hindi pa gano'n kalalim ang koneksyon namin sa isa't-isa ni Austen. Pero ayokong sirain ang imahe niya sa ibang tao. Kahit pa sa pinakamatalik kong kaibigan.

Saka gwapo siya. Sayang naman

Napahinga ako ng malalim.

"Problemadong-problemado, girl? Ano ba, may balak ka bang magkwento o wala?" Narinig ko nalang ang pagbukas ng bote. Nakita kong may dalawang beer na hawak si Kelah. Ni hindi ko man lang namalayan na magdadala na naman 'to ng alak.

"Yong..." Bumuntong-hininga ako. "Asawa ko—"

"Hala! Hala!" Bigla ay sigaw niya. Napatakip ako sa tainga. Kahit kailan naman talaga oo. "May asawa ka na nga pala! Oh, sh*t! Sh*t!" Tumitili parin siya. Dahil sa sobrang inis ay malakas ko siyang binatukan sa ulo.

"Aray ha!" Reklamo niya sabay kamot sa ulo. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Napaka OA mo talaga, 'no?"

Bumungisngis lang siya at mas lalong lumapit sa'kin. Umirap nalang ako. "Ano na balita sainyo? Kamusta honeymoon?" Tanong niya saka bahagyang tinusok-tusok ako sa tagiliran na parang nang-aasar. Saka siya nakangising bumulong. "Magaling ba?"

Nanlaki ang mga mata ko! "Kelah!"

Natatawa siyang lumayo sa'kin. "Eto naman. Painosente ka pa, ha? Ano? Kamusta nga? Masarap ba?"

Lihim akong napamura. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako sa tanong niya at nag-iinit ang pisnge ko nang sobra. Samantalang wala namang nangyari sa'min!

"T-Tigilan mo 'ko, Kelah! Walang nangyari sa'min!"

"Ay. Defensive?" Tumaas ang kilay niya at humalakhak. "Parang magse-share kalang naman ng kahit konting experience sa'kin. Para kapag sa'kin nangyari alam ko na ang gagawin."

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na 'yon pinakinggan at nagtakip nalang ng tainga habang mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko. Ghad. Hindi ko kinakaya ang mga tanong niya!

"Zia! Hoy! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya mula sa sala. Hindi ko nalang siya pinansin.

Bahala siya diyan. Uminom siya mag-isa.

SS I: Seducing My Gay HusbandWhere stories live. Discover now