CHAPTER 15

110 4 1
                                    

Play

Kahit lasing ako ng gabing 'yon, naaalala ko parin ang lahat. Ang nakakasilaw na ilaw ng bar, ang malakas na tugtugin, ang pakikipagsayaw ko sa isang lalaking asul na asul ang mga mata... mga matang misteryoso at maraming tinatago katulad nalang kung paano nahaharangan ng itim na mask niya ang kalahati ng mukha niya.

Hindi ko namukhaan ang lalaking 'yon dahil naka-mask siya. Pero kung aalalahanin ko ang mga mata niya at titingnan ang mga mata ni Austen, walang duda na parehong-pareho ang mga 'yon!

"I just know."

Unti-unti akong kumalma at marahang umupo ulit sa sofa pero hindi ko inaalis ang matalim kong titig sa kaniya. Hindi niya maaalis basta-basta ang pagdududa ko. Pagkatapos niyang simulan ang usapan tungkol doon, sa tingin niya makakalimutan ko 'yon kaagad?

"Imposible." Mariin ko siyang tinitigan. "Papaanong malalaman mo lang 'yon ng ganoon? Madilim noon at walang nakakita sa amin. Sigurado ako."

"Are you sure?" Mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya.

Kinagat ko ang labi ko. Unti-unti na akong naiinis. Ano bang nakakatuwa at panay ang ngisi niya? Natutuwa ba siya dahil alam niyang may hula akong siya talaga ang lalaking 'yon pero pilit niyang dini-deny para lang asarin ako? Ano?

"S-Sigurado ako. Kaya pa'no mo nalamang may nangyaring ganoon? Maliban nalang... kung ikaw talaga ang lalaking 'yon." Sabi ko. Tumaas lang ang kilay niya sa'kin.

"Ako?" Parang gusto niya pang matawa ng malakas. "That will never happen."

Nag-isang linya ang labi ko. Bakit parang insulto ang dating noon sa'kin?

"Oh sige, sabihin na nating hindi ikaw 'yon. Pero papa'no mo naman nalaman 'yon?"

"Just like what I've said, you're too reckless to mind your actions when you're drunk. Nasa madilim na parte nga kayo noon, pero hindi mo nakitang may CCTV sa sulok na 'yon."

Umawang ang labi ko sa gulat. What the heck?!

"Mabuti nalang at nalaman ko kaagad nang maaga na nakuhanan ka ng CCTV no'ng mga panahon na 'yon. Pinabura ko na ang video bago pa malaman ng iba na ang asawa ko ay nagloko sa'kin isang araw bago ang kasal namin." Aniya. Kinindatan niya pa ako.

Nagtagis ang bagang ko. Siya lang ang natutuwa sa usapan namin ngayon. Parang ikaliligaya niya pa na masira ang pangalan ko sa lahat!

"Hoy!" Sigaw ko. "For your information, hindi ako nagloko! H-Hindi ko nga alam na kinabukasan agad ang pagpirma sa marriage contract."

"Kahit na. People are too suspicious. Lahat ng makikita nila nagagawan nila ng issue kaya mas maganda nang maging maingat."

Hindi na ako sumagot, ayaw nang pag-usapan pa 'yon. Parang mas naramdaman ko lang lalo ang bigat ng responsibilidad at limitasyon na nakaakay sa'kin. Mukhang mahihirapan nga ako nitong makakilos ng malaya sa labas.

"So... you were seduced, huh?"

Napatingin ako sa kaniya, kumunot ang noo. Talagang hindi niya ako titigilan, 'no?

"Alam mo kung gusto mo lang akong asarin dahil diyan, pwes panalo ka na. Oo, naakit ako. Okay na ba?"

Uminom siya ng tubig. Pinanood ko kung paanong lumapat ang labi niya sa labi ng baso at kung paano gumalaw ang adams apple niya habang nakatitig sa'kin. Agad akong umiwas ng tingin.

"Gano'n ba siya kagwapo?" Tanong niya.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Ano namang pakulo ang plano niya at nagtatanong siya ng mga ganito sa'kin?

SS I: Seducing My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon